"Ouch! Kakalbuhin ko kayo! Wag nyong siraan si Joey! She's not doing something on you!"
Sapphire said. Narinig nito na pinagchichismisan si Joey. Nakikipagsabunutan ito sa dalawang babae at may dugo na rin ito sa ilong. Wala talaga itong pinapalampas kapag may nanghamak sa kanyang mahal.
"She's using you! Aray! " Said by other girl na hawak-hawak ni Sapphire ang buhok. Hindi ito magpapatalo sa dalawa.
"Bitch, I knew her from the very start! Shut up, you ugly ladies!"
Habang sila ay nagkakagulo ay agad naman nakita ni Sapphire si Joey na naglalakad. Ayaw nyang makitang agrabyado kaya tinodo na nya ang powers nya. Sinipa nya sa tyan ang isang babae at inihead-butt naman ang isa. Agad naman tumumba ang dalawa.
"MS. SAPPHIRE!" Sigaw agad ni Joey at napatingin naman ang babae dito.
Putok ang labi ni Sapphire at may dugo sa ilong. Ngumiti pa ito sa babae at unti-unting bumagsak sa lupa.
Agad naman itong tinulungan ni Joey. But before they left, tiningnan ni Joey ang mga muka ng babae.
"Ms. Sapphire, you can open your eyes. Don't pretend na nawalan ka ng malay."
Sambit ni Joey ng makalayo.
"Sumakay lang ako baka mapahiya ka sa kanila." Dagdag pa nito.
"Hoy!" The girl opens her eyes.
"See?"
"Hmp! Kainis 'to! " Inis na sabi ni Sapphire.
Inihatid lang ni Joey ang boss sa sasakyan nito. Sapphire is on the driver seat. Joey gets her first aid kit. May dala ito.
"Wow! Laging handa ah—Aray!" Reklamo ni Sapphire ng idiin ni Joey ang bulak sa kanyang labi.
"Shut up, Miss. Sino bang matinong boss ang makikipag-away sa mga babae na yon ha?" Sambit nito habang patuloy sa paggamot sa labi nito.
"Ako! Of course, gegerahin ko sila lalo na kung sinisiraan ka nila without any proof!" Matigas na sambit nito.
"Wag mo ng gawing big deal, Ms. Sapphire and I'm used to it." Tugon nito.
"But I'm not used to it and will never be! I will not tolerate them! I'll protect you no matter wha—Aray!"
Idiniin na naman ni Joey ang bulak sa may sugat nitong labi.
"Tumahimik ka na nga lang. Kaya ka napapahamak eh!" Sigaw nito.
"And now you're scolding your boss?!" Sapphire said.
"Did you know what time is it, Ms. Sapphire?"
"It's 7:03pm!" She replied.
"Tapos na ang working hours ko, that means you're not my boss at this moment."
Matapos noon ay nilagyan nito ng band-aid ang gilid ng labi ng babae.
BINABASA MO ANG
That Girl! -SATZU
RomantikSi Sapphire Mortel (Sana Minatozaki) ang bagong CEO ng kanilang sariling kompanya matapos itong iturnover sa kanya ng ama. Dito nagtatrabaho si Joey (Tzuyu Chou). Sya ay itinalaga ni Mr. Mortel para maging secretary ng kanyang anak. Hindi alam ni Jo...
