Chapter 15

94.5K 3.3K 2.4K
                                    

SHEVAYA

Alam mo yung hindi mo alam ang gagawin mo? Tipong sobra kang naiilang pero wala kang magawa? Tipid na tipid bawat kilos mo kasi natatakot ka sa kung anong pwedeng sabihin o mapansin ng kasama mo?

Kainis naman kasi si Rhoann, halos sabay nga lang kaming lumabas ng unit, nakasabay pa namin sya sa elevator pero kung hindi ako pansinin akala mo hindi kami magkakilala.

Lagot talaga sya sa'kin bukas.

Kita ko pa ang mapang asar nitong pag kindat noong lumabas na kami.

Sinubukan ko ring sabihin kay Miss Salvidar na kay Rhoann na lang ako sasabay pero isang malamig na titig lang ang isinagot nya.

Sapat na iyon para manahimik ako, alam kong ayaw nya.

Pero ayaw nya non? Hindi nya na aabalahin pa ang sariling ihatid ako? Pwede na syang matulog o kaya kumain ulit nung oreo cake nya, or yung banana chip na sobrang rami.

"I'm afraid I need to drop my subject on your block." basag nya sa katahimikan.

Napatingin naman ako rito.

Bakit kaya may mga babaeng sobrang pinag pala pag dating sa pisikal na anyo? Tipong magiging mabait sa kanila ang mundo kasi ang gaganda nila.

Iyong alam nilang maraming naiingit sa mukhang mayroon sila, maraming nag hahangad na sana ganyan rin sila kaganda.

Katulad nitong nasa tabi.

How odd it is to be this close to her? E' sa L.I.S nga kung layuan ako ay para na akong may sakit.

Does people really need to be that mean? Sa mga katulad kong average or baka nga below average ang itsura?

Ano kaya ang pakiramdam ng maganda 'no?

Ano kaya sa pakiramdam ang hangaan ng iba?

Ano kaya sa pakiramdam ang tratuhin ng tama?

I wanna be pretty too.

Baka sakaling bumait sila sa'kin, baka sakaling magustuhan na rin nila ako, baka sakaling hindi na nila ako lalayuan.

Am I that hideous?

"All of it, by the way," dugtong nya ng wala akong maging sagot sa una nyang sinabi.

"Bakit...po?" muntik ko ng makalimutan.

Naalala ko pa nga noong sinabi nyang she hates me kasi raw hindi ko sya binati.

Hmp.

Mga teachers nga naman, kapag hindi binati mag, rereklamo, kapag naman binati, deadma lang? Yung totoo lang 'ha? Lakas naman ng trip nyo. Hindi ko naman nilalahat, yung iba lang talaga. Lalo na sa University namin.

At syempre, isa na itong nasa tabi ko.

"I'll be handling the whole university." napalingon sya sa nadaanan naming market. Maraming tao roon, ang dami ring nagbebenta ng mga Street foods, at sure akong maraming nagdi date.

"May papalit sa inyo, Miss?" sinusubukang kong mag tanong para hindi awkward ang byahe namin papunta sa bahay.

Hindi ko nga alam kung bakit parang alam na alam nya ang papunta sa'min, hindi ko naman sinabi kung saan ako nakatira.

"Yeah, she's a fresh grad." pagkasabi nya n'on ay mabilis nya akong tinapunan ng tingin, ang talim pa nga e. Wala naman akong ginagawa? Diba?

Nagpapakabait ako rito sa passenger seat.

"Hm, buti naman." muntik na akong masubsob sa dashboard, mabuti na lang ay naka seat belt ako.

Natatarantang tumingin ako sa likod dahil baka may kasunod kaming sasakyan, nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala naman, malayo layo pa naman ang sasakyang nakasundo nakasunod sa'min, pero amputik. Nasa main road kami tapos bigla na lang hihinto.

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon