Hans"What's wrong with you?" Halata ang inis sa boses ni kuya Oasis habang kunot noo itong nakatitig saakin. Nasa sala kami ng bahay nila habang nag-uusap sila dad Arken, papa Reihan, tito Liam at Eli sa kusina. Katatapos lang nilang pagalitan si kuya Oasis dahil sa isinumbong ko. Nakagat ko ang labi at napayuko.
"Sorry, kuya. Hindi ko kasi pwedeng isumbong si Kaleb, ayoko rin makita si tito Kalden." Kagat-labi kong ani. Napatitig ako sa kawalan at napabuntong-hininga. Napakasama ko to do this with kuya Oasis but I don't really know what to do right now. Namimiss ko agad si Kaleb pero mabigat ang dibdib ko to even meet him. Alam kong kanina pa siya nagte-text at tumatawag pero hindi ko iyon pinapansin.
"What happened?" Umangat ang ulo ko sa tanong ni kuya Oasis at napakagat labi ako.
"Nothing, kuya. I'm just tired." Pagsisinungaling ko but I saw him staring at me so hard. Alam kong alam niya na may mali sa inaakto ko kasi I never lied like this to my father before. Tinakpan naman ako ni kuya Oasis kanina at inako lahat ng sinabi ko kaya dagdag guilty iyon sa nararamdaman ko ngayon.
I don't really know what to do. Parang gusto ko na lang kalimutan ang lahat ng nalaman ko kanina.
"Your phone keeps ringing, is that Kaleb?" Tanong ni kuya Oasis na ikinapikit ko. Tumayo ako at nagpaalam sakanya.
"Sagutin ko lang 'to, kuya." Paalam ko at nagmamadaling lumabas. Lumabas ako ng gate nila at naglakad papunta malapit sa side ng bahay nila kung saan may maliit na basketball court. Umupo ako sa isa sa mga bench roon habang sinasagot ang tawag ni Kaleb. I miss him.
"Hello?" Sagot ko sa tawag.
"Fuck! For goodness sake, pumpkin! Bakit ngayon mo lang sinagot?! Are you okay? Did anything happen?!" Nailayo ko sa tenga ko ang selpon dahil sa pagsisigaw niya. Napangiwi ako at nakagat ko ang labi ko bago sumagot.
"Sorry, Kaleb. Nasa bahay ako nila kuya Oasis ngayon, dad Arken was mad when I got home so I told him I was with kuya Oasis para hindi siya magalit sayo." Paliwanag ko at natahimik naman siya nang ilang segundo.
"You didn't have to do that, pumpkin. I can take responsibility for my actions, and why did you go home so early? Hindi mo ako ginising, I'm pissed. BIG TIME, Hans." Napahangos ako nang tawagin niya ang pangalan ko. He's really mad.
"S-Sorry, I got nervous... because of dad Arken." Pagsisinungaling ko habang napapalunok pa. Mas lalo pa akong napalunok nang makita ko si kuya Oasis na papalapit ito saakin habang kunot na kunot ang noo. Shit. Please don't talk while I'm on the phone with Kaleb. He'll be more pissed.
"Hans, your dad wants you inside. Turn off the phone. He's mad." Malakas niyang sabi na ikinapikit ko. Kung minamalas nga naman talaga ako.
"Is that Oasis? Tell that jerk to stop lying. Aakuin ko ang kasalanan ko sa dad Arken mo. Stay. Away. From. Him." Matigas na sabi ni Kaleb bago pinatay ang tawag. Naguguluhan naman akong tiningnan ang selpon ko at napaungot. What does he mean by that?
"Hans," Makulit na tawag saakin ni kuya Oasis. Tumayo ako at lalakad na sana papasok ulit sa bahay nila pero hinawakan niya ako at hinarap sakanya. I looked at him confused.
"Something is bothering you, I can tell. What is it?" Ani niya at agad akong umiling at yumuko. Am I that readable? Natatakot na tuloy akong makita si Kaleb dahil baka mapansin niya rin at magtanong siya nang magtanong. Panigurado ay hindi ako makakatiis at masasabi ko sakanya ang totoo.
"Hey, Hans! Hey!" Nagulat ako nang bigla akong alog-alugin ni kuya Oasis. Napakurap-kurap ako sakanya at kita ko ang sobrang pag-aalala sa mukha niya.
"You're so out of this world since earlier, what the fuck is happening? Is this about Kaleb?" Muli niyang tanong. Umiling ako at inalis ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko.
BINABASA MO ANG
Mío
Ficção GeralIn fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]