Red's POV
Hindi pa kami nakakaalis ni Tristan nang bigla itong huminto at sinabing:
"Tara Red balik tayo sa taas" pag-aaya nito
"Wag na tara na bumili na tayo" hinila ko ito pero hindi ito nagpapadala
"Naaawa ako kay Blue eh isang oras na siyang umiiyak" sagot nito
"May gusto ka ba kay Blue?" Tanong ko
Natahimik naman siya at hindi nakasagot, alam ko na 'to gusto niya si Blue,
Nang makabalik sa rooftop ay inaya ko na silang bumaba,
Sobrang daming nangyari bago kami nakababa lahat, nandun yung umamin si Tristan kay Blue na gusto niya ito at niligawan niya rin on the spot si Blue, my god, Black ano bang ginagawa mo?
Mawawala na sayo si Blue, Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi sa inyo pero nalaman kong bata palang gusto na din ni Black si Blue, hindi ko alam kung paano itanong niyo nalang sa kanya, story namin to eh diba?
Canteen, nandito kaming apat kasi nangako si Tristan na ililibre niya kami syempre sino ba naman ako para tumangi sa libre diba? Habang naghahanap ng mauupuan nakita pa namin si Black,
"Red dun na kayo umupo sa table namin ni Jeya" pag-aaya nito
"Kasama namin sina Blue at Tristan" sagot ko,
"Yeah sabay na kayo sa amin Tristan, Blue" pag-aaya sa kanila ni Black
"Sure-" bigla namang pinutol ni Blue ang sasabihin ni Tristan
"Hindi na, wag na Tristan dun nalang tayo sumabay kela Kuya, ipapa-kilala kita sa kanila, at syaka isa pa, di'ba sabi mo ililibre mo ako?" Tanong ni Blue sa kanya
"Oo nga pala, wag nalang Black, thanks pero tatabi nalang kami sa Kuya ni Blue" sagot naman ni Green at bigla niya akong siniko
"Oo, ayaw din namin kayong istorbohin ni Jeya, eh di'ba ngayon lang ulit kayo nagkita? Syaka ililibre pa kami ni Tristan" sabi ko pa alam ko naman kasi na magkakaroon lang ng awkward moment kapag sumama pa kami dun
"Okay" sagot ni Black at naglakad na paalis
"Tara na Tristan" pag-aaya ni Blue
"Sige punta ka na sa Kuya mo, Green samahan mo na siya kami nalang ni Red ang bibili ng pagkain niyo" utos ni Tristan na siya namang ginawa nila Blue at Green
Pagdating namin sa upuan nila Blue ay nagku-kwentuhan ang mga ito, umupo si Tristan sa tabi ni Blue bale napapagitnaan nina Tristan at ni Kuya Nathan si Blue, ako naman ay umupo sa gitna ni Kuya Zach at Green
"Oo nga pala Kuya si Tristan po, Tristan kuya ko, si Kuya Nathan," pagpapakilala ni Blue kay Tristan"Kaibigan mo din?" Tanong ni Kuya Nathan
"Manliligaw niya po, ako nga po pala si Red" sagot ko naman
"Ay mali ganito po yun siya po si Tristan ang manliligaw ni Blue tapos ako po si Red boyfriend ni Green" paglilinaw ko, mahirap na baka mapagkamalan pa nila ako na manliligaw ni Blue,
Baka magalit si Green,
"What manliligaw?" Gulat na tanong ni Kuya Nathan
"Opo, nga po pala Kuya Nathan, magpa-paalam po sana ako, pwede ko po bang ilabas si Blue, iinom po kami sa Moon Bar mamayang 7pm" sagot ni Tristan
"Oo ba, basta ba ihahatid mo si Blue" utos ni Kuya Nathan kay Tristan
"Opo makakaasa ka ihahatid ko po siya safe and sound," sagot naman ni Tristan
"Good, kumain na kayo d'yan, dito na ako Blue ah, magiingat sa pag-uwi ako na ang bahala kela Daddy at kela Tito Blaze" pagkasabi nun ay hinalikan niya si Blue sa noo
"Sige po, ba-bye Kuya, Kuya Zach yung Kuya ko ah, Ikaw na bahala sa kanya, medyo workaholic at studyholic po yan" pang-aasar ni Blue
"I know that, halata naman eh, sige dito na kami" sagot ni Kuya Zach,
"Sige po" sabi pa ni Blue
"Tristan ikaw na ang bahala sa kapatid ko ah" bilin ni Kuya Nathan at umalis na
"Ang sweet ng kuya mo noh?" Sabi ni Green
Nainggit na naman yung baby ko,
"Oo ganyan na siya simula nung mawala yung parents namin" sabi naman ni Blue
"Oo nga pala wala ka bang Kuya Green?" Tanong ni Blue
"Meron nasa thailand kasama ng kapatid ko, may business kasi sila dun and kasama niya yung brother ko kasi dun din sa thailand naka base ang parents namin" sagot ko
"So hindi mo nakakasama yung parents mo?" Tanong ni Blue
"Mostly kasi busy sila kaya kapag may free time sila, binibisita nila kami actually ngayon lang naman kasi umalis yung kapatid ko, sila Daddy lang talaga yung nasa thailand gusto lang ng kapatid ko na i-handle yung business namin dun at tulungan sila kaya ayun, tapos kapag may free time naman kami ng kapatid ko tapos busy sila Daddy, kami yung bumibisita sa kanila then dinadala ko dun si Green" mahabang sagot ko, ang ikli ng tanong pero ang haba ng sagot, my god
"So kilala na din ng parents mo si Green?" Tanong ni Tristan
"Yeah almost 7 years na din kasi kaming magkakilala ni Green and every vacation dinadala ko siya dun kaya nga mas nasasanay na sila Daddy sa presence niya kesa sa amin ng kapatid ko eh" sagot ko
"Aww nagseselos ka ba?" Tanong ni Green, bago nito isubo ang huling kutsara ng pagkain niya
"Hindi kasi yun naman talaga ang plano ko eh" sagot ko
"Ang alin? Ang masanay sila sa presence ko para kulitin nila ako ng kulitin?" Tanong niya
"Ang ipakilala ka sa magiging future-in laws mo" sagot ko
"Aray" bigla namang sumigaw si Blue
"Anong nangyari?" Na ikina-panic ni Tristan
"Langgam" maikling sagot ni Blue
"Nilalanggam ako sa dalawang 'to" dagdag pa niya
At nagtawanan naman kami dahil doon,
5:30pm nandito kami ni Green sa condo ko, natutulog siya sa tabi ko ngayon pinatulog ko kasi talaga siya dahil pupunta kami sa Moon Bar mamaya, ipinikit ko ang mga mata ko pero wala akong balak na matulog.
I just wanna thank god for giving me the best gift ever, si Green lang naman ang palagi kong pinagdarasal sa kanya and finally this time ibinigay niya ito, sobra sobra na yung blessings na ibinibigay niya sa akin, kaya hangga't nabubuhay ako iche-cherish ko ang bawat araw na magkasama kaming dalawa ni Green.
End of Chapter 19
YOU ARE READING
Falling Inlove with Him (BOSSNOEUL Full Story) COMPLETED
RandomTwo stories, same title but different stories.