Ibinaba ko ang mga bag ko sa harapan ng gate ng bahay na matagal ko nang hindi nakikita. Sa loob ng ilang taong walang nanirahan dito, nagmumukha na tuloy itong Haunted house.Wala akong ibang mapuntahan kung hindi rito lang din sa bahay na ito. Hindi baleng hindi akin ang lugar na ito, may karapatan pa rin akong manirahan sa bahay ni Alastair dahil pareho kaming nananatili rito noon. And this house was the only home I would like to go back into. I heaved out a hevy breath and entered the empty house. Hindi naman ganoong karumi sa loob ng bahay.
Nagkalat pa rin ang mga hindi naibasurang mga papel sa sahig at walang inilipat lipat. Halatang walang pumunta rito simula noong umalis kami.
I cleaned the house like a sign of restarting and changing. I spent my normal days here, alone. Nakaririnig ako ng mga usapan ng mga tao sa paligid tungkol sa akin at tungkol sa kagagawan ko noon. At kasabwat ko pa talaga si Alastair. Tapos na 'yon, mas mabuting balewalahin ko na lang ang mga taong hindi marunong makalimot.
Tahimik akong naglalakad sa street na patungo sa bahay ni Alastair, dala ang mga binili kong grocery stock.
"Ate Jasryl?" A familiar voice called my name and it was the girl I met before. She grew up already.
"Hi, kumusta ka?" I asked, waving my hand. Mukhang patungo siya sa trabaho niya ngayon.
She smiled. "Doing good po! How about you?"
I nodded and continued to walk. "I'm doing good as well. Restarting."
"Take care po!"
Nang makalayo na siya ay nagpatuloy na ako hanggang sa mapansin ko ang napakapamilyar na babae. Halos mapatago pa ako nang hindi ko alam ang rason, sigurado akong nilimot niya naman na ako.
She has her own child now, with a new and good-looking man. They looked perfect together.
I tightened my grip to my bag. "Good for you, Hanna."
Habang nakangiti akong nakatitig kay Hanna, sa anak niya at sa asawa nitong masayang naglalakad sa street, biglang may tumapik sa balikat ko mula sa likuran.
Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa pagkabigla pero nang lingunin ko kung sino ito ay si Kuya Jensen lang pala.
Si Kuya Jensen?!
"K-Kuya?!" sigaw ko at pinisil ang sarili upang siguraduhin kung nananaginip ba ako.
But the older-looking Jensen I knew was the real one in front of me. Ito na siya? Mukhang siya pa rin 'yong disenteng tao na sa trabaho lang nakatutok.
"I've heard you're already released. I was about to visit you."
"P-Po? Pero paano niyo nalamang dito niyo ako bibisitahin?"
"Officer Serrano informed me."
Sir Yance, ikaw ba talaga ang trusted right hand ni Kuya sa lahat ng oras? Hanggang ngayon ba naman?
"Bakit bumalik ka pa sa lugar na ito?" tanong niya sa akin kaya napaisip na muna ako.
"Hindi ko po alam. Wala akong ibang mapupuntaham maliban dito. Coming back to the Estela's estate is a big no. At hindi ko makita ang sarili kong tumira kasama sila Tita Rosalie at maituring na anak nila."
I have my own life, matanda na ako para asahan ang sarili ko lang din. Kaya hindi na ako 'yong anak na magiging desperada sa pabor ng mga magulang ko. Hindi na ako 'yong batang papalitan ang pananaw ng parents ko dahil lang sa minamaiit nila ako.
Ako na 'yong taong kayang asahan 'yong sarili, ipagmalaki 'yong sarili sa kung kailan ko gusto, at ako na 'yong taong hindi magpapasakal sa pananaw ng iba sa akin. I could look at myself in my own way, as much as how I could depend on my own self too.
YOU ARE READING
The Pen Behind The Popular Writer
Misteri / ThrillerAlastair Roman, a passionate Mystery writer who wanted all his works to be published and he wanted that all of his stories will be loved by people. Unfortunately, none of his novels got accepted by the publishing companies he approached which disapp...