Chapter 01

32 4 1
                                    

Nanginginig ang labi ko at pilit kong sinusubukang titigan sa mata ang isang taong hindi man lang ako magawang itrato nang maayos. Na kung makitungo siya sa akin ay parang hindi niya ako kamag-anak. Parang hindi kami magkapatid.

"You better study properly," he reminded. He always reminded me that, over and over again. I nodded with my stooping head.

"You don't want to be the cause of our family name's ruin, don't you?" Umiling na lang ako bilang tugon sa kanya. "Then, better be aware."

Bahagyang umawang ang labi ko at umangat ang kilay ko dahil naglahad ang kamay niya ng malaking halaga ng pera sa akin. Hindi ko naman ito kayang tanggihan lalo na't ayaw ko nang makatanggap ng salita sa kapatid ko. Tinanggap ko ang pera sa kanya at halos manginig akong ngumiti. "T-Thank you po."

Sa wakas ay nagtama na ang tingin namin ni Kuya Jensen Sion Estela. Kagaya ng dati, kagaya ng karaniwang tinging iginagawa niya sa akin, sobrang blangko nito, sobrang lamig.

Binuksan niya na ang pinto ng kotse at tahimik ko siyang pinanood na sumakay. "Can't you just show more politeness? Magpasalamat ka, Jasryl Sion Estela, dahil naaalala ka pa rin namin. Ayaw naming magiging dahilan ka pa ng patuloy na pagbagsak ng pangalan ng Estela."

Napahigpit ako sa paghawak ng perang ibinigay niya at halos hindi ko kayaning ngitihan si Kuya Jensen, para maipakita lang na magalang ako. Na mabuti pa rin akong anak sa mga magulang kong halos itaboy ako.

"S-Siguraduhin ko p-po, Kuya." He didn't bother answering me when he already glanced at his wristwatch to check his time and he left me. After his car dashed to where he's going, I slowly breathed out a heavy air and strolled back to my Auntie's house.

Sa tuwing binibigyan ako ni Kuya ng pera para pantustos sa mga pangangailangan ko, hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit ganoon ako ituring ng sarili kong mga magulang, ng sarili kong kapatid.

Parang itinaboy nila ako sa paraan ng pagmamaliit nila sa akin. Dahil isa ako sa madalas na bagsak at may pinakamababang grades sa school, palaging palpak ang paraan ko para ipresenta ang sarili sa mga kasapi nila sa negosyo. Ayaw na ayaw nila ako, malakas ang kutob nilang ako ang sisira sa pangalan nilang masyadong kilala at mataas sa mga araw na ito. Napakasama nila, nasasakal ako sa kung paano nila ako maliitin at piliting maging mahusay sa lahat ng bagay kahit naaabot ko na ang limitasyon ko.

Kaya naman, naisipan ko na lamang na umalis sa bahay. Hindi na ako nagulat kung bakit hindi nila ako pinigilan. Mabuti na lang at tinanggap ako ng pinsan ni Mama para maalagahan at mapalaki niya ako nang maayos kahit simple lang ang kalagayan ng pamumuhay nila rito.

Pagpasok ko sa bahay, nag-aalala akong sinalubong ni Tita Rosalie, dala ang kanyang itsurang atat na atat na malaman kung anong sinabi ni Kuya sa akin. "Jasryl, anak. Anong sinabi niya sa 'yo? Babalik ka na ba sa inyo?"

Masigla kong nginitihan si Tita upang ipaalam na walang bad news na inihanda si Kuya para sa akin. "Wala naman siyang sinabi, Tita. Ipinaalala niya na naman na mag-aral ako nang mabuti para sa kapakanan ng pamilya namin. I-Isa pa, malabong babalik pa ako sa bahay na 'yon."

Umiwas ako ng tingin at sinadyang burahin ang ngiti sa labi ko. "Lalo na't ako ang mismong umalis."

Natahimik tuloy ako sa biglang pagyakap ni Tita sa akin kaya nabigla pa ako't hindi yumakap pabalik. "Mabuti naman, anak! Sisiguraduhin namin ng Tito mong aalagahan ka namin nang maayos dito." Saka niya hinaplos ang ulo ko.

"Thank you for taking care of me." I slowly gave her the money that my brother granted and she didn't bother saying anything. She silently accepted it and let me walk to my room. "Ako na ang magtatago nito. Sabihin mo lang kung may kailangan ka, ha?"

The Pen Behind The Popular WriterWhere stories live. Discover now