SHEVAYA
"Congratulations, Mrs. Harrison." inabot ko ang kamay ng matandang kausap saka nakipag-shake hands.
"Thank you, Engineer. It is my pleasure to work with you." after a long year of working with my wife's building, ay natapos na rin ito.
Tuloy tuloy din kasi ang pag pasok ng pera at mga materials kaya mas lalong napa dali ang pagtatapos. Right now, we're having a party, hosted by my wife. Kanina ko pa rin ito hindi makita. Hinahanap ko nga, pero panay naman ang bati sa'kin ng mga nakakasalubong ko.
Ngayon naman ay si Engineer Relato ang kausap ko, I need to excuse myself, ayoko ng pahabain pa ang pag-uusap naming dalawa.
Lumalalim na ang gabi, and I'm afraid that my wife might be tired na. She needs to rest.
Bakit naman kasi umalis sa tabi ko ang isang iyon. May kinausap lang ako, paglingon ko wala na. Hawak ko pa kamay noon kanina eh.
"If you'll excuse me, Engineer, I need to find my wife." natutuwang tumawa ito. Tinapik pa ako sa balikat.
"I saw her awhile ago, she looks grumpy. Hanapin mo na at baka sa labas ng kulambo ka pa matulog." He meant by that that I might end up sleeping in the couch.
Hindi na bago sa'kin iyon, considering my wife's condition. Ako parati ang napagti-tripan. Ang lakas naman kasi maka impluwensya ng anak namin na nasa sinapupunan nya.
First trimester pa lang, pero parang gusto ko ng mag sign in papunta kay Lord. Ang sakit mapaglihian. Kapag yan lumabas na hindi ko ka mukha, ibalik nilang mag-ina lahat ng paghihirap ko.
Joke.
"Then, I need to go. Mahirap ng matulog sa labas. Malamig." I joked, na bumenta naman sa matanda saka itinuro kung saan nya huling nakita ang Misis ko.
Truth to be told, I saw her there, her arms were crossed, at tinatarayan lahat ng lumalapit sa kanya. Ang sama sama rin kung makatingin. Napalunok ako sa nakikita ngayon, hiyang na hiyang sa pagbubuntis ah.
Hindi pa naman masyadong malaki ang tiyan nya, she's wearing an elegant dress, almost color of gold. Hindi masyadong revealing, but enough to made me drool over her. Her curves were visible.
Walang pinag bago. Ang ganda pa rin talaga.
Nakangiting lumapit ako rito.
"Baby.." I call to get her attention. Masama ang tinging lumingon ito sa banda ko.
"Where have you been?" mataray na tanong ni Portia. Kamot sa ulong lumapit ako dito. Iniyapos ko ang isang braso sa baywang nya, and give her a peck on her cheek.
"Ikaw itong bigla na lang nawawala." sagot ko.
Lihim akong napasigaw ng walang tunog sa sakit ng pa simple nyang kurutin ang tagiliran ko. Bwakananginangshitt. Masakit.
"Ouch, Portia. It hurts." mahina kong daing. May lakas ng loob pa syang ngumiti sa isang board member na dumaan sa parte namin, may hawak na glass of wine.
"Why you smell like that? Nambababae ka ba, Shevaya?" gigil nyang tanong.
Inalalayan ko ito paupo dahil para kaming sirang naka tayo lang, ang dami namang vacant chair. Though, mas marami yung table na walang upuan, pinalilibutan lang ng mga businessman while talking. Payabangan ng achievements yan.
Hindi kaya sumakit ang paa nila kakatayo? May motto siguro tong mga tao. 'Ayos ng masakit ang paa, basta may pera.'
"You made me change my perfume, naka ilang palit na ako. Lahat ayaw mo."
BINABASA MO ANG
Endless Love [ProfxStudent]
Teen FictionFrozen Hakdog. Date started: 09.05.22 Date ended: 01.17.23 Status: COMPLETED [UNEDITED]