Simula

15.6K 349 10
                                    

Pinarada ko ang sasakyan hindi kalayuan sa isang kindergarten school. Dinala ako rito ng GPS na sinusundan ko habang tina-track ang magaling kong kapatid


Nial is my twin brother. And my only brother. Ang lalaking out of all the faces- mukha ko pa talaga ang ginaya n'ya. We're identical twins. Kaya noong mga nag-aaral pa kami ay hindi ko maiwasang masangkot sa gulo dahil sa unggoy na 'yon.


Lage akong nadadawit sa gulo na kinasangkutan naman ng kapatid kong trouble maker. Tipong gusto ko ng tahimik na buhay pero binigyan ako ni Lord ng kapatid na tahimik kapag may kasalanan. Kaya ako lage napapagalitan. Ako lage ang grounded.


Ngayon na matanda na kami at nag kan'ya kanya na. Hindi pa rin nagbago ang unggoy. Kaya nga nandito ako ngayon at sinusundan s'ya. I'm suspicious about my brother's whereabouts. Kasi noong kauuwi ko pa lang ng Pilipinas which is a week ago, kinabukasan nang araw na yon may natanggap akong death threat from unknown person at naka address ito sa condo ko ngunit nakapangalan kay Nial ang receiver.


Napaka gago parin talaga ng taong yun! nabulalas ko noong unang araw na naka tanggap ako ng D.T


Oo, unang araw. Dahil may sumunod pa. Araw araw may panibagong death threats sa labas ng condo ko. Para akong nag almusal ng death threats. Ang unggoy na 'yon.


Linggo ang lumipas simula noong unang araw na nakatanggap ako ng threats. Kaya sa pang-walong araw, naisipan ko nang imbitahan ang kapatid ko sa unit ko. At first sinabi niyang busy raw s'ya kaya hindi n'ya mapauunlakan ang imbitasyon ko. Ngunit kinagabihan ay dumating ang unggoy. Which is last night.


I invited him last night hindi para mag tanong sa kan'ya about the death threats, kundi ay para kusa kong malaman kung ko ano ang ginagawang kagaguhan nitong kapatid ko. Kasi kung magtatanong din lang ako, hindi iyan sasagot ng matino.


Last night, nag inuman lang kami. That was our first bond after years of not seeing each other. Nasa ibang bansa kasi ako for 6 years habang s'ya ay nagpa-iwan rito sa Pilipinas. Nasa abroad rin ang parents namin. So as we were drinking and talking about our life, hindi ko maiwasang mapansin ang kakaiba sa kapatid ko.


6 years but he's still bad at hiding something from me. Psh! Natawa na lang ako nang successful kong malagyan ng tracker ang cellphone niya habang nagkukwentuhan kami. Hindi lang bat at hiding secret ang kapatid ko, medyo tanga tanga rin.


Dahil sa tracker na nailagay ko sa cellphone ni Nial, I now know his whereabouts. Kaya ngayon ay nasa isang kindergarten school ako. Kung saan ako dinala ng tracker na nasa cellphone ni Nial.


Ngayon hinahanap ng mga mata ko ang kapatid. Inilibot ko ang paningin sa paligid, dito nakaturo ang tracker kaya ako nandito. Bakit kaya nandito ang kapatid ko? Kailan pa naging teacher ang unggoy na 'yon?


Habang inililibot ko ang paningin, hindi na muna ako bumaba sa kotse. Kaya rin siguro hindi ko pa mahanap ng maayos ang kapatid ko.


'Tanga tanga ko rin 'no?' bulalas ko sa aking sarili.


Bababa sana ako ng sasakyan ngunit natigilan ako nang may mahagilap ang aking mga mata. Sa kabaliwan ko, kahit alam ko nang napatulala ako sa aking nakita ay hindi ko pa rin itinigil ang pagtitig. Nanatili akong parang na estatwa at nakatitig lamang sa isang pigura.


Tinitigan kong mabuti ang isang babae. She went inside the kindergarten classroom. Kahit hindi ko na s'ya nakita ay nakatulala pa rin ako sa pintong pinasukan n'ya. Hinihintay ko s'yang lumabas mula sa silid na iyon.


Baby DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon