Chapter 14

88.6K 3.3K 2.2K
                                    

SHEVAYA

Ang mabilis at malalim na pag hinga ni Miss Salvidar lang ang naririnig sa buong paligid. Looks like she's calming herself, base na rin sa pag taas baba ng kanyang dibdib.

My lips were pressed together in an awkward sly smile, wondering on what the heck is going on because clearly, I'm confused.

"What—" pinasadahan nya ako ng tingin. "What the fuck are you two doing?" she asked, gritting her teeth in annoyance.

Hindi nakontentong hinila pa nito ang kamay ko at dinala sa—, kwarto nya? Hindi ako sigurado pero base sa amoy ay mukhang kanya nga.

Pumunta syang banyo at pag labas ay may dala ng towel, "Miss.. " gulat ako ng ibato nya sa'kin ang kinuhang gamit.

"Wipe yourself, damn it. Or go take a fucking shower, now!" dahil sa pag sigaw ay hindi na ako nakapag isip.

Patakbo akong tumungo sa loob ng banyo at saka naligo.

"Make sure you spend hours removing that stupid scent on your body. Are we clear?!"  tumango tango ako kahit alam ko naman na hindi nya ako nakikita. Gago, nakakatakot talagang sumigaw ang isang iyon.

Gaya ng sinabi nya ay tumagal ako ng isang oras sa loob ng banyo, nakalimutan ko pang wala nga pala akong damit kaya hindi ako makalabas labas.

Napasandal na lang ako sa pader habang umiisip ng paraan kung paano akong aalis ng CR na ito. Nasa ganoon akong position ng kumatok naman si Miss Salvidar.

"You still alive, Calderon?"

"M-miss," iyon na lang ang nasabi ko.

"Ang tagal mo." halata ngang naiinip na sya. Pero sya kaya itong nag sabing magligo ako ng isang oras. Alam ko namang hindi ako mabaho, pero grabe naman sya. "Come out, your clothes are ready."

Taimtim na lang akong napadasal, isipin ko pa lang na lalabas ako na ganito ang ayos ay ginagapangan na ako ng hiya.

Jusko po.

Bakit naman kasi nang hihila, Miss Salvidar? Wala naman akong ginagawang masama.

"Calderon!" muli ako nitong tinawag, malalaman mo agad na masama na ang timpla nya base sa pag tawag nito sa'kin.

"Ma'am.." banayad kong bigkas saka dahan dahan binuksan ang pintuan ng banyo.

Hiyang hiya pa akong tumayo sa harapan nya. Gusto ko na talagang lumubog mula sa kinatatayuan ng makitang titig na titig ito sa'kin.

Rhoann, nasaan ka na ba kasi?

Hindi man lang ba nito napansin na nawala akong bigla? Hindi ba nya inisip na baka masamang tao pala yung nasa labas ng condo unit nya kanina at nakidnap na ako? Hindi man lang ba nya ako hahanapin?

Iniabot sa'kin nito ang damit na nasa paper bag pa bago ako iniwan sa kwarto nya, iginala ko ang tingin sa apat na sulok ng malaking kwarto.

May malaking kama sa gitna, dalawang naglalakihang bookshelves, may malaking glass wall at nasa magkabilang gilid nito ang kulay itim at makapal na kortina, may malaking pinto rin papunta sa veranda kaya kitang kita ang nag tataasang gusali sa lungsod.

Naiiling na muli akong bumalik sa banyo at nag bihis, pulos bago pa ang mga damit na ibinigay nya sa'kin, may pares ng undergarments, isang ripped jeans na saktong sakto lang rin sa'kin at kulay brown na plain shirt.

Tumingin ako sa malaking salamin, I have a long straight black hair, maputi rin ako, walang bakas ng pimples ang mukha ko, matangos ang ilong at itim na itim na mga mata.

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon