SHEVAYA
"Finals na na'tin, saan ka mag babakasyon?" isinubo ko ang pang huling subo ng pastang binili.
Nasa cafeteria kami para kumain ng lunch. Wala sina Sutara at Aquilo dahil may pupuntahan daw sila. Kaya kaming dalawa na naman ni Rhoann ang mag kasama.
"Sa bahay lang." I simply said, brushing off this kind of topic. Wala naman kasi akong pupuntahan talaga.
Kahit gustuhin ko mang mag bakasyon, parang hindi pwede.. Lalo na at mahirap lang kami. Kailangan araw araw mag trabaho. Ngayon pa na mag babakasyon na, edi wala na akong makukuhang pera sa pagtu-tutor kay Rhoann.
"Gusto mong sumama sa'min? We're planing to travel around the Europe." hindi ko napigilan ang hindi matawa sa sinabi nya.
Akala mo kung maka-aya ay pupunta lang kami sa comfort room.
"Kayo na lang ng pamilya mo." Natigilan ito na parang may iniisip.
"Speaking off, anong gayuma ginawa mo sa tita ko? She can't stop asking questions about you." sabay kaming tumayo na para lumabas ng cafeteria. "After nyong umalis ni Ma'am kagabi, she ask my momma. Wala lang, na share ko lang."
She snaked her arms on my arms and walk with me.
"Bakit daw?" curios kong tanong. Kung iisipin kasi ay kakaiba nga ang tingin sa'kin ng tita nya kagabi pa.
"I don't know. Baka gusto ka."
"Gaga."
"But you can't deny, ang hot ng tita ko." totoo, wala yatang pangit sa kanila e. Lahat magaganda. Lahat pa babae, mukhang allergic sa lalaki ang pamilya ni Rhoann.
Maayos kaming nag-uusap ni Rhoann habang nag lalakad papunta sa susunod naming klase. Nadaanan pa namin ang grupo nina Stacy na nakangising naka titig sa'kin, kumindat pa nga si Lexie na ikinangiwi ko sa isipan.
Halatang may binabalak na naman na hindi maganda ang mga iyon.
Mukhang hindi naman napansin ni Rhoann kasi busy syang dumaldal, nahinto lang ng makita naming makaka-salubong namin si Miss Amira.
"Good Afternoon, Ma'am." Bati ko, siniko ko si Rhoann pero inirapan lang ako, maging si ma'am.
Hindi tuloy kami pinansin ni Miss Amira.
"Pssh, akala mo naman..." bulong nitong katabi ko.
Nawala na rin ang magandang ngiti sa mukha nya at seryosong nakatingin na lang sa nilalakaran namin. Kapag ganito sya hindi ko maiwasang hindi makita ang mukha ng Momma nya sa kanya, kamukhang kamukha kasi talaga.
"Can I ask you something, Shevaya?" inilagay ko sa likod ang dalawang palad. Nanlalamig ako dahil sa sobrang lamig ng boses nito. Her eyes arebsharp and looks like ready to kill anytime soon.
Ano ba itong mga pinag sasabi ko?
"Sure, ano yun?" lumayo layo ako rito ng kaunti. Kaunti lang naman.
"If you love someone, and that someone love someone else, what will you do? Should you kidnap that someone? Or kill that someone's someone? " literal na nagtaasan ang mga balahibo ko sa buong katawan dahil sa sinabi nya.
Ang seryoso rin na parang hindi talaga sya nag bibiro.
"Buang ka ba? Of course you should just let them. Hindi ka mahal diba? Hayaan mo syang sumaya." gusto ko syang hampasin sa mga pinag sasabi nya.
Para syang ibang tao ngayon
"How about my own happiness too? Can't I choose it?" laglag ang pangang tumingin ako kay Rhoann. Hinila ko ito sa gilid dahil iba na talaga ang timpla ng mukha nito.

BINABASA MO ANG
Endless Love [ProfxStudent]
Novela JuvenilFrozen Hakdog. Date started: 09.05.22 Date ended: 01.17.23 Status: COMPLETED [UNEDITED]