Kabanata 4

6.2K 183 15
                                    

Muntik na akong sumuko at sabihin nalang sa kan'ya na hindi ako si Nial just because I don't know their house address.


Pero sa kabutihang palad, gumana nang maayos ang utak ko. I realize I could ask her the home address without actually asking for it.


I mean, my car navigator could possibly help. The GPS!


Right?


Napag-isipan ko na ang mga sasabihin. I just need to act believable.


Kaya umakto akong naka focus sa kalsada habang nagmamaneho.


“Psyche, pasuyo,”


Agad na bumaling sa akin ang atensyon ni Psyche mula sa kanyang cellphone.


“Pasuyo ng alin?” aniya.


Ito na. Sisimulan ko na.


“Palagay naman ng address natin sa navigator. Madilim na kasi, I'll rely on it nalang,” pag akto ko.


Hindi ko matingnan si Psyche, but I knew she's confused.


But thanked God she didn't ask questions after my words. Sinunod n'ya lang ang sinabi ko saka s'ya bumalik sa pag kalikot ng kan'yang cellphone. I bet she's monitoring the kids.


Lihim kong sinulyapan ang GPS ang there it is . . naroon na ang ang mapa ng pag asa.


Phew! That was a close call. Problem solved!


Mabilis at maingat akong nag maneho habang sinusundan ang tinuturo ng navigator. Gusto kong mag saya nang kalaunan ay nakarating na kami sa destinasyon namin.


Agad na bumaba si Psyche. “I'll open the gate,” aniya.


Sasabihin ko sanang huwag na pero naisara na n'ya ang pinto ng sasakyan.


Pagkabukas n'ya ng gate, she gave me a sign na pwede nang ipasok ang sasakyan, and so I did. Buti nahagilap ko agad ang parking space. Mabubuking talaga ako kapag pati parking space, itinanong ko pa kay Psyche.


“Nasa kuwarto na raw ang mga bata ani Cella. Hindi s'ya umuwi kasi hindi pa raw tayo nakakarating,” pagkausap ni Psyche sa akin habang papasok kami sa bahay.


So, Cella is the kids' babysitter's name? Hmm another information.


Nakasunod ako kay Psyche ngayon, bitbit ko ang mga pagkaing binili namin kanina.


Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay, kinilatis ko agad ang paligid, kasabay na rin ng pag memorya sa mga ito. Bawat sulok pinasadahan ko ng aking tingin.


Not bad. Maganda ang interior design— aesthetically pleasing. It doesn't scream expensive vibe but it introduces what home feels like.


Kaya trigger na naman ako sa gago kong kapatid. Paano n'ya nagagawang mag clubbing even after having this kind of life?


God! To live with a very beautiful woman, in a house that indeed feels like home, with two kids. What a lucky bastard!


Bakit ba s'ya ang paborito ng panginoon? Gaano ba ako kasama dati na ganitong pang-iinggit ang parusa sa akin?


“You looked mad. Didn't you like the new couch I purchased?” boses ni Psyche ang pumukaw sa akin.


Then I realized I have been staring at a couch with my forehead creased.


I blinked. “S-sorry, I didn't mean to look mad— and I'm not mad” Isa isa kong inilapag sa center table ang bitbit kong pangkain.


Ngumiti si Psyche. “I know you're not. You literally give that face every now and then. Sanay na ako,” she said, almost laughing. “Tara sa taas? Nasa taas sila,” aniya at naunang maglakad.


Tumango ako at sumunod sa kan'ya. Kakasunod ko kay Psyche, nagmumukha na akong aso na attached sa amo.


‘Nagagawa nga naman ng pag-ibig,’


Shut up, brain!


“I actually like the couch you purchased,” nasabi ko bigla habang nasa gitna kami ng pag akyat patungong second floor.


Nilingon ako ng namumulang mukha ni Psyche. “Talaga? Maganda ba?” 


I nodded. ‘Siyempre maganda 'yong pumili.’ tahimik kong sagot.


‘See? Marupok tayo, aminin!’

Hindi ko na lamang pinansin ang isip kong desisyon sa mga iniisip ko. I'd just focus on what's in front of me.


May biglang inabot si Psyche sa akin.


“Card mo nga pala ang ginamit ko nung binili ko yung couch. Thank you!” Inabot n'ya sa akin ang isang credit card and she run out of my sight after I get it from her hand.


Hindi ko s'ya napigilang tumakbo dahil nagulat ako sa credit card na inabot n'ya. And she was laughing as she left me alone in the middle of the stair.


I flipped the card para basahin ang harapan nun. Nial Montellano.


I smirked. Akala ko naman kung kaninong credit card na. Sa gagong yun lang pala.


Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon but first and foremost, I actually want to laugh.


I think I should give this back this to Psyche and tell her to spend more using this card. Hahayaan ko s'yang ubusin ang laman nito.


Am I thinking evil? Ofcourse I'm not— maybe I am . . just a lil bit. This is just a small revenge to my brother.


And also, ako si Nial ngayon. Psyche would just think I am spoiling her. Huwag lang talaga munang magpakita ang gagong yun.


I am still enjoying this act. Huwag muna s'yang umepal. Ako muna ang masaya ngayon.


“Come on boys. Daddy's here..”


Narinig ko ang boses ni Psyche. I also heard small footsteps coming my way.


Parang tinambol ang puso ko sa isiping makikita ko nang malapitan ang mga anak ng kapatid ko.


“Daddy!” sigaw ng maliit na boses.


Nang makita ko s'ya, malaki ang bitbit n'yang ngiti habang tumatakbo papunta sa akin. Good thing I have rehearsed some words in my mind earlier. Alam ko na ang gagawin at iaakto. I would simply greet them and act like their dad.


Let's act believable, Nova!


“Hey kiddo!” I smiled and squat to level my face with the kid.


Excited akong kargahin s'ya ngunit nang gagawin ko na ay bigla s'yang nakangusong umaktras palayo sa akin.


Nawala rin ang ngiti niya at napalitan ng kunot ng noo. Kumunot na rin ang noo ko dahil parang ayaw na n'yang lumapit sa akin. Tiningnan ko si Psyche nang makalapit na s'ya at karga n'ya ang isa pang bata.


Just like the other one, he seem to not want to come near me kaya siguro karga s'ya ni Psyche dahil ayaw n'ya akong puntahan.


Why?


“Hey baby,” I tried to sound more like my brother although hindi ko alam kung paano talaga si Nial sa kanila. I am atleast trying my best.


But they seem to not buy my act. Nagsimula lang silang umiyak at yumakap kay Psyche

Why? Did they felt strange around me and then found out I'm not their dad? Ramdam ba nila 'yon? Am I not believable?


I know my acting sucks but . . is it not enough?


Baby DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon