Blue's POV
Nananatili pa rin kaming nakatulala ni Tristan sa isang tabi at halos hindi makapaniwala sa mga nangyayari, ngayon ay pinapanood naming lahat na kinukuha si Janna ng mga Doctor nito kasama ang kanyang mga magulang, umalis na rin sina Kuya at nandito na kami ngayon sa Dressing Room, kung saan kaming dalawa lang ni Black ang nandirito.
"Blue?" Tawag sa akin ni Black na hawak hawak pa rin ang tagiliran niya kung saan nadaplisan siya ng kutsilyo ni Janna, buti nalang at nabendahan na iyon, alalang alala ako sa kanya, and i still can't believe na kayang gawin yun ni Janna, she will do anything just to get Black back, hinarap ko ito at kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot,
"Blue, i'm sorry for hurting you, i'm sorry because i'm late, late ko ng na-realize yung feelings ko para sa'yo, kung sana noon palang na-realize ko na yun ng mas maaga edi sana hanggang ngayon tayo na, edi sana masaya tayong dalawa, sorry sa lahat lahat ng mga nagawa ko sayo, sorry kasi puro sakit lang yung naibigay ko sayo, pero wag kang mag-alala kasi i'm sure hinding hindi ka sasaktan ni Tristan, siguro nga dapat kayo nalang, kasi sa akin masasaktan ka lang, si Tristan lagi siyang nandyan para sayo, at isa pa wala na rin naman na si Janna kaya magiging okay ka na, siguro nga time na para ipaubaya kita kay Tristan mahirap pero wala akong magagawa eh, sobra sobra na yung sakit na naibigay ko sayo, kaya i'm sure ayaw mo na sa akin" umiiyak na saad nito
Black is crying, he's crying in front of me, he's crying because of me,
"Black what are you saying?" Tanong ko
"Bakit parang namamaalam ka na?" Tanong kong muli
"I decided to go to Thailand para makalimutan ka, para maka-move on" sagot nito
Bigla akong nanghina at nanlumo dahil sa sinagot niyang iyon, aalis si Black at iiwan niya ako? Gaya ng ginawa ko sa kanya noon,
"A-aalis k-ka?" Utal utal na tanong ko
"Dapat pa ba akong mag-stay?" Tanong nito
'Oo Black, please stay, dito ka nalang sa tabi ko,' sabi ng utak ko pero kahit na anong gawin ko ayaw ng lumabas ng mga salitang yun sa bibig ko,
"Just say that you want me here and i won't leave" sabi niya pero kahit anong pilit ko parang bigla akong nawalan ng boses, hindi talaga ako makapagsalita at hindi ko siya masagot,
"Okay i know now, tama, you already have Tristan, hinding hindi ka niya sasaktan gaya ng ginawa k-" pinutol ko ang sasabihin niya, gamit ang aking mga labi,
"I love you Black, please stay, please don't leave me, please?" Pagmamakaawa ko sa kanya habang umiiyak
"P-pero h-hindi k-ka b-ba n-nagsisisi?" Nauutal niyang tanong
"Hindi, hinding hindi ko pinagsisisihan na nakilala kita, hinding hindi ko pinagsisisihan na ikaw yung minahal ko, mahal na mahal kita, please wag mo akong iiwan" umiiyak na saad ko
"Shhh don't cry, hindi na ako aalis" at pagkasabi nun ay dinampi nito ng halik ang aking mga labi, madiin iyon pero bago pa mapunta yun sa kung saan ay pinutol na namin yun dahil biglang pumasok sina Kuya Nathan at Kuya Zach,
"Hoy tama na yan, Black okay ka na ba?" Tanong ni Kuya Nathan
"Opo, okay na po ako" sagot ni Black
"Ah oo nga pala, sabi ni Jeya sorry daw dahil sa mga nagawa ng kapatid niya, and sisiguruhin niya raw na hinding hindi ka na magagalaw pang muli ni Janna" saad pa ni Kuya Nathan
YOU ARE READING
Falling Inlove with Him (BOSSNOEUL Full Story) COMPLETED
RandomTwo stories, same title but different stories.