Chapter 2: What?

155 6 2
                                    

Black's POV

Maaga akong nagising kaya kahit 9:00am palang ay pumasok na ako sa school, Fast forward 11:00am...

Sa school...

"Aga ah, may lagnat ka ba?" Tanong sa akin ng pinsan ko ng makapasok ito sa classroom kasama ang boyfriend niya...

"Bawal ba?" Tanong ko

"Hindi naman, naninibago lang siya" sagot ng boyfriend ng pinsan ko

"Oo nga pala, I called you last night pero may ibang sumagot, sino yun?" Tanong nito

"Yung sinabi ko sayong guy," sagot ko

"Guy?" Tanong niya

"Yung guy na nakilala ko sa bar ni Kuya" naalala ko na naman tuloy yung nangyari sa amin, ano ba kasing pangalan niya, gusto ko siyang hanapin pero hindi ko alam kung saan magsi-simula, tinawagan ko siya pero hindi naman siya sumasagot, nasaan na kaya siya? Sana magkita pa kami ulit, "Ano bang nangyayari sa'yo Black? Hindi ka naman ganyan dati ah, dahil lang sa isang lalaki kung ano ano nang pinagsasasabi mo" suway ng utak ko sa akin

"Wake me up kapag nand'yan na si Prof" pero hindi pa ako nakakatulog ng biglang dumating si Prof, ba naman 'yan, ayaw makisama eh,

"Good Morning Class" bati ni Prof

"Good Morning Professor," bati ng buong klase

"Before we start let me introduce first your new classmate, pasok ka iho" sabi nito, pero nananatili pa rin akong naka-tungo

"Introduce yourself please" utos ni Prof

"Good morning, My Name's Blue, Blue Anantasetthakul Wongsavanischakorn, 21 years old, let's all be friends" that deep voice, is so familiar, parang narinig ko na yun sa kung saan pero hindi ko lang matandaan

"Hi, I'm Green, and this is Red, my boyfriend, yung nasa tabi naman ni Red, siya si Black, pinsan ni Red" pagpapa-kilala ni Green sa amin

"Hi, Red nga pala, hoy Black, Black tumayo ka nga d'yan kanina ka pa naka-tungo nand'yan na si Prof" sigaw ni Red habang kinakalabit ako, bwiset ka Red

Nagtama yung mga mata namin ni Blue, siya nga ang lalaking hinahanap ko, siya nga yung lalaki kagabi, "So Blue pala ang pangalan mo" naka-ngiting sabi ko sa kanya,

Nakatitig lang ito sa akin na para bang nagtataka, natigil lang siya ng bigla siyang kalabitin ni Green, nakaupo kasi siya sa tapat ni Green pero halos hindi naman malayo yung pwesto ko sa pwesto niya

"Ikaw?" Gulat na sigaw ni Blue

"Any problem Mr. Wongsavanischakorn?" Tanong ni Prof kay Blue

"No sir, I'm sorry" pagkatapos nun ay tumalikod ito sa amin para yata mag-focus sa lecture pero nakita kong kinakausap siya ni Tristan, hinawakan niya pa yung braso ni Blue kaya napasigaw tuloy ako "Get your hands off of him" sigaw ko na ikinabigla nilang lahat

"Mr. Black ano na naman ba yun?" Tanong ni Prof sa akin

"Wala po Prof" sagot ko

Falling Inlove with Him (BOSSNOEUL Full Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now