10

43 3 0
                                    

"dela Vega? Sino yan Joey?" Bungad na tanong sakin ni Sapphire.

"Sa-Sapphire, kanina ka pa dyan?" Halos mautal-utal na sambit nito sa babae. Kinakabahan ito. Sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.

Umiling naman si Sapphire kaya kahit papaano ay nakahinga ng maluwag si Joey.

"Nope! Kagigising ko lang eh. When I turned around, hindi kita makita. So who's that dela Vega?"

Napalunok na lamang ang secretary nito.

"N-Nothing, Safari. A potential client. Nag-iinquire lang." She lied.

"If that's a dela Vega, kindly informed that person na declined na sya. Don't transact with that man. Hingi ka na lang ng sorry. You know my reasons, right?"

Matapos noon ay ngumiti si Sapphire. Tumango naman ang kanyang girlfriend.

"Hindi ka ba matutulog? 2:30 pm pa lang." Tanong nito.

"No. Gusto mo bang gumala, Sapphire?"

Agad namang ngumiti si Sapphire at niyakap ito.

"Swimming tayo!"

"I don't know how to swim." Agad na sagot ni Joey.

Sapphire looks up dahil matangkad ito.

"I'll be your instructor! Trust me magiging magaling kang swimmer kahit lupa, malalangoy mo!" Pagbibiro nito.

Natawa na lang si Joey sa kalokohan ng babae. Pero mayamaya ay sumeryoso muli ito.

"Sapphire..."

"Yes, Joey?"

"I love you!" Sapphire smiles from ear to ear. She's not expecting those words at the moment.

"Napakaganda ko talaga! Eh di yan tuloy, kinain mo yung sinabi mo! Hahaha!" Pang-aasar pa ng mahal nya kay Joey.

Nagulat pa si Sapphire ng yakapin sya ng mahigpit ng babae.

"Woy! Bakit naman super sweet ha? May problema ka ba?" Nagtatakang tanong nito sa kanya.

"Yes. I have." Joey said mentally.

"Ikaw." Sagot ni Joey.

"Yeah! Whatever! Basta mahal mo ako! Hahaha!" Kasabay noon ay paghalik ni Sapphire sa pisngi ni Joey.

Nag-ayos lang sila ng gamit at kumuha ng mga gagamitin. Matapos ay nagdiretso na sila ng pool.

"Paano ka matututo kung nasa gilid ka ng pool, Joey?"

Tanong ni Sapphire habang nasa pool at nakatingin sa babae na hindi umaalis sa gilid ng pool.

"Well, just give me sometime-Te-teka, Sapphire..."

Sambit ni Joey ng tumingin kay Sapphire pero hindi ito makita ng kanyang mga mata.

"Sapphire, where are you?!"

Sigaw nito. Nagulat na lamang ito ng sumulpot sa harapan nya ang babae. Lumangoy ito mula sa ilalim. Nakita ni Joey ang pagngisi nito.

"Sa-Sapphire, stop on what you are planning! Hindi ako natutuwa sa ngisi mo!" Pagpapanic ng babae.

"Ha?" Sambit nito at di mawala-wala ang ngiting nakakapanloko.

"Hindi nakakataw-SAPPHIRE! NOOO!"

Hindi na naituloy pa ni Joey ang sasabihin ng dalhin sya sa gitna ng pool ng babae. Sila lamang dalawa ang nasa lugar.

"Weak!" Pang-aasar pa ni Sapphire sa babae. Nakayakap naman si Joey dito.

"Try mo lumubog tapos magpalutang ka. Need mong igalaw yung mga kamay at paa mo. Syempre kailangan mo rin ng hangin!"

Halos di naman makagalaw si Sapphire sa pwesto dahil mahigpit ang yakap sa kanya ng babae.

"Shit. Sapphire, malalim dito!"

"Ooops! Si Joey nanananching! Grabe makayakap eh!"

Sinamaan lang sya ng tingin nito. Nakaisip na naman ng kalokohan si Sapphire.

"I dont know-" Pero hindi na natapos ni Joey ang sasabihin ng lumubog ito kasama si Sapphire sa ilalim. Agad nagpanic si Joey dito pero agad din itong lumutang ng iangat sya ng babae.

"Sapphire, sto-"

At sa ikalawang pagkakataon ay lumubog na naman sila pero agad itong hinalikan ni Sapphire habang nakalubog sila sa tubig.

Underwater kiss.

Mayamaya ay lumutang na naman sila at naghahabol ng hangin si Joey. Tumawa lang naman si Sapphire dito.

"Papatayin mo ba ako?!" Agad na tanong ni Joey habang nakayakap pa rin dito.

"Sa pagmamahal lang..." Pagbibiro nito.

"Don't you dare do it agai-"

Wala na itong nagawa ng muli itong ulitin ng babae. This time ay mas tinagalan nila sa ilalim at ganoon din ang paghalik ni Sapphire sa kanya..

"Iaahon na nga kita. Muka kang bata eh! Hahaha!" 

Natatawang sabi ni Sapphire at iginaya ang babae sa gilid ng pool.

"I'll get some water lang. Balik ako agad!"

"Ako na lan-"

"Nope! Ako na lang! Mabilis lang ako! Bye!"

Agad naman itong nagpaalam sa kanya. Sinundan nya ito ng tingin hanggang di na nya ito maaninag. Initry nya magfloat at sinunod ang itinuro sa kanya kanina ni Sapphire. Napatingin ito sa kisame ng pool habang unti-unti itong nagpapalutang pero nakaalalay pa rin ang kamay sa gilid ng pool.

Nakita naman nya ang pagdating ng bantay sa pool na nasa kabilang dako ito. Dalawa ang pool dito. Inaayos lang nito ang mga upuan.

Samantala ay agad naman nakahanap ng tubig si Sapphire. Kumuha na rin sya ng isang bote para kay Joey.

"Anong nangyari doon? Napakasweet kanina? Hahaha! Sabagay! Sino ba naman ang hindi maiinlove sa katulad ko no? Swerte nya! Hahaha!"

Kasabay noon ay ang pagbalik nya doon. Masaya naman itong inilapag ang isang bote ng tubig. Nakita nito na nakalutang si Joey habang nakapikit.

"Taray! Fast learner ah! Marunong ka ng magfloating? Naks!"

Pero hindi ito sumagot o kumibo man lang sa kanya.

"Joey! Umahon ka na dyan! May dala akong tubig para sayo!"

Hindi pa rin ito sumagot at kumibo. Unti-unting kumakabog ang dibdib ni Sapphire.

"Shit! Joey! No!"

Kasabay noon ay ang pagtalon nito sa pool at pinuntahan ang babae. Agad nya itong iniahon.

"Hey! Wake up! Wake up!" Nag-uunahan na ang mga luha ni Sapphire.

She applied the mouth-to-mouth resuscitation pero bigo ito. Halos magwala ito.

Tatayo na sana ito para humingi ng tulong pero naramdaman nito ang isang kamay na humawak sa kanya. Agad itong napalingon.

"Why are you crying, Sapphire? Hindi ka na nga maganda, pumapangit ka pa!" Pagbibiro nito.

"Fuck, Joey! Wag mo akong iprank ng ganito! Hindi ito magandang biro!" Sambit ng kanynag girlfriend.

Umupo na ito at niyakap ang babaeng umiiyak.

"What if isang araw mawala ako sayo, Sapphire? What will you do?" Seryoso nyang tanong dito.

"Tatakasan mo ba ako ha?!" She replied.

Natawa naman si Joey dito. Para itong baby sa kanyang paningin.

"What if nga?"

"Anong what if?! Walang what if kase hindi ka mawawala sakin! May balak ka bang iwan akong damuho ka ha?!" Inis na sambit sa kanya ni Sapphire.

" I didn't say that. I'm just asking you." Nakangiting sabi ni Joey then wipe her girlfriend's tears.

"You can't leave your Princess, alone! Mahahanap at mahahanp kita, Joey! I'm not a stalker for nothing!"

Tinitigan ito ni Joey.

"What if hindi ako yung Joey na nakilala mo? What if hindi ako si Joey Carlos? Will you still love me, Sapphire?"

"Tanga! Gaano ba kadaming tubig ang pumasok sa utak mo? Kulang pa yata yan! Tuluyan na kita gusto mo?!"

Agad namang yumakap dito si Joey sabay sabing, "Tandaan mo, Sapphire, that I love you! I always do!"

"Ano bang nangyayari sayo ha?! Kanina ka pa nagkakaganyan!" Tanong ng babae sa kanya.

Ngumiti ng mapait si Joey.

"Wala. Namiss lang kita. Wag kang magbabago kahit anong mangyari ha? Wag mo akong iwan ha? Ikaw lang ang meron ako Sapphire."

Naramdaman nito ang pagyakap sa kanya ng babae. Narinig lang nito ang maliit na pagtawa nito.

"Paano ba yan? Patay na patay ka na talaga sakin?! Hahaha!"

Umupo na ang dalawa sa gilid ng pool. Nasa tubig naman ang kanilang mga paa.

"Safari, paano if isa sa mga dela Vega ay makaharap mo at iba pala ito sa mga dela Vega na nabanggit mo?"

"Alam mo, Joey, dela Vega is still a dela Vega. Remember it. Don't trust them. They are traitors."

Napangiti ng mapait si Joey sa mga naririnig ngayon sa babaeng mahal nya.

"What if that dela Vega is different from the rest? Not a traitor but a good one?"

Agad namang tumawa ang babae dito.

"Hahaha! Ano ba yan, Joey! I hate dela Vega so kahit sino pa ang iharap mo sa akin, still hindi pa rin magbabago ang tingin ko. I still hates them!"

"What if I am a dela Vega, Sapphire?"

Agad napatitig dito si Sapphire. They were looking at each others eyes. Joey is waiting for her answer at sana ay hindi ito mabigo sa kanyang iniisip.

"Then I will hate you too! There's no exception! Hahahah! Ano ka ba?! You are not a dela Vega! Wag kang mangarap! I told you, I know you because I am your stalker!" Masaya nitong sabi.

"Eh what if nga?"

"Edi lumayo ka na sa akin baka mabugbog pa kita ng wala sa oras, Joey!" Pagbibiro ni Sapphire dito.

Napangiti ng mapait si Joey.

"What if I am a dela Vega? Mamahalin mo pa rin ba ako? Tatanggapin mo pa rin ako?" Dagdag pa nito.

"I am going to cut ties with you!" Seryosong sambit ng CEO ng Mortel.

"So wag mong pangarapin na maging isang dela Vega, Joey!"

Napayuko na lamang si Joey.

"I love you." Tanging na sambit nito sa babae.

Tila natakot si Joey sa pwedeng mangyari sa oras na mapatunayan nya na isa syang dela Vega. Natatakot ito na baka iwan sya ni Sapphire. Iwan sya ng taong mahal nya kapag nalaman ang katotohanan. She's praying that that man is just pranking her.

Ngayon lang ulit nya naramdaman ang ganoong takot. Takot ng mawalan muli ng mahal sa buhay.

After that, they returned to their room. Nagdinner na din ang mga ito kasama ang mga kaibigan. Simula noon ay hindi na mawala sa isipan ni Joey ang posibilidad na isa syang dela Vega.

"Meet me, Joey. So I can give you the information you needed para maniwala ka na isa kang dela Vega." Mr. dela Vega said.

"Paano ko malalaman na totoo ang mga sinasabi mo, Mr. dela Vega?" She's hesitant.

"Don't worry, I will not waste my time para lang pekein ang mga papeles at documents, Joey."

With that, the call has ended.

Their vacation has ended at bumalik na sila sa trabaho. Joey meet Mr. dela Vega one day.

"I told you. I'm not lying. You are a dela Vega, Joey." Said by Mr. dela Vega.

Joey is still looking at the documents. Ayaw tanggapin ng kanyang isip ang kanyang nalaman. Tahimik lang ito. Nanginginig ito habang hawak hawak ang mga papeles na yon.

"Mr dela Vega, can you just leave me alone?"

Umiling lang ang lalaki. He crossed his arms and smile.

"Nope. By the way, about those people that you called your parents, I'm sorry to tell you but they just adopted you too."

She's not listening to the man's word. Iisa lang ang nasa isip nya ngayon. Si Sapphire.

"Leave the Mortel's Company, Joey. Kalimutan mo na ang lahat including that Mortel."

Agad nag-angat ng tingin si Joey sa lalaki na nasa harapan nya.

"What? No." She disagrees.

"No buts. I'll give you some limited time to do the things you wanted to do. After that you will come with me and start a new life." His voice is full of authority.

"No! Yes you are my father but that doesn't mean that I need to obey you! Bigla na lang kayong susulpot na parang kabute tapos kukunin nyo ako ng ganun-ganun lang?! Para lang akong aso na pinamigay nyo?! Na saan kayo ng mga oras na lumalaki ako?! Na kailangan ko kayo?! Hindi ba wala?! Now that you need me, ganon lang yon?!"

Galit na sambit ng babae.

"I am sorry do what happened. Matagal din kitang hinanap. Kung ibinigay ka sa amin agad ng tinuring mong mga magulang ay narito ka? Isa lang simpleng tao? No!"

Giit ni Mr. dela Vega.

"Kinamumuhian kong maging isang dela Vega! I have my own life! I can support my own needs na hindi umaasa sa kahit kanino! Leave me alone! I don't need you, Mr. dela Vega!"

Tumayo na ito.

"My dear Joey, you got no choice. You need to obey me. It is for your own good. Kahit ngayon, kayang-kaya kitang kunin. I'm giving you time para makapagpaalam sa kung kaninuman. Kalimutan mo na isa kang Carlos. At kahit anong sabihin mo, kahit pagbaliktarin mo man ang mundo, they will hate you. Mortel will hate dela Vega at walang makakapagpabago doon kahit ikaw pa, Joey."

He's looking at Joey. Inayos lang nito ang coat nya.

"I know she will understand me! Hindi nya ako ipagtatabuyan! Sapphire loves me! Kayo ang sumira sa buhay nila noon! Wala akong kinalaman doon!" Pangangatwiran nya. Alam nito na hindi sya basta iiwan ni Sapphire. Makikinig ito sa kanya.

"If you will not obey me and hindi ka pa rin sasama, something bad will happen. Remember those investors na nagpullout sa mga Mortel?"

Her dad asked her. Agad naman itong napatitig sa kanya. Mr dela Vega smiles. A different smile.

"I'm the one who is responsible for that thing."

"What?!" Agad nyang kinwelyuhan ang lalaki.

"Damn! So plano mo pala ang lahat ng yon?! Hindi mo ba alam kung gaano nasaktan at namroblema doon si Sapphire?! She questioned herself! Akala nya hindi sya sapat pero shit! Kasalanan mo pala?! How dare you?!" Galit na galit na sambit ni Joey na kulang na lang ay patayin nya ang lalaki.

Tinanggal naman ni Mr. dela Vega ang mga kamay ni Joey na nakahawak sa kanyang kwelyo.

"Well, it is your fault for not answering my calls, Joey." He said then smile at the younger one.

"I'm telling you, I can do anything just to get you back. I know what will happen, Joey. I know in the end, ikaw na mismo ang lalapit at magmamakaawa sakin." Added by Mr. dela Vega.

Napamura na lang si Joey sa mga narinig. This can't be happening.

Nagulat na lang si Joey ng makaramdam ng pagtapik sa kanyang balikat. Agad nitong nakita si Sapphire na nakatitig sa kanya.

"Hindi ka naman nakikinig eh! Kanina pa ako nagdadaldal dito, Joey." The beautiful women said. She's pouting.

"H-ha? I'm sorry. Anong sabi mo, Safari?" Ilang araw ng lumilipad ang utak ni Joey simula ng makausap nya si Mr. dela Vega.

"Tsk! I'm asking you paano magluto ng favorite dish mo na adobo para maipagluto kita!" Pagmamaktol ng babae sa kanya.

Napangiti na lang si Joey sa kakulitan nito.

"No. Ako ang magluluto para sayo, Safari. I don't want you to get hurt. Rememeber last time? I let you prepare the ingridients but you accidentally cut your skin. Nasugatan ka." Pagpapaalala nito.

"But I really want to cook for you!" She's like a baby.

"No. That's final."

"Masyado mo naman akong ginagawang Prinsesa, Joey."

Tumawa lang si Joey.

"Prinsesa ng sangkahayupan siguro, Safari." Nakaramdam lamang ng hampas si Joey sa balikat mula sa babae.

They were on her unit. Nakaupo ang dalawa sa couch.

"Eh di kanin na lang!"

"Nope! Umupo ka na lang dyan. Baka maging lugaw na naman ang kalalabasan."

Sapphire surrender. She just hugged Joey.

"Sapphire, I want to tell you something. Please, ipangako mo na hindi ka magbabago sa akin after hearing those words."

Joey said seriously. She removed herself from the hug. Agad naman tumingin dito si Sapphire na nakangiti pa rin.

Huminga ng malalim si Joey. Kinakabahan ito pero ayaw na nyang patagalin pa ang lahat. She holds Safari's hands and looked at her eyes.

"I-I am not a Carlos."

Silence...

"I am a-"

"You are what? A vampire? Then Im a wolf!" Nagawa pang magbiro ni Sapphire pero kung sa normal na araw ay baka napangiti na sya dito pero hindi. Masyadong mabigat ang araw na ito para sa kanya.

"I- I am a dela Vega, Sapphire."

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa unit ni Joey. Pero kalaunan ay napuno iyon ng bungisngis ni Sapphire.

"Hahaha! Nakakatawa ka talaga, Joey!"

Joey is still looking at her, seriously. Ilang segundo na itong nakatitig lang sa kanya. Sapphire stops from laughing when she realized that Joey is serious. Nawala na din ang mga ngiti sa kanyang mga labi.

"Are you serious?"

"Of you are just pranking me, please stop! Don't ruin my day! Alam mo kung gaano ko kinasusuklaman ang mga dela Vega! You are not of them!" Sapphire is praying that in a few seconds she will hear the words, "I'm just kidding, Safari!" from the girl she love.

Ngumiti ng mapait si Joey.

"Now that you already know, may nagbago ba Sapphire? Do-do you hate me?"

"Please say no, Sapphire... Please..." She silently prayed.

Joey prayed so hard na tanggapin sya nito. Naniniwala ito na maiintindihan sya ni Sapphire... sana...

Sapphire bit her lips. Joey pressed her hands.

"Sapphire, I'm sorry if I am a dela Vega. Hindi ko ginusto. I don't want to keep a secret from you. I want to be honest with you. Keeping a secret means cheating to me."

"So, you know this from the very start Joey? What the hell, Joey! So all this time, ginawa mo aking tanga?!" Sapphire voice cracked.

"No. Hindi ko rin alam! Mr. dela Vega told me. Sapphire looked at me please... Looked at me. Hindi mo naman ako iiwan di ba? You love me, right? Hindi naman ako masama hindi ba?"

Sapphire stood up.

"Damn it, Joey! I can't believed it! Hindi ko alam anong irereact! I didn't know! You know how much I hate your surname! You know why! You know my reason! Fuck this life! Bakit ikaw pa?!"

She's crying. Both of them are crying. Joey tried to reached Safari's hand pero agad nya itong iwinaksi. Joey hurts. She immediately hugged the CEO so tight.

"Sapphire, I don't want to be a dela Vega! Hindi ko ginusto! Please, don't leave me! Hindi ko naman ginustong maging isang dela Vega. Wala naman akong kasalanan hindi ba?"

Joey is crying.

"Please, wag mo naman akong iwan oh? Ikaw lang ang meron ako. Ikaw lang, Sapphire. Tell me that you still love me... Na walang nagbago sa ating dalawa. Na ako pa rin yung mahal mo, na si Joey pa rin? Di ba? You love me? Safari love Joey di ba?"

Shit. Both of them are hurt. Sapphire stood up and about to leave her but Joey begged on her knees.

"Answer me, Sapphire. Hindi mo naman ako iiwan hindi ba? Please, don't leave me Sapphire. I- I love you! Hi-hindi ako masama. Hindi ako tulad nila. Iba ako. You know that from the very start. My love for you is true and pure."

Mortel's tears continue to flow. That day was supposed to be happy but everything was ruined, including their relationship.

"H-hindi ko naman kasalanan hindi ba? Wala naman akong kasalanan, right? Sapphire don't leave me please. I'm begging you. H-hindi ko ginusto. I hate dela Vega too!"

Sapphire wiped her tears.

"I don't know Joey! I want to be alone!"

With that she left Joey in tears and broken hearted. That night, Joey just stay outside Sapphire's unit. Nagbabakasakaling lumabas ito at yakapin sya. Pero nakatulog na lang ito habang umiiyak. 

The next day.
Joey entered Sapphire's office. She's not wearing her smile likewise the CEO.

"Ms. Sapphire, I will just check the files-" Pero hindi na nito natapos ang sasabihin ng magsalita ang kanyang boss.

"I've got a new secretary, Joey. Please get out and go back to your station."

She said without any emotions written on her face.

"Whaaat? You did not tell me-"

"What do you want me to do, Joey? Ayokong kamuhian ka pero sa tuwing naaalala ko na isa kang dela Vega, naiisip ko na-"

Agad silang nagulat ng pumasok ang director, Sapphire's dad. The moment he saw Joey ay agad nya itong kinwelyuhan. Nanggagalaiti sa galit ang ama nito.

"Fuck! So, all this time, nagpapapasok pala ako ng isang ahas sa kompanya ko?! All this time, isa ka palang dela Vega?! Ipinagkatiwala ko ang anak ko sayo, Joey! Alam mo kung saan nanggagaling ang galit ko! Fuck! Dela Vega are the reason why some of our investor pulled out! And then now, some of our branches are in critical state!"

His eyes were flaming.

"Fuck! Sa isang iglap mawawala lang dahil sayo?!"

Napakagat ng labi si Joey. She's not expecting this that early. Malungkot ito na tumingin sa director nila.

"Sir, I am sorry if I am a dela Vega pero hindi po ako katulad nila." She said.

"Damn it, Joey! I trusted you fully tapos isa ka palang ahas?! How dare you!"

"Sir, dahil ba sa mali ang pamilya ko pati ako madadamay? Is it too unfair? I never harm anyone."

Napabuga ng hangin si Mr. Mortel.

"I fucking hate dela Vegas! They ruined our life! I have decided! Leave this company! You are fired!"

"Si-Sir?" Halos mabingi si Joey sa mga binitiwang salita ng lalaki.

"Dad!" Sigaw ni Sapphire.


That Girl! -SATZUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon