Tahimik kaming kumakain ni Alastair ng hapunan namin. Nagluto siya ng adobo at pansin kong pinagsikapan niyang lutuhin ito para sa akin. He's aware that this dish has been the best meal for me.Subalit kung luto naman ito ng pinakaayaw kong tao sa mundo, mahihirapan pa rin ako sa paglunok nito.
I silently filled my mouth with food and chewed it with a blank look on my face. Biglang nasira ang katahimikan nang ilapag ni Alastair ang kutsara't tinidor sa plato nito. Nagtitigan kami.
"Not enjoying your food? Palagi na kitang ipinagluluto ng paborito mong pagkain. Pero ni minsan, hindi ka pa rin nakukuntento?" inip niyang tanong. Good thing I already finished my plate. I stood up and took my plates to the sink.
"I am enjoying the meals you served. I'll be washing the dishes tonight again," sagot ko sa blangkong tono. Hindi niya alam kung gaano ko samahan ng tingin ang kawalan tuwing nakatalikod ako sa kanya.
Kasi hanggang ngayon, nagsisi pa rin ako nang sobra sa pagtanggi kay Kuya noon. Kaya siguro ganito kaganda ang pagtrato ni Alastair sa akin sa mga nakalipas na araw lang, kasi nahahalata niyang hindi maayos ang timpla ng pakiramdam ko rito.
Nagkukulong, walang ginagawa. Nabubulok kahihintay sa susunod na ipapasa ko o sa susunod na event para makalabas na. Kumusta na si Kuya? Sila Tita, si Sir Yance. Ano na kayang balita sa ipinabasa kong short story? May nangyaring masama ba sa kanya?
Inilatag ni Alastair ang pinagkainan niya sa may lababo at iniyuko ang ulo para titigan ako. "You've been looking very cold lately. Sawang sawa ka na ba rito? Napupunuhan ka na ba?"
I didn't answer him.
"Do you miss that Detective or that brother of yours? Come on, tell me, Copycat!"
Ts.
Napaigtad ako nang napaungot ako nang hindi ko namamalayan. Akala ko ay narinig niya ako pero sakto naman kasing may nag-ring na cellphone. He took a phone from his pocket and it was actually mine.
Alastair's lips shaped an 'o' when he saw who's calling. "Speaking of! Oh, if it isn't our heroic piece of investigator, Yance Serrano."
Si Sir Yance?
Napatigil pa ako sa paghuhugas ng plato nang ilahad ni Alastair sa akin ang cellphone. He was smiling in excitement.
I answered the call. "S-Sir Yance, good evening. Napatawag po kayo?"
"Evening, Miss Writer. Nasaan ka ngayon?"
"Sa---" I cut my words off when Alastair's head tilted and he glared at me.
"Teka, bakit? Anong nangyari, Sir?" pagbabago ko ng sagot ko sa tawag.
"Kailangan po kitang makita ngayon. May importante tayong aasikasuhin." Tumango tango na lang ako lalo na't ako mismo ang natataranta kay Sir Yance.
"S-Sige, anong problema? Magkita tayo," pagpapayag ko nang binigyan ako ni Alastair ng signal ng pagpayag nito. Sinabi na ni Sir Yance ang lugar kung saan kami magkikita. Kaagad akong umaksyon at mabilis na nakapunta sa lokasyon.
Sobrang gabi na.
Kahit na nagtataka ako sa kung saang lugar man kami magkikita ni Sir Yance, tumuloy pa rin ako. Isang condominium building ito at may mga nakaparadang policecars sa ibaba.
Kinakabahan akong lumapit kay Sir Yance nang matagpuan ko siyang nakikipag-usap sa mga interviewers at reporters na nagkukumpulan. Tila hayok na hayok sila sa balita.
May nangyari na naman. Isang isyu na naman at kung tinawag ako rito, kasangkot na naman ako.
"Sir!"
"I'm really sorry for calling you even at this hour," paumanhin ng Detective nang makawala na siya sa mga interviewers. If there's a crime scene or some incident here and Sir Yance's involved. Maybe he's the one who solved this one again.
YOU ARE READING
The Pen Behind The Popular Writer
Детектив / ТриллерAlastair Roman, a passionate Mystery writer who wanted all his works to be published and he wanted that all of his stories will be loved by people. Unfortunately, none of his novels got accepted by the publishing companies he approached which disapp...