A/N: Hello, binago ko ang edad nila ngayong present time, Hans is turning 20 and Kaleb is turning 23 na po. Para tugma sa required na edad si Kaleb para tumakbong governor. ^-^
Hans
Hinatid nga ako ni Kaleb ngayong araw sa school, pero hindi kami masyadong nakapag-usap dahil nagmamadali kaming pareho dahil late na ako at siya naman ay may kailangang puntahan na lugar para maghatid ng tulong. But he promised me that he will take a day off for one week for my upcoming birthday next week.
"Hans, late ka ulit? Sabi ko naman sayo mag dorm ka na lang malapit sa school 'e, layo kasi ng bahay niyo." Bungad saakin ni Dandy. Nagmamadali naman akong umupo sa tabi niya dahil nag le-lecture na ang professor namin sa first period.
"Alam mo namang hindi ko kayang asikasuhin ang sarili ko, pagluto nga ay hindi ko pa alam, pati paglaba, paano ako mag d-dorm mag-isa?" Kunot-noo kong sabi sakanya na kami lang ang makakarinig. Nakita ko naman siyang natatawa dahil sa sinabi ko.
"Problema sa mga sobrang mayayaman 'e, hindi tinuturuan ang anak sa mga gawaing bahay." Sabat naman ni Lyka. Napairap ako. Ayaw lang talaga akong mapagod ni papa Reihan, kahit gusto akong turuan ni dad Arken ay hindi pumapayag si papa. Pero kapag nagkaroon ako ng pagkakataong malaman ang mga gawaing iyon ay hindi ko rin naman kakayaning mawalay kila papa at dad. Mamimiss ko sila kapag nag dorm ako. Mamimiss ko ang pag-aalaga nila saakin.
Magsasalita pa sana ako patungkol sa sinabi ni Lyka pero pumasok ang adviser namin at nakasunod sakanya ay isang malaking binatang lalaki na nakasalamin.
"Excuse me po ma'am, gusto ko lang po ipakilala itong new transferee natin, dito po ang room niya." Sabi ng adviser namin. Nakangiting tumango naman ang professor namin ngayong period bago hinayaang magsalita ang adviser namin.
Pinakilala niya ang malaking taong lalaki na naka salamin, sabi niya ay galing daw itong state at anak ng former governor ng Quezon. So ang papa niya ay dating kalaban sa politiko ng papa ni Kaleb. Wow.
"I'm Monti Chavez, nice meeting all of you, I hope this school can take care of me." Pakilala niya saamin habang may aliw na ngiti sa mga labi niya. Monti Chavez. Maganda ang pangalan niya at magandang lalaki rin siya.
"We will surely take care of you, Mr. Chavez. Take a seat beside Ms. Turo." Sabi ng Prof. namin at narinig kong napaungot si Lyka dahil sa tabi niya pinapaupo ang lalaki. Sa likod ko iyon kaya nadaanan niya ako at nagkatinginan pa kami. Binigyan niya ako ng ngiti bago umupo sa likod ko sa tabi ni Lyka.
Pagkatapos no'n ay nagpatuloy ang klase namin hanggang sa pumatak ang break. Sabay-sabay kaming lumabas nina Lyka at Dandy. Nakita pa namin iyong Monti na may mga kasamang ibang mga student galing sa ibang sections at grades na alam kong mga anak mayaman talaga dahil anak ng mga artista at mga sikat ang apelido dahil sa business.
"Kilala ko yun 'e, malapit lang ang bahay nila sa bahay namin." Biglang sabi ni Lyka habang naglalakad kami papunta sa cafeteria. Nilingon ko naman siya at nagtanong.
"Really?" Ang tinutukoy niya ay iyong Monti Chavez.
"Oo, spoiled brat yun 'e, kaya pinadala sa state pra tumino, balita ko ay tatakbo yan para sa pwestong Governor next year." Sabi niya na ikinagulat ko.
"Isn't he too young for that?" Tanong naman ni Dandy. Umiling naman ito.
"No, he's a repeater, ang sabi ay nagkasakit raw kaya tumigil muna sa pag-aaral, if I know, nagbulakbol lang yun." Nguso ni Lyka. Napatango naman ako habang iniisip ang nalaman. Kung ganon ay isa siya sa makakalaban ni Kaleb sa election.
BINABASA MO ANG
Mío
General FictionIn fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]