Blue's POV
Kinabukasan....
Nagising ako ng 8am kahit na 11am pa ang pasok namin, pag baba ko nakita ko agad sina Kuya Zach at Kuya Nathan na kumakain, nagku-kwentuhan sila at nagtatawanan pa....
"Good morning po" bati ko sa kanilang dalawa, dahilan para mapalingon ito sa gawi ko
"Good morning too, Blue, how's your sleep?" Tanong nina Kuya Zach at Kuya Nathan
"Okay lang po" sagot ko
"Upo ka na dito sa tapat ng Kuya mo Blue, ipaghahanda na kita ng almusal" utos ni Kuya Zach
"Wag na po Kuya Zach, hindi po kasi ako breakfast person eh," pagpigil ko sa kanya
"Here Blue, just drink my milk" pagbo-boluntaryo nito
"No need Nathan, ikukuha ko nalang siya ng bagong gatas sa ref" sabi ni Kuya Zach
"Ako nalang po ang kukuha Kuya tapusin niyo na po yung breakfast niyo" pagkasabi nun ay naglakad na ako papunta sa ref at kumuha ng gatas
"Nasaan po pala sila Tito Bryce at Tito Blaze?" Tanong ko habang umiinom ng gatas
"Tumawag sila sa akin kagabi nung maka-uwi kami ng Kuya mo Nathan, and they told me na pupunta daw sila sa Thailand to visit Tito Chen and Tito Tyler, bukas na daw sila uuwi" sagot ni Kuya Zach
"Ganun po ba?" Tanong ko
"Yes sige ah, akyat lang ako sa kwarto," pagkasabi nun ay tumayo na ito para umakyat sa kwarto at umupo naman ako sa pwesto niya na nasa tapat lang ni Kuya Nathan
"Hey, are you okay?" Tanong sa akin ni Kuya Nathan
"Yes po, why?" Tanong ko
"Ang putla mo kasi oh, ang putla putla ng labi mo, tapos ano ba yang mga red marks sa leeg mo?" Tanong niya "Naku po, yare"
"And isa pa where have you been last night? Sabi ni Zach late ka na daw umuwi?" Dagdag na tanong ni Kuya Nathan
"Sa bar po" sagot ko
"And what's that red thing on your neck?" Tanong niya ulit
Hinaplos niya ang noo ko at sinabing "You have a fever, saan ka ba talaga nang-galing kagabi?" Tanong niyang muli
Bago ako makasagot ay nagsalita na namang muli si Kuya Nathan "Napaka-pasaway mo talagang bata ka anong ginawa mo at nilagnat ka ha? Wag mong sasabihin na dahil yan sa alak dahil alam ko na kahit gaano pa karami ang inumin mong alak at kahit halo halo pa yun ay hindi ka pa rin lalagnatin ng ganyan, so sumagot ka, answer me Blue" panenermon niya
"Kuya pwedeng isa isa lang? This red marks on my neck was just a mosquito bite, and also yung lagnat ko siguro dahil pagod lang ako sa biyahe kahapon," sagot ko pero mukhang hindi ito naniniwala
YOU ARE READING
Falling Inlove with Him (BOSSNOEUL Full Story) COMPLETED
RandomTwo stories, same title but different stories.