Chapter 6

87.4K 3K 2K
                                    

SHEVAYA

"Why are you walking nga pala?" mahinhin nitong itinaas ang baso ng wine na hawak at saka pina ikot ikot.

Ilang na ilang ako ng dumating kami sa restaurant na ito. Hindi ako nababagay sa ganitong lugar. Pero wala naman akong magagawa dahil pinag babantaan ako ni Miss Salvidar na ibabagsak daw nya ako kapag tumanggi pa ako sa kanya.

Tapos ito pa nga, ang aga aga nag order ng wine. Sira yata ang ulo ni Miss.

Hindi naman raw sya malalasing sa isang baso lang kaya it's fine.

"Sinabi ko na po yung rason ko," I said.

"Why? You don't have time to exercise? Go to the gym, perhaps?" Gusto ko sanang matawa dahil sa sinabi nya pero wag na lang pala.

Hindi nga pala nito alam ang katayuan ko sa buhay.

"W-wala." sagot ko na lang.

Tiningnan nya lang ako ng mataman, maya maya pa ay bumaba ang tingin nito sa plato kong ubos na ang pagkain.

"You want more?" she genuinely asked. Umiling ako bilang sagot.

"Busog na po ako." napa buntong hininga na lang ako sa sobrang kaba. Hindi ko rin alam kung bakit ako kinakabahan.

Siguro dahil sa presence nya? She's so intimidating. Sa sobrang ganda nya ay mahihiya ka ng tumingin lalo pa kaya ang tumabi rito.

"You sure?" kaunti na lang maniniwala na talaga akong hindi si Miss Salvidar itong kaharap ko. Mukha syang ibang tao.

"Yes po, ikaw ba? H-indi pa po tapos?" it's weird having a conversation with this professor.

Parang last semester lang ay tinarayan pa ako nito at pinalabas ng elevator dahil daw sa ayaw nitong may nakaka-sabay na iba.

"Yeah, I'm done." pag kasabi nya ay itinaas naman nya ang kamay para hingin ang bill namin.

Hindi na ako nag abala pang tumingin dahil alam kong kahit anong titig ko sa bill na 'yun ay hindi ko mababayaran.

Matapos nyang mag bayad ay sabay na kaming tumayo. Papalabas na kami ng naturang restaurant ng bigla kaming may nakasalubong.

Mag asawang mayaman, may katandaan na pero halatado pa rin ang pagiging magandang babae at lalaki ng mga ito.

"Finally, na tyempuhan ka rin namin ng asawa ko, hija. How have you been? Hindi ka namin nakita ni Simon sa party ng papa' mo." nag beso beso ang mga ito.

Batian ng mga mayayaman.

Tiningnan ko pa sila ng matagal, mukhang matatagalan sila sa pag-uusap e'. Aalis na sana ako ng walang paalam nang pasimpleng hablutin ni Miss Salvidar ang kamay ko.

Nagulat ako sa ginawa nya, kaya napahinto ako.

Hindi naman ako pinansin nung mag-asawa. Mabuti naman.

"I'm too busy to attend my fathers party, Tita. But I'd made sure to send him gift." napakagat ako sa ibabang labi ng makita kung gaano ka plastic ang ngiti ni ma'am.

Wala lang, ramdam ko lang na nakikipag plastikan sya.

"Sayang naman, my son. Simione, He's looking for you. Alam mo naman ang batang iyon. Patay na patay sayo, kulang na lang ay ilakad ko sya sa papa mo."

Natawa ang asawang lalaki sa sinabi ng asawa nito.

Bakit sa tatay? Yung tatay ba ang gusto ng anak nila?

"Tinamaan ang anak ko sayo, hija. You know, it gaves me an idea. Are you up to marriage for convenience? Alam mo na, hindi na normal ang pag papakasal na ganoon ang rason. I'll talk to your father sometimes." Hindi ko alam pero ramdam ko ang pagka-irita ni Miss Salvidar sa sinabi ng matandang lalaki.

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon