Chapter 12

91.6K 3K 1.1K
                                    

SHEVAYA

"Dismissed."

Pag tingin pa lang ni Miss Salvidar sa banda ko ay alam ko na agad ang ibig nyang sabihin. Tumayo na rin ako sa kina-uupuan.

Hindi naman talaga sya ang last period namin before lunch, ewan ko na lang kung bakit napalitan. Halos araw araw na rin syang nag papa-quiz at ako ang inuutusang mag check. Ang ending tuloy parati kaming sabay mag lunch.

"Saan ka punta?" tanong ni Rhoann. Isinisilid nito sa bag ang iPad na dala.

"Kay Ma'am," turo ko sa professor naming lumabas na.

Napakamot ito sa ulo. "Oo nga pala, nag quiz na naman. Okay fine, lumayas ka na. I wanna eat with you kaso parati ka na lang wala."

"Bawi na lang ako." isinukbit ko ang bag sa balikat at lumabas na.

Sadya pang binangga ako ni Stacy at inirapan naman ako ni Lexie ng mag kasabay kami sa paglabas.

Hindi ko na lang pinansin ang mga ito at tuloy tuloy na naglakad papunta sa office ni Miss Salvidar. Nakasalubong ko pa sina Sutara at Aquilo, itinuro ko na lang na nasa room pa si Rhoann. Alam naman nilang parating wala na ako tuwing lunch.

Umayos ako ng tayo ng tumapat sa harapan ng office nya, hindi pa nga ako nakakakatok ng kusa itong bumukas at tumambad sa'kin ang magandang propesora.

Umiwas ako ng tingin ng mas lalo lang nyang nilakihan ang pagkaka bukas ng pintuan para makapasok ako.

Maliliit ang hakbang na tumuloy ako ng office ni Miss Salvidar. Pasimple ko pang kinukurot ang sarili dahil sa lakas ng tibok ng puso ko, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Sa tuwing malapit ako sa kanya ay parati akong kabado. Parating ang lakas lakas ng tibok ng puso ko.

Iyong pakiramdam na parang nanlalambot ang tuhod ko sa tuwing naaamoy ko ang nakakahalina nyang pabango.

Nasisiraan na yata ako ng ulo.

Gandang ganda ako sa kanya kahit na medyo naiinis ako sa sama ng ugali nya. Minsan ko ng naranasan e', pero hindi na naulit.

Nakakarinig na lang ako ng mga kwento kwento, lalo na sa higher year at mga freshmen patungkol sa mga ginagawa nya.

Alam kong nasabi ko na ito ng ilang ulit pero kasi, hindi talaga nakakasawa ang ganda nya. Yung gandang mayroon sya ay parang mas gugustuhin mo na lang titigan ng matagal kasi imbes na maumay ka, parang mas lalo pa syang gumaganda sa paningin mo.

Ganon.

Hindi ko na hinintay pang sabihin nyang umupo ako, ako na mismo ang nag kusa at saka hinintay ang mga papel na pache-check-an nya.

Pero gaya ng dati ay mag lalabas na naman ito ng oreo, kaya naman kunot noo ko syang tiningnan ng lumapit sya sa'kin ng nakasimangot.

"Ubos na." nakasimangot nyang sambit habang nakatitig sa'kin.

Mahina naman akong napatikhim para pigilan ang sariling mapangiti.

Pucha, ang cute na ang ganda.

"Naririnig mo ba ako, Calderon? I said my oreo..." para syang pinag bagsakan ng langit at lupa. "..its empty."

May ganito palang side ang isang ito. Kulang na lang kasi ay bansagan sya ng mga students na devil professor. Ganon nila kina iinisan si Miss Salvidar pero marami pa rin ang nagkaka gusto sa kanya.

Hindi ko sya pinansin, I move a little to grab my bag and put it on my lap.

"Calderon, are you listening?" hinanap ko ang gunting sa bag ko at ng makuha ay mabilis kong ginupit ang kabilang bahagi no'ng snacks na nabili ko kanina.

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon