AUTHOR'S TRIVIA

62 11 1
                                    

Alam n'yo bang pitong beses ko rin sinulat sa akdang ito ang Cursed Mantra?

Maraming salamat sa mga nagtyagang magbasa nito. Pinagpatuloy kong tapusin ito dahil sa mga taong nagne-next at naghihintay ng update 😅.

Originally ay 2k word count one-shot lang ito pero hindi ko inaasahan na magiging novella with 14 chapters 😂. Kahit ako ay na-excite habang sinusulat ang mga horror scenes na na-imagine ko sa gabi. I know the ending is kinda boring but it makes sense according to the flow of plot. Para iwas plothole nakapagdesisyon ako na iyan ang maging ending.

Pero bilang pandagdag kilabot. Ibabahagi ko ang tunay na karanasan ko habang sinusulat ang akdang ito. Kinuha ko ang inspirasyon ng kwento sa movie na "Incantation".

Nagkaroon ako ng kuryosidad na maghanap ng tunay na cursed mantra at baguhin ito nang kaunti. Iyon nga lamang, nakalimutan ko kung saan ko ito kinuha.

Para kasi sa akin ang Buddhism ay malawak, parang Christianity na maraming denomination (Jehova witness, Baptism, Inc, Born-again etc...) at minsan may mga kulto pa. Nahirapan akong intindihin ang Buddhism dahil maraming terms na hindi ko na rin maunawaan.

Basta... kumuha ako ng totoong mantra at binago ko lang ng kaunti pero nakalimutan ko kung saan ko kinuha.

Balik tayo sa kwento ko...
Nang gabing sinulat ko ang Chapter/Part 3, may nangyaring kakaiba. Sa time na 'to 3x ko nang naisusulat ang Mantra. Nag-hang ang laptop ko habang nag-eedit ng chapter. Tapos nagpatay-sindi ang electric fan kaya tumigil ako sa pagsusulat. May nagpindot sa switch 0 and 1 ng electric fan pero nakakapagtaka kasi mag-isa lang ako sa kwarto tapos si Mama nasa ibaba.

Tiningnan ko kung lumuwag o natanggal iyong saksak. O baka may sira. Pero okay naman. Bumalik ako sa tapat ng laptop. Okay na rin. Hindi na siya nagha-hang. Then, I scroll up para tingnan ang pagkaka-edit ko. Natigilan talaga ako...
Ilang minutes akong natulala.
Honestly, natakot ako...
Iyong word na tinype ko--- iyong word na "Mara" ay nawala tapos napalitan ito ng numerong 666. E 'di ba ang ibig-sabihin ng Mara ay demon? Same meaning ng number na 666. Pero pati ang Mantra na sinulat ko ay napalitan ng anim na 666.

"666-666-666,
666-666-666."

Kaya naman nakapagdesisyon ako... Sa huling parte ng kwento. Nag-alay ako ng bible verse para panlaban at maproteksyunan ni Jesus kung sino man nagbasa ng Mantra. At iyong mga binabanggit ni Mr. Shan ay totoong mga protection chant at hindi ko na binago.

Iyon lamang! Godbless!

MƖƊƝƖƓӇƬ ƦЄƊ : PROCRASTINATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon