Chapter 12

6 1 0
                                    

-Jasryl Sion Estela-

I might not be totally informed regarding the latest numbers of my readers and the numbers of those who're loving those novels, yet I've been pretty sure that they increased.

Dumami sila nang dumami, sigurado akong mas tumaas ang bilang ng mga nagkagugusto sa mga naiimprintang libro ko. Pero hindi dahil sa interesado sila sa kagandahan nito kung hindi dahil sa isyu at kasuspe-suspetyang koneksyon ng mga nobelang ito sa mga nalulutas na kaso.

Sa wakas, nakalabas na naman ako sa bahay ni Alastair. Ilang araw ko nang pinagsasakitan ng ulo ang nangyari kay Hanna at Zachary. Sa paningin ni Hanna, idinamay ko sila sa pagsusulat ko. Pero ang totoo ay pare-pareho lang din kaming nadamay.

I stopped walking by the street to look up the sky. Nasira na ang pagkakaibigan naming dalawa. Dahil lang sa hindi niya mabitawan si Zachary, dahil sa nobelang 'yon.

Gusto kong mabasa ang nilalaman ng mga ipinapasa ko. Hindi ko alam, gusto ko ba talaga? Kasi parang ayaw ko rin. Ayaw kong lumala ang trauma ko, pero naitutulak ang kyuryusidad ko.

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang sariling kamay at napahikbi.

Dapat may lakas-loob akong bumasa ng huling nobelang naidamay si Hanna. Pero hindi ko kaya, ayaw kong isipin ang kuwento ng relasyon nila.

Nasusuka ako.

Pareho kaming masusuka ni Hanna kung alam naming dalawa ang kuwento namin.

After the book signing event, I was left gawking at the physical book I was holding. I opened a lot of copies of this one today, but those fans earlier weren't even aware that the writer didn't even read her book.

Na pinipirmahan ko lang 'to. Hindi ko pa binasa. Hindi ko pa isinulat.

Tahimik akong tumayo sa kinauupuan ko at nagpaalam sa ibang writers. Pagkalabas ko sa venue ay natanaw ko si Sir Yance. He was smiling happily as he approached me.

"As expected. You will attend here, Miss Jasryl. Kumusta ang event?" masigla niyang panimula.

I faked a smile. "Maayos naman, Sir. Nakita ko po kayo kanina sa signing event."

"Yes, it's because I will not miss this opportunity. I have my own book signed," sagot nito sabay kaway ng librong nakasasawa nang makita.

"That's good to hear."

"Anyway, Miss Jasryl. This book---"

Bumuntonghininga akong tumango sabay ngiti kay Detective Yance. Na para bang alam ko na ang sasabihin niya.

Alam ko naman na talaga. Na siya ang nakalutas sa krimeng ginawa ni Zachary. Na binasa niya na naman ang librong hawak niya ngayon.

"I know, Sir. You are behind the solved case of Mr. Zachary and Hanna."

Natahimik lang si Detective Yance at nahiyang ngumiti. Tila 'yon nga ang sasabihin niya sa akin.

"Ganoon na nga, hindi ko na alam kung paano ka nakasusulat ng ganitong klase ng nobela," he said with amazement. "Sobrang husay mo. Miss Hanna's now safe, all thanks to you and this book."

I quietly nodded and continued walking. "Hindi ko alam ang isasagot ko. I'm just doing what I want to do, that is to write po. And about the last time we met, Sir?"

Nilingon ko si Detective Yance kasi sinusundan niya naman ako sa paglalakad. His brows creased and stood up beside me. "Yes? What about it?"

My lips parted. Walang lumalabas na boses, naharangan ang lalamunan ko. Hinarangan ng pag-aalinlangan, ng takot na banggitin ang pangalan ni Kuya Jensen.

The Pen Behind The Popular WriterWhere stories live. Discover now