Hans
Tinitigan ko ang text ni kuya Oasis sa selpon ko at napapabuntong-hininga akong bumangon para mag ayos.
Susunduin niya raw ako at mag-uusap kami. I don't know what he wants but I am too tired to care. Wala naman akong ibang gagawin ngayong araw kundi humilata because it's Sunday and I don't have anything to do. Busy si Kaleb sa kampanya at si dad and papa naman ay busy rin sa trabaho. Ayaw kong mag-isip ng mga makakapanakit saakin kaya kikitain ko na lang rin si kuya Oasis.
I haven't had a fresh breathe for so long and I want it now. Hindi ko na lang siguro ipapaalam kay Kaleb na nakipagkita ako kay kuya Oasis. Wala naman kaming gagawing masama.
Naligo ako at nagbihis bago nag ayos nang kaunti. I wore a lavender oversized shirt and I paired it with a brown above the knee shorts. Nag men sandals lang rin ako at pitaka at selpon ko lang ang dinala ko bago lumabas ng bahay. Hindi ko na kailangan pa magpaalam kay dad Arken at Papa dahil ngayong twenty-one na ako ay hinahayaan na nila ako sa mga gusto kong gala basta raw ay u-uwi ako ng walang galos at buong-buo pa rin.
The two of them have been my support system since the fiance thing of Kaleb was publicized. They know what I am going thru and they still didn't fail to make me feel loved despite dad Arken's detest about my situation. Ayaw na ayaw ni dad na naapi raw ako but Kaleb and I talked to him about the situation and he barely agreed.
Naghintay ako sa bukana ng resort namin at nang makita ko ang kotse ni kuya Oasis ay inantay ko iyon hanggang nasa harap ko na siya mismo. Lumabas siya ng kotse at ngumiti ako sakanya nang ngumiti siya saakin.
“I missed you, Hans.” He said and I didn't budge when he kissed me on my forehead. Napangiwi na lang ako at tumango sakanya.
“Me too, kuya.” Sabi ko bago niya ako alalayan papasok sa kotse niya.
“So, where do you want to go?" Tanong niya. Nagkibit-balikat naman ako. Ang gusto niya ay sa bahay na lang kami mag-usap pero sinabi ko sakanya kanina na I want a road trip para mahanginan naman ang utak kong gulo-gulo na simula nang kumalat ang pictures namin ni Kaleb.
“Where do you want to take me?” Sagot ko at nakita ko siyang napatitig saakin. Pinagtaasan ko siya ng kilay at natawa siya.
“Wow, dati hindi ka nakakasagot ng ganyan saakin. Ahh, I really missed you.” Sabi niya na ikinailing ko. He's overreacting. Pinaandar niya ang kotse at nagsalita muli siya.
“I was so busy these past few months so I couldn't visit you at your school, Hans." Sabi niya. Sinagot ko naman siya para lang may mapag-usapan kami.
“Kahit busy ka dati, nagagawa mo pa rin akong inisin araw-araw, kuya Oasis. What were you doing these past few months?" Tanong ko. He chuckled before answering.
“I was in New York, for work. Kakauwi ko lang last day and..” Napasulyap naman siya saakin at parang iniisip ko ipapatuloy niya ang sasabihin. Pinagtaasan ko siya ng kilay.
“What?" Nagulat ako na nasa ibang bansa pala siya pero hindi naman na iyon bago sa trabaho niya.
“I just saw the announcement of Kaleb's fiance, also.. the scandal the both of you were in.” Sabi niya na parang nag-aalangan. Napairap naman ako at napasandal sa kinauupuan ko.
“Yeah, everything is okay now.” Sagot ko sakanya kahit na alam kong malayong-malayo sa okay ang sitwasyon namin ngayon.
“Are you really okay? Akala ko, ikaw ang gusto ni Kaleb?" Tanong niya na ikinatahimik ko nang ilang segundo.
Yeah, he loves me, and that love is ruining the both of us.
“Everything is a lie, kuya Oasis. Anyway, did you fetch me to talk about this?” Pag-iiba ko sa usapan. Umiling naman siya at nakita kong bumalik ang ngiti niya kanina.
BINABASA MO ANG
Mío
General FictionIn fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]