Lumabas si Joey pero nagulat ito ng maabutan si Sapphire at June na nag-uusap. Lalapit sana ito pero agad tumigil ang kanyang katawan ng makita nyang niyakap ng babae si June.
She pats his head too. Napangiti ito ng mapait.
"Alam mong masasaktan ka pero pinapanood mo pa rin sila? You are such a big fool, hahaha!"
Sambit ni Joey sa sarili. Hinintay nitong matapos ang dalawa. Hindi kalaunan ay umalis na din si Sapphire at June dahil sa kanyang palagay ay natapos na itong mag-usap.
Umiling na lang ito.
"Hoy! Joe, stop drinking too much! Sinasabi ko sayo, iiwan kita dito! Bahala ka sa buhay mo dyan!" Pagbabanta ni Maxine sa kaibigan.
Tumawa lang ito sa kanya.
"Hayaan mo na ako, Maxine. Bihira lang naman."
Sabay inom muli nito. Hindi malakas ang tolerance nya pagdating sa alak. Hindi naman ito palainom na tao. Mapungay na din ang mga mata nito.
"Isusumbong kita kay Sapphire!" Dagdag pa ng kanyang kaibigan.
"No. Wag mo ng abalahin pa, Maxine. She needs to rest."
Mayamaya ay dumating na ang babae na kanilang pinag-uusapan. Tahimik lang naman si Joey sa tabi habang umiinom.
"Sapphire, pagalitan mo nga itong si Joe! Umiinom ng madami eh hindi naman kaya!"
Bigla naman tumingin sa kanya ang babae.
"Mr. dela Vega, drink moderately. We are going to Manila tomorrow. Baka mapano ka." Bilin nito pero nginitian lang nya ang CEO ng Mortel.
"Don't worry, Sapphire. Don't mind me."
Kasabay noon ay ang pag-inom nya ng alak.
"Kaya ko naman ang sarili ko. Kinakaya ko."
Matapos noon ay tumayo na ito at iniwan ang dalawa. Nagdiretso lang ito sa kanyang kwarto at nahiga sa kama. Napangiti lang ito ng mapait.
"Peste."
Hindi pa rin mawala sa isip nya ang kanyang nakita kanina. Masakit yon para sa kanya.
"Nagkabalikan na ba sila? Ang tigas talaga ng ulo mo Sapphire... What if masaktan ka na naman?!" Sambit nito sa sarili. Himinga ito ng malalim at ipinikit ang mga mata.
"Wag mo naman akong iwan oh?" Mga salitang kumawala sa kanyang bibig.
Tumakas ang ilang mga luha sa kanyang mga mata. Pero agad syang napatigil ng marinig ang sunod-sunod na pagkatok sa kanyang pintuan.
"Mr. dela Vega, are you still awake? Can I come in?" That's Sapphire.
Nagulat pa ito ng marinig ang boses ng babae. Narinig nito ang pagpihit ng doorknob. Hindi nya nailock ang pintuan. Agad naman itong tumalikod kay Sapphire.
"I already entered your room. Are you okay? Sabi ni Ms. Maxine, you need help daw?"
"I am fine. Go back to your room and rest. Isang tulog lang ang katapat nito at okay na ako, Ms. Mortel."
He tried so hard to hide what he's feeling right now. Napagdesisyonan nitong tumayo. Hinarap nya si Sapphire at ito ay niyakap. Huminga ito ng malalim. Ngumiti na ito.
"I am fine now. Got my yakapsule." Pilit na sabi nito pero suot pa rin nya ang kanyang mga ngiti.
"Ang corny mo, Joey."Bulong nya sa kanyang sarili.
He looked at Sapphire. Nakatitig naman ito sa kanya.
"Whatever decision you'll make, Sapphire, always rememebr that I am here for you. Supporting you."
BINABASA MO ANG
That Girl! -SATZU
RomanceSi Sapphire Mortel (Sana Minatozaki) ang bagong CEO ng kanilang sariling kompanya matapos itong iturnover sa kanya ng ama. Dito nagtatrabaho si Joey (Tzuyu Chou). Sya ay itinalaga ni Mr. Mortel para maging secretary ng kanyang anak. Hindi alam ni Jo...