Chapter 02

11 3 0
                                    

"Come on, eat. The foods I ordered aren't just served on the table for display. Ubusin mo 'yan, Miss Jasryl," mahinahon niyang pag-alok habang ako itong pilit na pinipigilan ang mga kamay sa panginginig. Kanina pa ako nanlalamig sa takot.

Hindi ko magawang tingnan nang diretso ang lalaki pero dapat kong sundin ang bawat utos niya, ang lahat ng sasabihin niya. Hawak niya ang kaligtasan at kapahamakan ko sa oras na ito. At ang kailangan kong gawin ay ang maging maingat.

To prevent myself from making the strange guy annoyed, I started scooping rice to my spoon with my trembling hand. I went all the way to a restaurant because he brought me here, saying we needed to talk about something very important. Too crucial that it could extremely affect the crime I did, and the popularity I gained.

"Are you feeling comfortable?" nagtatakang tanong ng lalaking biglang naging concern sa akin. Nahirapan akong lumunok sa nginuya kong pagkain. The next thing I did was to give him the most genuine smile.

"O-Oo naman po."

He solely tilted his head as the food I was chewing tasted bitter. "You're lying. You're a liar and a criminal. Alam kong hindi ka komportable rito ngayon."

Pasimple akong ngumiwi.

Sino naman ang magiging komportableng kasama siya?

"Ano'ng pinagsasabi mo? Ayos lang ako, at mabuti pa't pag-usapan na natin ang gusto mong sabihin sa akin." Nagdagdag pa ako ng pekeng tawa pero agad din akong natahimik nang lumakas ang paglapag niya ng baso niya.

"Mukha ba akong nagkakamali sa nakikita kong kalagayan mo? Alam kong hindi madali para sa 'yo ang manatili sa mataong lugar kagaya nito."

"You feel like every people around you seemed to be glimpsing at you, knowing you're a famous big deal of the city," he stated, trying to unveil the other discomfort from me. Tama naman siya, nasu-suffocate na rin ako sa paraan ng pagtapon ng mga tao ng atensyon sa akin. At hindi madaling magtiis sa ganitong lugar.

Mas lumalala ang panginginig ko, mas nagpapawis ako kahit nanlalamig ako.

"H-Hindi naman sa ganoon," I answered, looking down.

"I see." Tumawa siya at mabagal niyang hiniwa ang isang piraso ng karne sa plato niya. "It's not easy at all, isn't it? Being the center of attention, making everyone know your name. Letting every people know who Jasryl Sion Estela is."

"Dahil sa biglang pagbuga ng pangalan mo, salamat sa kinopya mong nobela, mas marami ang makakikilala sa 'yo. Mas malakas ang posibilidad na marami rin ang magagalit sa 'yo, sa oras na malalaman nila ang ginawa mong krimen. Tama ba ako? Jasryl?"

I gasped that even the other peope heard me. Pinapalala niya na ang takot ko, binubuo na ng lalaking ito ang guilt sa akin. Hindi ko ito kakayahin, hindi ako 'yong taong madaling magtiis.

"Tama na, maririnig ka nila," babala ko sa kanya pero imposibleng susunod siya. Mas ngumiti lang ito na ikinakagat ko ng labi ko.

"Natatakot ka? Natatakot kang malaman nila samantalang walang mababakas na takot sa 'yo noong inaasikaso mo ang nobela mo?"

Nabitawan ko na ang hawak kong kutsara saka siya hinayaang tumitig sa kung paano ako yumuko. He was smiling happily when I was stooping, biting my lips in fear.

"Huwag na huwag mong ipagkakalat," naiiyak kong pakiusap. "Pakiusap, gagawin ko ang gusto mo. Kagaya ng sinabi mo kanina, na magiging ghostwriter kita, tatanggapin ko 'yon."

"Kung 'yon ang gusto mo---" I flinched when he suddenly reached my hand to hold it. Sa sobrang pagkabigla ko ay hihilahin ko na sana ito pero mas hinigpitan niya lang ang pagkakahawak. He was grinning as he held my hand.

The Pen Behind The Popular WriterWhere stories live. Discover now