Chapter 4: Maling Phone

107 4 0
                                    

Blue's POV

6am nang magising ako dahil sa ingay ng cellphone ko, may tumatawag, hindi ko masyadong makita kung ano yung pangalan na naka-register dahil inaantok pa yung mata ko kaya sinagot ko nalang ito kahit nakapikit pa ako,

"Hello?" Pagsagot ko sa tawag

"Babe, good morning" sagot sa akin nung babae sa kabilang linya

"Good morning, who is this?" Tanong ko sa babae

"It's me Jeya, nakalimutan mo na ba agad ako Black? Two years palang ang lumipas nakalimutan mo na ako?" Tanong niya, Teka wait, Black?

"Black? " Gulat na tanong ko kaya napabangon ako, kahit nakayakap pa sa akin si Black

"Yes Black, Hindi ba 'to si Black? Sa pagkakatanda ko kasi number ni Black yung tinawagan ko eh, bakit Ikaw yung sumagot? Who are you?" Tanong nito sa akin, Oh Shoot!

Sa sobrang gulat ko napilitan akong idilat ang mga mata ko para tingnan kung sino ang tumawag at para rin tingnan ang cellphone na hawak, sa laking gulat ko muntik ko ng maitapon yung cellphone ni Black, Oo cellphone ni Black yung hawak ko, Hindi ko alam kung pa'no ko yun nabuksan kahit may passcode siya,

"I-im s-sorry M-miss," nauutal na sagot ko at pagkatapos nun ay pinatay ko na ang tawag

Buti nalang tulog na tulog pa rin si Black sa tabi ko, natulog ako ulit dahil maaga pa naman, balak ko sanang gisingin si Black para sabihin kaso nagbago isip ko, kaya humiga nalang ako ulit at niyakap si Black hanggang sa makatulog,

"Blue, i love you" biglang sabi ni Black na ikinagulat ko

"I love you too Black" after that lumakad ito palapit sa akin at hinalikan ako, pero bigla siyang nawala, naramdaman ko nalang na kinakalabit na pala ako ni Black, shit bad dream

"Ayos ka lang ba Blue?" Tanong sa akin ni Black

"Oo bakit?" Tanong ko

"Kanina pa kasi kita ginigising, it's already 8am kumain ka na ng breakfast at uminom ng gamot para tuluyan ka ng gumaling" utos nito

"Opo" sagot ko

"Sumabay ka na sa akin sa pagpasok" utos nito

Maya-maya biglang pumasok si Kuya Nathan, "Opps sorry for disturbing, i just want to say na Blue mauuna na ako sa'yo may kailangan pa kaming gawin ni Zach sa school" pagpapaalam nito at umalis na

"Looks like i don't have a choice, Black alis na tayo" pag-aaya ko

"Maaga pa, bakit kaya hindi ka muna sumama sa akin na mag-exercise" pag-aaya niya

"No way, ayoko nga," sagot ko

"Bahala ka, d'yan ka na muna" pagkasabi nun ay lumabas na ito ng kwarto

Kaya naisipan ko din na maglakad lakad sa bahay dahil wala naman sila Tito Blaze at Tito Bryce busy siguro sa business, pagbaba ko nakita ko pa si Black na nagwo-workout kaya umalis ako at napadpad ako sa maliit na dance studio dito sa bahay, sakto naman na dalawa lang kami kaya napag- desisyunan kong sumayaw...

Sumayaw lang ako ng sumayaw hanggang sa mapagod ako, paglabas ko nakita ko na si Black nagpaalam siya na magbibihis na kaya naligo na rin ako, matapos iyon ay sabay na kaming lumabas para umalis, nasa school na kami nang makita namin sina Green at Red kaya nagsabay-sabay na kami sa pagpasok, malayo pa kami sa room nung biglang tawagin ng isang babae si Black, kaya napalingon kami sa kanya at dahan dahan siyang naglakad palapit sa amin...

"Black" tawag nung babae kay Black niyakap nito si Black

"Jeya?" Tanong sa kanya ni Black

"Yeah it's me Jeya, Natasha Jeya Smith" sagot nung babae

"Kelan ka pa umuwi? Bakit hindi ka man lang nagsabi para nasundo kita?" Tanong ni Black sa kanya

"But as I remember I called you earlier, I think it's exact 6am, but you're not the one who answered, a boy answered the phone for you, I think kagigising nga lang niya eh kasi parang naalimpungatan pa siya dahil nagulat pa siya nung tinawag ko siyang Black, pinatayan niya pa nga ako eh" sagot nung babae

Oh no! What have you done Blue? Yare, bakit kasi hindi ko sinabi kay Black na may tumawag sa kanya? Eh bakit kasalanan ko ba na napagkamalan kong cellphone ko yung phone niya?

End of Chapter 4

QueenMaven's Note: Sorry kung hindi ako nakakapag-update everyday, medyo nagkasakit lang and dumagdag pa yung Red days, so yeah, pipilitin kong makapag-update everyday, para sa inyo or para sa'yo 😉😉😉😉

Falling Inlove with Him (BOSSNOEUL Full Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now