9

59 3 4
                                    

Beach.
"Akala ko ba business meeting ito sabi ni Boss June? Bakit tayo nasa beach ha?!" Sambit ni Maxine ng makarating sa isang beach resort.

"It's a prank! Vacation ito! Pangtanggal ng stress!" Masayang sagot sa kanya ni Dex. She's unloading their things. Wala naman nagawa si Maxine dahil naroon na sila.

Nagulat na lamang ito ng matanaw si Joey sa hotel. Pupuntahan sana nya ito pero Dex stops her.

"Hep! Help me first! By the way, me and Sapphire planned it. Share tayo ng room!" Paliwanag nito.

"Nope!" Agad na tutol ni Max.

"Yes and yes!" 

"No! Either I'll share a room with Joe or Sapphire!" Sagot nito.

"You don't have any choice! Rooms are already fully booked, and Sapphire will share a room with Joey! Wag kang istorbo sa kanila!"

Wala naman nagawa si Maxine dito. Dumiretso na sila sa kwarto. When they are inside ay agad silang nag-unload ng mga gamit. Matapos noon ay nagkita-kita sila sa restaurant.

"Dex na lang, Joey! I hope we will be friends! Ituring mo ako na normal tulad ng kay Maxine haha!" Agad na bungad ni Dex kay Joey.

Tumango naman ito sa kanya.

"Hi, Ms. Sapphire! I am Maxine! Sorry pala last time! Eto kasing si Joe sabi Safari daw ang name mo!" Depensa nito.

Ngumiti naman dito ang babae.

"Sapphire na lang! No problem! Ewan ko nga diyan , kakaibang pangalan ang ibinigay sakin!" Kasabay noon ay pagtingin nito ng masama sa babae.

Nagkibit balikat lang naman ito. While eating ay nagkwentuhan lang sila. Madali naman silang nagkapalagayan ng loob. Sapphire and Maxine goes to the comfort room.

"What?! Ano ka ba! We are just friends! Mangdiri ka nga, Sapphire! Di ako papatol kay Joe!" Sabi ni Maxine.

Sapphire immediately hugged Maxine. Sobrang gaan ng loob nito sa babae.

"I'm sorry talaga last time! I thought babae ka nya! Hahaha!"

Natawa lang dito si Maxine. Magkaibigan at parang kapatid na nitong turing si Joey. Mahal nya ito pero hanggang doon lang yon.

Samantala ay naiwan naman ang dalawa sa table. Kahit papaano ay medyo nagkakasundo na din sila.

"Joey, look at the girl na nakabob cut yung hair. Ganda, no?"

Tumango lang naman si Joey dito.

"Aba! Nangbababae ka na agad Dex?!" Nanlaki ang mga singkit na mata ni Dex ng makita si Maxine.

"M-Max?" Bakas sa boses nito ang pagkanerbyos.

"At sumang-ayon ka naman sa kanya, Joey?! Magaling! Mga babaera!" Dagdag ni Sapphire na masamang nakatingin sa babae.

Napalunok naman ito.

"Ha? Bakit pati ako nadamay?"

"Hmp! Mga chix hunters ha?! Let's go somewhere, Sapphire at manlalake naman tayo!" Sambit ni Maxine at hinila ang babae.

Naiwan ang dalawa.

"Tsk! Pahamak ka talaga, Dex." Inis na inis na sabi nito.

Agad naman napakamot ng ulo si Dex. Pero napatayo ito ng makita na paalis na din si Joey.

"H-Hoy! Bakit iniwan nyo na akong lahat? Waiter! Bill please!" Pagmamadali nito. Napamura na lang ito. Matapos mabayaran ang bills ay sumunod na ito.

Matapos ng ilang oras ay pumunta  na sila sa beach. Nakaupo lang naman sa buhanginan sina Dex at Joey. They were both wearing rashguards. Nasamid naman agad ang dalawa ng makita sina Sapphire at Maxine wearing their swimsuits. They are too prerfect.

That Girl! -SATZUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon