Nandito kami ngayon nina Silver at Red sa Moon Bar, nag-aaya kasi si Black na uminom, anyways ito yung Bar ni Kuya Zach ang Kuya ni Black na pinsan naman ni Red.
"Uy Red" bati ni Black sa pinsan
"Opps teka bakit kasama niyo 'tong si Green? Pinayagan ba yan ni Gun?" Oo kilala ni Black si Gun, actually magkakakilala silang tatlo, si Gun, Black at Red kasi eh parehong racer, at alam din ni Black na boyfriend ko si Gun pero hindi niya alam na wala na kami,
"Wala na sila, kasi-" pinutol naman ni Black ang sasabihin ni Silver
"Kasi sila na ng kuya mo, tama?" Tanong nito
"Wait you knew?" Tanong ko
"Pinsan ko kaya si Red" sagot nito
"Oo nga pala," sagot ko
"Baby want some drinks?" Pag-aaya ni Silver,
Inabutan ako ni Silver ng baso na may lamang wine pero kinuha yun ni Red,
"Not now Silver, may pasok kami bukas, baka malasing siya" sabi pa nito
"Ano ba yan eh, ngayon na nga lang ulit iinom, pinagbabawalan pa, syaka aalis kami bukas ni Vex pupunta kami sa Thailand ilang araw pa bago kami ulit magkita tapos ayaw mo pa siya payagang uminom" nakasimangot na sabi ni Silver
Bukas kasi ang alis ni Kuya at Silver papuntang thailand, si Kuya kasi ay aasikasuhin niya yung company namin doon, si Silver naman ganun din pero dun naman kasi talaga naka-base yung parents nila, umuuwi lang yung mga everytime na may free time sila, at syaka kilala na din ako ng parents nila kasi minsan sinasama ako doon nila Silver sa thailand, super close nga kami nung Papa nila eh, sobrang bait kasi ni Tito Apo,
"Kuya Zach?" Tawag ni Silver kay Kuya Zach ang pinsan nila na kuya nga ni Black,
"Kayo pala, anong ginagawa niyo dito? May pasok kayo bukas ah" tanong nito
"Si Black po nagaaya at syaka pa-farewell party namin kay Silver at Vex, bukas na kasi ang alis nila pa-Thailand" sagot ni Red
"Oo nga pala nasaan si Vex bakit kayo lang nandito?" Tanong ni Kuya Zach
"Ayan na pala siya Kuya Zach" sagot ni Silver
"Kuya Vex?" Tawag ko sa Kuya ko at tumakbo ito palapit sa amin
"Green, Zach, Silver, Red, pasensya na na-late ako, nag-empake pa kasi ako, tapos dinala ko sa unit at syaka nag-paalam na din ako kela Daddy" paghingi nito ng paumanhin
"Okay lang oh pa'no dito na muna kayo ah, may mga kasama kasi ako eh, oo nga pala si Black?" Tanong nito
"Nand'yan lang po sa tabi tabi kuya" sagot ni Red
"Sige iwan ko na muna kayo ah" pag-pa-paalam ni Kuya Zach at umalis na
At nakita nga namin si Black na naka-upo sa isang table na may kausap na isang lalaki, at nang dumating ang kasama nito ay tumayo na si Black, at bumalik sa pwesto namin.
"Sino yun Black?" Tanong ni Red
"Future Boyfriend" sagot nito
Alam ko na 'to, isa na naman siya sa mabibiktima ni Black, kawawang bata.
"So bakit ka nga pala nag-aya na uminom ngayon ha Black?" Tanong ni Red
"May bisita kasi sila Dad ngayon" sagot nito
YOU ARE READING
Falling Inlove with Him (BOSSNOEUL Full Story) COMPLETED
RandomTwo stories, same title but different stories.