Chapter 13

5 1 0
                                    

-Jasryl Sion Estela-

Ako na yata ang makararamdam ng pinakamatinding takot sa mga minutong ito. Kulang ang pangininig ko, magkakaibang emosyon na ang nag-uumapaw sa akin dahil sa inaasahang gagawin ni Alastair ngayon at nahuli niya kami ni Kuya na nag-uusap.

At siguradong narinig niya ang pinag-uusapan namin. Ang tungkol sa pamimilit ni Kuya sa akin para sumama sa kanya.

Hidi ko na alam ang gagawin ko. Ano ang dapat kong ipaliwanag. Na hindi naman ako nagsumbong sa kapatid ko? Na wala namang kinalaman ang kapatid ko sa pinaggagagawa namin ni Alastair sa likod ng mga nobelang iyon?

Na hindi ko sinabi sa kapatid ko ang tungkol sa ilang araw kong pagkawala kasi hindi ako pinapayagan ng boyfriend kong lumabas sa bahay?

Anong gagawin ng kasama ko ngayon?

my hands held each other to pacify myself from shaking.

Pagkababa namin sa taxi, napatayo lang si Alastair sa harapan ng pinto ng bahay nito. Ang likod niya lang ang nakikita ko.

At mas mabuti pa sana kung hindi ko na siya makita pa, kahit kailan.

"Follow me, copycat." His voice was too cold, cold enough to make me shiver. Dahan-dahan niyang ipinihit ang doorknob at pagpasok namin sa loob ng bahay, tahimik lang akong napatayo sa may gilid ng upuan.

"Wala akong sinabi sa kanya---"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang sobrang bilis at sobrang lakas niya akong itinulak sa couch. Alastair's eyes were bursting in anger as he tightened his grips on my wrist against the couch. I winced in pain, I almost screamed.

Nagsisimula na siyang manakit. Parang tatanggalin niya ang mga kamay ko sa sobrang higpit ng paghawak niya sa magkabilang pulsuhan ko.

My heart's going to get out of my chest.

Unti-unting natawa si Alastair habang kaharap niya ako. "Well, well? That was a strategic trick that you have!"

"Hindi. Wala akong bina---"

"Wala kang ano? Kinuha mo pa ang oportunidad sa araw na ito para makalabas kasi wala ako sa bahay, at may book signing event ang sikat na pekeng manunulat? Para makipagkita sa kapatid mo?"

Dahil sa sobrang pagdiin nito sa kamay ko, naluha na ako sa sakit at hindi ko na napigilan ang takot ko.

"Why? Are you planning to escape from me? What did I tell you before? To fear me. Iyon nga, hindi ba? Sobrang takot ka na ba at nagsumbong ka pa sa kapatid mo?"

"Hindi ako nagsumbong." I sniffled and cried in front of the psychopath. I was crying to please someone who didn't deserve to be pleased by me.

"Walang alam si Kuya tungkol sa atin, sa pinaggagagawa ko. At sa kung nasaan ako ngayon."

He let go of my other hand and the next thing he did was to hold my head. Hindi pa rin lumilipat ang tingin niya palayo sa mga mata ko. "You think I've been convinced like that?"

He grinned.

"Bakit gusto ka niyang kunin at ilayo? Inilalayo ka ba niya sa kung sino man? Sino pa ba ang gusto mong layuan at iwasan, ako lang din naman, hindi ba Jasryl?"

"Mali ka. Hindi ko rin alam ang rason niya kung narinig mo man ang mga 'yon!"

"Oh, okay?" Alastair nodded twice. "So why was he wanting you to stop writing and publishing novels, to the point that he's requesting you such crappy sh*ts to manipulate you?"

"You know what? Maybe you and your brother fit best in the same shoe. Kaya gusto ka na niyang ilayo sa pagsusulat kasi alam niyang may mali sa kasikatan mo."

The Pen Behind The Popular WriterWhere stories live. Discover now