Kabanata 12

6.3K 172 42
                                    

“Pasok ka. My sons are asleep,” bungad sa akin ng kapatid ko. Andito na ako sa bahay nila.


Sumunod ako sa kan'ya papasok. Nang nasa loob na kami, may dinampot s'ya na kung ano sa couch na nasa sala.


“Here.” Iniabot ni Nial sa akin ang isang paper bag.


Tinanggap ko ito. Hindi na ako nag tanong dahil malalaman ko rin naman kung ano ang laman nun kapag binuksan ko na. Kulay burgundy na damit ang nakita ko nang aking ilabas ang laman ng paper bag.


“For tomorrow. Ganyan rin ang susuotin ng mga bata at ni Psyche,” pagpapahayag ng kapatid ko.


I looked at him. Nakaupo s'ya sa sandalan ng sofa at nakatitig sa hawak kong damit. May dumaang lungkot sa mga mata n'ya kaya hindi ko napigilang lapitan s'ya.


Saka ko inihampas sa kan'ya ang tshirt na hawak ko.


“Aray-


“Ang pangit mo pa rin kapag malungkot ka, dude,” tudyo ko imbes na hayaan s'yang mag reklamo dahil sa paghampas ko ng damit.


Umiling at tumayo si Nial saka nagsimulang mag lakad. “May alam ka naman na siguro sa bahay na 'to 'di ba? Dito ka na galing? Nakatulog ka na rito?” sunod sunod n'yang tanong habang nag sunod-sunuran naman ako kung saan s'ya papunta.


Umakyat s'ya ng hagdan kaya sumunod rin ako.


“Lahat ng tanong mo- yes ang sagot ko,” wika ko.


Biglang tumigil si Nial sa pag lalakad. Nasa kalagitnaan na kami ng hagdan nang lingonin n'ya ako. Seryosong seryoso s'ya na akala mo'y may kung anong matinong sasabihin.


But I knew him better. Mang-gagago lang to.


“Bakit?” I asked saka inunahan na s'ya sa pag akyat sa second floor.


He shrugged nang nilampasan ko s'ya. Sumunod naman s'ya agad sa akin.


“Sabi mo kasi yes ang sagot mo sa mga tanong ko. My bad, I forgot to ask kung mahal mo pa si Psyche,” he laughed.


Sabi na nga ba at hindi matino ang sasabihin niya. Hindi ko na lamang s'ya pinatulan.


I heard him chuckle. “Sa katabing kwarto ng mga anak ko, sa bandang kaliwa nun, doon ang kwarto ni Psyche,” aniya.


“Doon din ang kwarto mo?” seryoso kong tanong.


Inakbayan niya ako. “I already told you, Nova. Magkaibigan lang kami ni Psyche, bakit naman kami magsasama sa iisang kwarto? Praning!”


“Hindi ako praning. I'm just asking. Kasi sabi mo anim na taon kayong magkasama, ni minsan ba hindi kayo-


Natigilan ako sa pagsasalita nang tumigil sa paglalakad ang kapatid ko at nadamay pa ako.


Nilingon ko s'ya.


Nakangiwi s'ya at dahan dahan akong nilingon. “May mga anak ako, dude. Tsaka may girlfriend ako, bakit naman ganyan ang iniisip mo sa akin.”


The information he gave me, hit me.


So may girlfriend pala talaga s'ya gaya ng sabi ni Pres sa akin.


“May girlfriend ka?”


Nial nodded. “Hmm.. kasamahan ko sa trabaho.”


“May tattoo ka rin?” Hindi ko pinansin ang isang impormasyon na sinabi n'ya.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Baby DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon