SHEVAYA
Gumising na naman ako na masakit ang ulo. Ang lakas lakas kasi ng air-con sa loob nitong kwartong tinulugan ko. Hindi naman ako maalam kaya hindi ko na nagawang patayin.
Ayaw ko ring isturbohin ang tulog ni Miss Portia dahil matapos ng---napaayos ako ng upo sa kama. Naalala ko na naman ang naging halikan namin kagabi.
Nakakahiya.
What if naaalala ni ma'am? Ano na lang ang iisipin nya? Na instead of stopping her, e' nagawa ko pang tugunin ang halik nya? Iyon ba yun?
Hindi ko yata sya kayang harapin.
Nakakahiya ang ginawa ko.
Gusto ko na lang matulog ulit tapos pag gising ko ay nasa kwarto na ako sa bahay. Iyon sanang hindi ko sya makikita sa kung saan. Pero impossible iyon.
Nasa labas lang ng kwartong ito si Miss Portia. Tapos professor ko pa sya.
Nalintikan na.
Ayoko na lang isipin ang mga nangyari kagabi.
Nang makapag hilamos at makapag suklay ay saka lang ako lumabas ng kwarto. Tiningnan ko pa muna ang kwarto kung saan ko hinatid kagabi si Miss Salvidar. Naka sara ito. Hindi ko tuloy malaman kung nasa loob ba sya o wala na.
"Good morning."
"Sh-it." napatalon ako palayo ng maramdaman ang hininga nitong tumama sa likod ng tainga ko. "Ma'am naman," singhal ko.
Nagsitayuan yata lahat ng balahibo ko sa katawan ng maramdaman ang mainit nyang hininga sa bandang tainga ko.
Nakakakilabot eh.
"Why so tense? I don't bite." kibit balikat pa syang tumingin sa'kin mula ulo hanggang paa. At gaya noong ginagawa nya, iiwas ng tingin sabay mapapalunok pa.
Parang tanga.
"I ordered us food. Let's go?"
"Maliligo muna ako." pababa na ako ng hawakan nya ang braso ko saka pinaharap sa kanya.
Matamis itong ngumiti pero yung mga mata nag babanta naman.
"I have prepared your clothes. It's in my room. Don't you dare go on her unit, shevaya." mariin nyang sambit saka ako iniwan ng hindi makapaniwala.
Tila lutang ako ng pumasok sa kwarto nya. Nakita ko ang damit na maayos na naka tupi sa ibabaw ng bed nito. Wala sa sariling dinampot ko iyon at tumuloy ng banyo para maligo.
Kalahating oras rin ang itinagal ko sa loob ng banyo, napangiwi na lang ako ng makita ang ibinigay ni Miss Portia sa'king damit.
Paanong kasya sa'kin ito? Hindi naman kami pareho ng size.
Hilig nya rin akong pag suotin ng plain shirt. But this time, hapit na hapit na ito sa katawan ko at no choice ako kung hindi i-tucked in iyon sa high waisted pants.
Hindi na rin ako nagulat ng makitang tila nag aabang si Miss Portia sa labas ng banyo. Awang ang labi nyang tumingin sa katawan ko.
Conscious na napatakip tuloy ako banda sa may tiyan.
Hindi ako sanay na magta tucked in.
"Damn, girl. You have curves." parang batang lumapit ito at tinusok ang tagiliran ko na syang ikinapaiktad ko.
Si Miss, feeling close.
Nailayo ko ang sarili dito.
"Wag kang mang uto, ma'am." ako na ang naunang lumabas ng kwarto. Nasa likod ko naman ito.
BINABASA MO ANG
Endless Love [ProfxStudent]
Teen FictionFrozen Hakdog. Date started: 09.05.22 Date ended: 01.17.23 Status: COMPLETED [UNEDITED]