Chapter 21: Suyo Malala

53 2 1
                                    

Red's POV

Nakarating na kami sa parking lot ng condo pero hindi parin ako pinapansin ni Green, kanina ko pa ito sinusuyo nung nasa biyahe pero tinulugan niya lang ako, at hanggang makapasok kami ng condo ay hindi niya pa rin ako pinapansin, nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad sa kwarto, paglabas niya may dala na siyang kumot at mga unan, umupo ito sa sofa.

"What are you doing?" Tanong ko pero hindi ito sumasagot

"Hello Dad?" Tinawagan niya ang parents niya at naka-loud speak pa ito

"Yes Green napatawag ka?" Tanong ni Tito Ja

"Dad nasa bahay po ba kayo bukas?" Tanong ko

"Wala anak nasa business trip pa kami ngayon, next month pa ang uwi namin" sagot ng Papa ni Green

Simula ng umalis sina Vex at Silver, hindi na halos umuuwi si Green sa kanila kasi palaging wala ang parents niya doon, uuwi lang siya kapag kukuha ng damit.

"Uuwi ka ba? Magpasama ka nalang kay Red" utos ni Tito sa kanya

"Hindi na po, ako nalang po ang uuwi bukas" sagot nito

"Sige na po Dad, Pa bye na po" paalam nito at pinatay na ang tawag

"Uuwi ka?" Tanong niya sa akin

Hindi ako nito sinasagot kaya lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya,

"Hoy Red ano ba? Bitawan mo nga ako" sigaw nito

"Dun ka na sa babae mo" pagtataboy niya sa akin

"Hindi ko naman babae yun eh" sabi ko

Shit nakakaiyak,

"Sige na bati na tayo, sorry na, please" nakayakap pa rin ako sa kanya habang umiiyak

"Ano ba? Bakit ka umiiyak?" Tanong niya

"Kasi aalis ka bukas, wag ka na umalis bukas, may kukunin ka ba sa inyo?" Tanong ko

"Wag ka na umalis" sabi ko sa kanya

"Bakit ka kasi aalis wala ka namang kasam dun, dito ka nalang please, sorry na bati na tayo, kausapin mo na ako" pagmamakaawa ko sa kanya

"Kinakausap naman kita ah at syaka isa pa bitawan mo na nga ako" utos niya pero hindi ko siya pinapakinggan

"Halika na pasok na tayo sa kwarto" pag-aaya ko

"Baka sumakit yung ulo mo dito, yung katawan tapos baka magka-sipon ka pa at magka-ubo" dagdag ko pa

"Syaka wag ka na din aalis, wag mo ako iiwan" sabi ko

"Bakit ba ayaw mo akong umalis? Ayaw mo nun pwede mong dalhin yung babaeng yun dito pag wala ako" sabi niya

"Ayaw ko nga eh, ayaw ko sa kanya, gusto ko ikaw lang, syaka bukod kay Silver ikaw lang yung dinala ko dito sa condo ko wala ng iba" sagot ko

Falling Inlove with Him (BOSSNOEUL Full Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now