Green's POV
@GeminiClub
Nandito kaming dalawa ni Silver sa Gemini Club, planning our revenge for Gun, my ex, ex ko na siya ngayon, bwiset siya, sinayang niya yung 7 years na pinagsamahan namin, humanda siya sa'kin.
"Hey Baby are you okay?" Tanong sa akin ng kaibigan kong si Silver
"Yes i'm okay" maikling sagot ko
"Let's do this" pagkasabi nun ay tumayo na ito at naglakad patungo sa direksyon ni Gun at ng mga tropa niya
Sumunod ako sa kanya, at nagulat pa si Gun nang makita ako nito, mabilis niya namang tinabig ang kamay nung lalaking katabi niya, mukhang yun pa ang bago niya.
"What is the meaning of this Gun?" Tanong ko
"Green? Let me explain" saad nito
"Gun, hindi pa ba talaga sapat sayo lahat ng mga binigay ko? I've given you everything i have, all the love, all the money that you need, i even helped you nung pinalayas ka sa inyo ng mga magulang mo, and hindi ka pa nakuntento sinasaktan mo ako sa t'wing bored ka, sabihin mo nga sa akin, do i really deserve all of it? All the pain and hatred? Sumagot ka Gun" sigaw ko habang kinu-kwelyuhan ito sa harap ng mga kaibigan niya
"Oo nga pala wala ka namang ibang alam gawin kung di manakit ng mga taong walang kalaban laban, ngayon mo ako saktan, kasi hindi na ako natatakot, dahil wala naman ng mawawala pa sa akin pero sayo, hindi lang isa ang mawawala, lahat ng nasa iyo sisiguruhin ko na mawawala, at alam mo ba, nagsumbong na ako sa parents mo, ang sabi ko yung magaling nilang anak ay walang ibang ginawa kung di saktan ako, it's been 7 years, 7 years akong nagtiis sayo, 7 years akong nagtiis sa pananakit mo sa akin at sa panloloko mo, at ito? Itong lalaking 'to ang ipapalit mo sa akin? Edi magsama kayo tutal mas bagay naman kayong dalawa, at oo nga pala mas better siguro na maghanap ka na ng trabaho para buhayin mo yung sarili mo kasi once na tumalikod ako sayo at lumabas ako sa pintong yan, hindi ka na makakabalik pa sa inyo" saad ko
"Green, Love please forgive me, i swear i won't do it again, i won't cheat on you again, i won't hurt you again please give me a second chance Love please" pagmamakaawa nito pero bago pa ako makapag-salita ay hinila na ako ni Silver palabas ng Club
Too late Gun, i've given you everything, wala akong ibang ginawa kung di ang mahalin ka pero ito pa ang igaganti mo, i swear, i'm gonna make sure na hinding hindi kita patatawarin kahit na lumuha ka pa ng dugo...
"Baby you okay?" Tanong nito
"Kanina pa kita kinakausap pero di ka sumasagot" dagdag pa nito
"Y-yes, i'm okay, ahm Silver, pwede bang iwan mo muna ako?" Hindi ko na ito hinintay na sumagot naglakad na ako ng mabilis palayo sa kanya, habang naglalakad nakarating ako sa isa pang Club na malapit dito, pumasok ako at nagpasyang uminom, at yun na nga ang ginawa ko,
Uminom ako hangga't hindi ako nalalasing and while drinking i suddenly received a call from Vex, my brother, for sure pagagalitan na naman ako nito, sigurado ako na alam niya ng wala na kami ni Gun kaya ito tumatawag kasi hindi naman ito kailanman nagkaroon ng time na tawagan ako just to make ask if i'm okay...
"Hello?" Sagot ko sa tawag
"Green ano ka ba namang bata ka ha? Ano na naman bang kalokohan ang pinaggagawa mo? Bakit ka nakipaghiwalay kay Gun? Do you know how much he loves you, right?" Bungad nito sa akin
Tama nga ako, sesermunan niya lang ako kaya bago pa masira yung eardrums ko eh pinatay ko na agad yung tawag, all of my life wala akong ibang ginawa kung di ang sundin sila, si Daddy, si Papa at si Kuya wala silang ibang ginawa kung di i-pressure ako na pakasalan ko si Gun kahit ayaw ko naman nung una, pero habang tumatagal nahuhulog na rin ako sa lokong yun, hindi ko alam kung anong pinakain niya sa pamilya ko at gustong gusto nila si Gun para sa akin, well, maybe because of our business, business partners kasi ang parents naming dalawa ni Gun,
So ayun na nga, kapapatay ko lang ng tawag, nang biglang tumawag muli si Vex...
"Ayos kang bata ka ha, bakit mo ako pinatayan ng phone ha? Humanda kela Daddy, isusumbong kita," pagbabanta nito
"As if matatakot pa ako, lahat ng gusto niyo sinunod ko kahit alam kong hirap na hirap ako na gawin yung mga bagay na yun" sagot ko at pinutol ko na ang tawag, pinatay ko na rin ang phone ko para hindi na niya ako ulit matawagan,
Nakakailang bote na ako, so i decided to go home na, pero paglabas ko sa Club bigla namang bumuhos ang malakas na ulan at saka ko lang naalala na hindi ko nga pala dala yung kotse ko, kaya tumakbo ako nang tumakbo, nagbabakasaling may masasalubong akong taxi, pero wala at nung patawid na ako nagulat nalang ako nang may biglang bumusina ng malakas saka ko lang napagtanto na may paparating na pala na kotse sa direksyon ko at ano mang oras ay masasagasaan na ako, ayoko pang mamatay pero kahit anong gawin ko ayaw gumalaw ng mga paa ko, kaya hinintay ko nalang na tamaan ako ng sasakyan, pero bago pa yun mangyari ay may biglang humila sa akin, kitang kita ko sa mukha nito ang takot at kaba, at kahit lasing ako at nahihilo, kilala ko pa rin kung sino yung lalaking yun, it was Red, Silver's brother...
"Are you crazy? Why do you want to end up your life?" Galit na sigaw nito sa akin
"Halika nga dito" hinila niya ako patungo sa kotse niya na naka-parada sa may gilid ng kalsada
Pinaandar niya ang sasakyan niya at hinayaan ko lang siya na dalhin ako sa kung saan, pero kahit saan naman niya ako dalhin wala akong pakialam, hindi rin naman ako hahanapin ng parents ko...
Huminto kami sa isang condo, it was his condo...
"Pasok ka" agad ko namang ginawa ang utos niya
Pagkapasok sa kwarto humiga agad ako sa kama nito, sanay naman na ito sa akin dahil lagi kami dito ni Silver, pero may isang bagay lang talaga ako na ipinagtataka yun ay kung bakit ang bait bait nito sa akin, hindi nga ako naniniwala sa iba na playboy siya at manloloko, dahil wala ng mas sasama pa kesa kay Gun...
End of Chapter 13
YOU ARE READING
Falling Inlove with Him (BOSSNOEUL Full Story) COMPLETED
RandomTwo stories, same title but different stories.