Kabanata 8

5.2K 151 8
                                    

Akala ko po umalis ka na naman to look for mom.


Hindi na umalis sa isip ko ang mga katagang yan kahit pa ngayon na tapos nang mag agahan ang dalawang bata at nakapag handa na rin para pumunta ng skwelahan.


Lumabas na kaming apat. Nagmukha kaming isang masayang pamilya pero hindi ko masyadong inisip 'yon. I had a lot of things to overthink.


Gaya n alang ng sinabi ng bata kanina na nakilala kong si Priv. Iyong naunang gumising naman ay si Pres. Palihim na ipinakilala sila sa akin ni Psyche.


Nalilito pa rin ako sa kanila pero mamaya ko na poproblemahin yan dahil iniisip ko talaga ang sinabi ni Priv. Their dad is looking for their mom? Ibig sabihin, Psyche's not their mom?


Naguguluhan na ako! Bakit ba kasi nagdadalawang isip pa akong magtanong kay Psyche? Ang sakit tuloy sa ulo kaka-overthink.


“Ang lalim ng iniisip mo ah?” boses ni Psyche.


I looked at her. Bitbit n'ya ang lunch box ng dalawang bata. Kinuha ko iyon sa kanya sabay umiling to tell her na wala lang itong mga iniisip ko.


Suminghap s'ya at bumuntong hininga. Sumunod siya sa akin na naglakad patungo sa parking lot ng bahay.


“Pasensya ka na kung nadamay pa kita dito ah? Hindi ko kasi makontak si Nia-


“It's okay..” sagot ko agad para pigilan s'ya sa pagsasalita dahil nasa harap lang namin ang mga bata at hinihintay kami sa labas ng sasakyan. Matatalino pa naman ang mga ito kaya madaling nila naka-catch up ang mga pinag-uusapan namin ni Psyche.


“Dad, you bought a new car?” Namamanghang pinasadahan ng tingin ni Priv ang kabuoan ng sasakyan ko. I'm sure this is Priv, dahil matured ang tono n'ya kung mag salita. “Cool!” komento n'ya pa sa sasakyan ko.


Nakarinig kami ng tawa. Nagmumula ito kay Pres kaya napalingon kami sa kan'ya. Nanlaki ang mata ko after I saw him na naka angat. Napasinghap naman si Psyche at agad dinaluhan ang bata na nakakumbitay sa side mirror ng sasakyan ko.


Tumawa naman ang kapatid nitong si Priv sa ginawa n'ya. Nag apir silang dalawa ng kambal. Si Pres pala ang makulit sa dalawa samantalang si Priv ay simpleng tatawa lang sa ginagawang kalokohan ng kapatid. Manang mana sa tatay nila.


“Dad, your car is really pretty and comfy. Can I have this when I turned six?” excited na tanong ni Priv. Papunta na kami ngayon sa pinapasukan nilang school.


“No..” agad na kontra ni Pres. Tinuro n'ya pa ang sarili gamit ang maliit nyang pointing finger. “Dad will give me this car because I'm the first one to turn six.”


“No no, we have the same birthday. But this car will be mine!”


“Nooooo, this is mine!”


Natawa na lang ako sa kanilang dalawa.


“Ano bang pinaglalaban n'yo? Hindi n'yo pa nga abot ang manibela, inaangkin n'yo na agad.” Nilingon ni Psyche ang dalawa.


Natahimik ang mga ito kaya sinulyapan ko sila sa review mirror and their I saw na hindi pa pala sila tapos mag argue. They're just silently pointing their selves like telling each other kung para kanino ang sasakyan.


Psyche just chuckled dahil wala syang magawa sa dalawang batang nagtatalo sa sasakyan ko. Hindi naman ako nagsasalita dahil baka malungkot lang ang dalawa sa sasabihin ko.


I don't wanna break their hearts, because my car is for me alone. Walang ibang magmamay-ari nito dahil pinadala ko pa to mula ibang bansa papunta dito para lang magamit ko pa habang nandito ako sa pinas. I'm sorry but tito Nova won't give his car to anyone.


“Dad, please!” sabay na tumawag ang dalawa kaya nagulat ako.


“Boys, your dad is driving..” ani Psyche at sumulyap sa akin.


Saktong nag red light kaya tumigil ako at nagawa kong lingonin ang dalawa. Alam kong hindi sila titigil sa pag tatalo over who's who will have my car so I would just give them the satisfaction they want. Pero hindi ko parin ibibigay ang sasakyan ko sa kanila.


Mga batang 'to..


“Fine, kiddos. I will buy you cars gaya nitong akin but promise me first that you two will be a goodboy forever.”


“But dad, promises are meant to be broken 'di ba?” may sagot agad si Pres sa sinabi ko.


“Right right..” agree naman ni Priv sa kan'ya.


Napalingon ako kay Psyche dahil tumango tango rin s'ya.


Aba! Wala man lang agree sa kondisyon ko? It's not that the kids are not goodboys enough. I just want them to always think about their promise they made before they even do bad things in the future.


Pero mukhang ayaw nila, eh. Nagkibit balikat na lang ako at humarap na sa manibela dahil nag green light na.


“Okay, ayaw n'yo ba? Hindi ko nalang kayo bibilhan,” sabi ko nang nagmaneho na ako ulit.


The boys groan like they didn't like what they heard from me.


“Noooo!” madramang sabi ni Pres.


“Fine,” nagulat ako sa sagot ni Priv “I promise to be a goodboy forever..” pag tanggap niya sa kondisyon ko.


“So, it's a deal, Priv?”


“Yes, dad.”


“How about you, Pres?” si Psyche ang nagtanong sa isang batang ngayon ay nananahimik lang sa isang tabi.


Tiningnan ko ito sa review mirror. Nakanguso s'yang nakatingin sa labas ng bintana. Bakit parang big deal sa batang ito ang mag promise?


“Pres?” tawag ulit ni Psyche sa kan'ya. “Prestige Montellano..” ulit n'ya pa sa pag tawag dito gamit na ang buong pangalan ng bata.


Lumingon ito sa kan'ya. “Tita, I'm a good boy na po..” malumanay nitong sabi na halos pabulong na. “..but I hate promises,” dagdag n'ya na hindi makatingin kay Psyche.


Kumunot ang noo ko. What is inside this kid's pretty little mind? Akala ko nagbibiro lang s'ya kanina about promises are made to be broken. Hindi ko alam na seryoso pala s'ya about it, because he doesn't like swearing.


Anong meron? May nangyari kaya sa kanila na konektado sa mga pangako? That it made him dislike it?


God, this kid is too young to hate promises.


Baby DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon