Green's POV
Tapos na ang klase namin at hinatid ako ni Red sa amin,
"Dad, Pa?" Tawag ko sa aking mga magulang
"Anak" tawag nila sa akin nang maabutan ko sila sa kusina
"Hello po Tito, good evening po" bati sa kanila ni Red
"Good evening, maupo na muna kayong dalawa malapit na akong matapos magluto dito ka na din matulog Red " utos sa amin ni Papa
Umupo naman kaming dalawa ni Red sa tapat ng upuan nila Dad,
Masaya kaming kumakain habang nagku-kwentuhan nang biglang tumawag si Kuya sa akin.
"Hi Kuya" bati ko agad sa kanya
"Hi Green, kumusta kayo? Nasa bahay ka?" Tanong nito
"Opo, hinatid ako ni Red, syaka dito siya matutulog" sagot ko
"What? Pumayag sila Tito na dyan matulog si Kuya?" Tanong ni Silver
Gulat pa ako dahil bigla itong lumitaw sa kung saan,
"Magkasama kayo?" Sabay na tanong namin ni Red
"Nagkita lang kami Kuya" sagot naman ni Silver
"Ganun ba?" Tanong ni Red
Nang matapos kumain ay kami ng dalawa ni Red ang naghugas ng mga pinagkainan, dahil nagpa-pahinga na sila Dad.
Pagkatapos ay umakyat na kami sa taas,
"Ikaw na muna ang gumamit ng banyo Red" utos ko sa kanya,
Pagkasabi nun ay lumabas ako sa terrace at nagpa-hangin,
Hindi ko pa rin lubos maisip na sobrang dami na rin pala talaga ng nangyari, nag-hiwalay kami ni Gun, malaya na ako sa kanya, naiiyak ako habang inaalala ko yung mga pinagsamahan naming dalawa ni Gun, unti unting tumutulo yung luha ko, habang umiiyak ay may bigla nalang yumakap sa akin mula sa aking likuran, hinalikan nito ang aking leeg.
"Green, where have you been? Kanina pa kita hinahanap" sabi niya
Humarap ako sa kanya at pinunasan nito ang luha na tumutulo sa aking mga pisngi.
"What happened to you?" Tanong nito
"Why are you crying My Sunshine?" Tanong niya ulit
Niyakap niya ako, at nararamdaman ko na nababasa ng tubig yung damit ko, pagkakalas ko sa yakap ay nakita kong umiiyak na rin si Red,
"Oh bakit ka umiiyak?" Tanong ko naman sa kanya
"Ikaw kasi umiiyak ka eh, bakit ka ba umiiyak?" Tanong niya
"Sobrang thankful ko lang kasi ever since nakilala kita never mong hinayaan na masaktan ako, nagsisisi din ako na sana umamin ako noon sana tayo pa rin hanggang ngayon, hindi ko sana mararanasan lahat ng mga pain na naranasan ko kay Gun" sagot ko
YOU ARE READING
Falling Inlove with Him (BOSSNOEUL Full Story) COMPLETED
RandomTwo stories, same title but different stories.