Chapter 17: Just Being Friendly

72 3 0
                                    

Red's POV

"Magpahinga ka muna Green" utos ko sa kanya

Hiniga nito ang ulo niya sa balikat ko at ipinatong ko ang jacket ko sa likod niya habang hawak hawak ko ang kamay niya,

Maya-maya ay unti unti nang nagsisidatingan ang mga estudyante at ganun din si Black,

"Alagang alaga ah" pang-aasar ni Black sa akin nang makita niya na natutulog sa balikat ko si Green

"Syempre papakawalan ko pa ba 'to?" Sabi ko sa kanya,

Maya-maya ay nagising na si Green at sakto naman na pumasok na si Prof at inutusan kami nito na mag-introduce yourself kaya yun ang ginawa namin,

Kaming tatlo nalang nila Green ang hindi pa nakakapag-pakilala kaya isa isa na kaming tumayo na tatlo, hindi na kami umalis sa pwesto namin dahil yun ang utos ni Prof

"Green Novsamrong Suansri" pakilala ni Green sa sarili

"Black Puttha Sumettikul" pagkasabi ay umupo na agad si Black at tumungo antok na antok pa siguro 'tong mokong na 'to,

"Red Wattanagitiphat Romsaithong, 21 at Boyfriend ni Green" pagkatapos kong sabihin yun ay nagsitilian naman ang lahat at nang tingnan ko si Green ay sobrang pula ng kanyang pisngi,

"Ano ba yan Red? Bakit may paganun?" Tanong nito

"Syempre para alam ng lahat na pagma-may-ari mo na ako" sagot ko

Habang nag-aasaran kami ay bigla namang sinabi ni Prof na meron kaming bagong kaklase, inutusan niya ito na ipakilala ang kanyang sarili na agad niya namang ginawa at pagkatapos nun ay pinaupo na siya ni Prof,

"Hi," bati ni Green sa bago naming kaklase, sinenyasan pa niya ito na umupo sa bakanteng upuan sa harap niya,

"I'm Green, and this is Red, my boyfriend, yung nasa tabi naman ni Red, siya si Black, pinsan ni Red" kinalabit ni Green yung bago at nagpakilala

"Hi, Red nga pala, hoy Black, Black tumayo ka nga d'yan kanina ka pa naka-tungo nand'yan na si Prof" sigaw ko kay Black, sakto naman at biglang nagmata ang kanilang mga mata, at mahahalata mo ang gulat sa kanilang dalawa,

"Cute niya noh?" Sabi ni Green sa akin ang tinutukoy niya ay yung bago naming kaklase

Blue nga pala ang pangalan ng bago naming kaklase,

"Eh di dun ka na" pagtataboy ko sa kanya,

"Awww, sorry hindi na, naku-cutan lang naman ako sa kanya kasi mukha siyang koreano eh, at syaka wag kang mag-alala hawak na kita, ngayon pa ba kita papakawalan?" Sabi ni Green

Wala na, finish na, natamaan na,

"Oo na," yun nalang ang nasabi ko dahil bigla bigla nalang sumigaw si Black,

"Get your hands off of him" sigaw ni Black

"Mr. Black ano na naman ba yun?" Tanong ni Prof sa akin

"Wala po Prof" sagot ni Black

"Pwede ko na bang ituloy?" Tanong ni Prof, kanina pa kasi napuputol ang pagle-lecture nito

"Opo sorry po ulit" sagot ni Black

Nakita ko na nakatulala si Black kaya naisipan ko itong pagtripan, kinalabit ko siya pero hindi niya ako pinapansin

Falling Inlove with Him (BOSSNOEUL Full Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now