"Bumalik na ba ang alaala mo, Sapphire?" Excited na tanong ni Maxine dito.
Umiling naman ang babae sabay sabing, "No. He just said that he wants Safari back."
Napangiti naman si Maxine.
"So kung hindi pa bumabalik ang alaala mo tapos ganyan ka na sa kanya. I think I knew it! May feeling ka na sa kan-"
Agad naman sumagot ang CEO ng Mortel Company.
"None. I have to go, Mr. dela Vega and Miss. Thank you."
Agad naman inihatid ni Joey ang babae. Tahimik lamang sila. After that ay bumalik na si Mr. dela Vega sa kanyang opisina.
"Have you seen it Joe?! Nagseselos sya kanina! She just denied it! Hahaha!"
Ngumiti naman ang lalaki.
"Really?"
"Yup! Galing ko talaga! Tsaka kung makangiti ka dyan wagas ha?! Halatang patay na patay kay Sapphire eh!" Panunukso pa nito sa kanyang kaibigan.
"Crackhead." Tanging na sambit nito.
"By the way, I am here kase magbabakasyon din kami nila Dex sa Baler. You wanna come with us?" Pag-iimbita ng babae.
"I'm going to Baler, too. We are going to visit the site kung saan magpapatayo si Sapphire ng resort."
Pagpapaliwanag nito.
"Ey! Kakaiba talagang gumalaw ang tadhana no? Pumapabor sa pangit na Joe na ito!"
Pero nagulat ang dalawa ng may biglang kumatok. Nagpresenta na lang magbukas si Maxine dahil ito ang pinakamalapit sa pinto. Agad naman bumungad si Dex sa kanila.
Napaseryoso ng muka si Joey. They talked.
"I'm sorry for what I have done to Max, years ago, Dex. I am willing to face the consequ-"
But Dex cut him off.
"Joey, I will not forget what happened. Halos agawin ko sya sa kamatayan. So, that's the reason why you told Max to call me para mapuntahan sya agad? Para madala agad sya sa hospital ng mga oras na yon?"
He just nodded.
"Alam mo ba na nawalan ako ng tiwala sayo ng mga oras na yon? Pati sa mga tao na nakapaligid sa kanya? Lahat naisip ko na pwede magtraydor kahit sa sarili pa nilang kaibigan. Na totoo nga yung sinabi ni Sapphire na traydor kayong mga dela Vega."
Napatitig lang dito si Joey. Ramdamam nito ang galit sa bawat pagbigkas ni Dex sa mga salita. Hindi nya ito masisi.
"Kung naagaw sya ng kamatayan sakin, hindi ko talaga alam ang gagawin ko sayo, Joey. Mahal na mahal ko si Maxi-"
Pero di na naituloy ni Dex ang sasabihin ng batukan sya ng asawa. Pinandilatan sya ng mata nito.
"Itigil mo nga yang prank mo Dex! Akala ko ba hindi mo yan itutuloy! Ang emo mo!" Sambit ni Maxine dito. Napasimangot naman ito dahil binuking sya agad ng babae.
"Napaka mo talaga, Max-Max! Kung hindi lang kita mahal sin-"
"Ano?! Sige ano?!" Sambit nito at nakaabang na ang kamao.
"Eto naman, di na mabiro! By the way, Joey. Matagal na kitang napatawad. Parehas lang kayong biktima ng umampon sayo na si Mr. dela Vega. Kaya pala ganon na lang ang pagtrato nya sayo kase you are not his biological child. I hope one day, you meet your real parents."
Agad gumuhit ang ngiti sa labi ni Joey at niyakap ang itinuturing din nyang kaibigan.
"Thank you, Dex."
"Congrats! Isa ka ng CEO. I mean successful CEO sa bansa! One of the hottest Bachelor too pati sa corporate world! Daming nagkakandarapa sayo! Napakaswerte talaga ni Sapphire sayo. I am hoping na maalala ka na nya."
Dex tapped his shoulder.
"No. Ako ang maswerte dahil nakilala ko si Sapphire. She's my inspiration." Pagsambit nito.
"Narinig mo Dex? Inspiration daw!" Sambit ni Maxine.
"Don't worry Mahal! Ikaw naman ang expiration k-Aray!" Reklamo ni Dex ng kurutin sya ng asawa.
"Expiration ha?! Pwes, sa sofa ka matulog!"
At agad lumabas ito ng opisina ni Joey.
Napailing na lang si Dex.
"Sundan mo na. Suyuin mo. Bakit kase expiration?" Natatawang sambit ni Joey.
Napakamot na lamang si Dex sa kanyang ulo.
"Biro lang naman yun eh. Sige. Paano Joey. Alis na muna ako. Sundan ko lang yung abnormal kong asawa. Kitakits sa Baler ha? Bye!"
Agad naman itong lumabas. Natawa lang dito si Joey. Kahit kailan ay hindi pa rin nagbabago ang dalawa na yon.
Mabilis na lumipas ang mga araw. They arrived safely at the town. They checked in at Costa Pacific, the 5-star hotel at Baler which is in front of the Sabang Beach. Halos magkakatabi naman sila ng rooms pati mga assistants nila.
"Hey, Dex you know the drill ha?" Agad na sambit ni Maxine sa asawa. May pinaplano na naman ang mga ito.
"Yes, Ma'am! You can count on me! Pero kiss muna?!" Pagbibiro ni Dex sa asawa.
"Minu-minuto gusto ikiss?!"
Hinampas lang ito ni Maxine pero bago pa makalingon ay nanakawan na sya ng halik ng asawa.
"Fully charged na ako, Maxine!" Kasabay nito ay ang pagngiti ng nakakaloko.
Meanwhile, the two CEOs is currently at the beach. Katatapos lang nila icheck ang site. Ang mga assistants nila ay kanina pa umalis dahil pinayagan ito ng dalawa na gumala na dahil tapos na ang inspection nila. Naiwan ang dalawa sa dalampasigan. Bigla namang sumulpot ang dalawa na parang kabute.

BINABASA MO ANG
That Girl! -SATZU
Roman d'amourSi Sapphire Mortel (Sana Minatozaki) ang bagong CEO ng kanilang sariling kompanya matapos itong iturnover sa kanya ng ama. Dito nagtatrabaho si Joey (Tzuyu Chou). Sya ay itinalaga ni Mr. Mortel para maging secretary ng kanyang anak. Hindi alam ni Jo...