Kabanata 3

6.4K 180 11
                                    

“Do you want to eat first before going home?”


Psyche's eyes glimmer as she looked at me, and that caught me off guard. Napatitig tuloy ako sa kan'ya.


Alam ko sa sarili kong miss na miss ko na ang babaeng 'to and I gladly accept that fact. Hindi ko ide-deny dahil out of all the pretty girls I know, Psyche is the only one who could make my heart flutter. At hindi nawala iyon kahit ilang taon na kaming hiwalay.


Ngayon nasa tabi ko s'ya and as expected, she's fluttering me.


“Nakikinig ka ba?”


I looked away when I realize that I was already starring at her. “O-oo,” nautal pang sagot ko. “I'm all ear, magsalita ka lang.”


Gusto kong kutusan ang sarili.


Hindi ko talaga narinig iyong mga sinabi n'ya kanina but I don't want to tell her and ask her to repeat everything she said.


Dahil paniguradong magtataka s'ya kung bakit hindi ako nakikinig at nakatitig lang.


Dude, remember you're Nial for now. You're her boyfriend..’ biglang sabat ng isip ko.


Wait, oo nga pala. I could hold her hand and tell her sweet words since I am Nial. Damn..


“Uhm, do you want to eat something first?” tanong ko ulit. I glance at her for just a second bago bumalik ang tingin ko sa harap. Hindi pa nga pala kami naka-alis dito sa parking lot.


I wanted to ask her if she wants to eat dahil baka hindi pa s'ya kumakain— just like me. Nakalimutan ko palang mag dinner kanina bago pumunta ng club.


“Let's just grab some foods and then sa bahay na tayo kumain. The kids are waiting for us..”


Umatras ang dila ko.


Damn it! So she's really living with Nial and the kids?! Ang gagong yun!


Thank God, I got to be him tonight.


Ang swerte n'ya namang binabahay n'ya na pala ang ex-girlfriend ko. Tangnang gagong yun!


Huminga akong malalim to calm my shit down. Hindi na muna ako sasabog. Saka na kapag alam ko na lahat ng mga nangyari at paanong nagawa akong traydorin nang ganito ng kapatid ko.


I sighed. “Fast food?” tanong ko kay Psyche na hindi s'ya tinitingnan. I just started to maneuver my car.


Naramdaman kong gumalaw si Psyche pero hindi s'ya sumagot, kaya napilitan akong lingonin s'ya. Panandaliang tingin lang at nakita ko ang nakakunot n'yang noo.


Hindi pa man ako nakakapagsalita ay inunahan na n'ya ako.


“But you don't want us to eat fastfood dahil hindi yun healthy,”


After hearing her say that, naapakan ko agad ang preno ng sasakyan— right in the middle of the street! Buti nalang talaga at malayo pa kami sa highway, where it's dangerous to just stop the car in the middle of the way.


Tiningnan ko si Psyche at seryoso s'yang nakatingin sa akin.


Does that mean seryoso s'ya sa sinabi n'ya kanina? Na pinagbabawal ni Nial ang fastfood because it's not healthy?


Oh Lord, I'm sorry but I wanted to laugh. Kapatid ko ba talaga yun? Who would expect na may ganitong mindset pala ang gagong yun.


The design is so strict dad.


But the thing is I'm not him. I mean . . totoo namang hindi healthy ang fastfood kung aaraw-arawin, but fastfood is known to be part of every kids' life.


Especially Jollibee.


Yan na ang fastfood na kinalakihan namin ni Nial. Kaya dapat yan din ang kalakihan ng mga anak n'ya.


Hindi naman aaraw-arawin. Just enough for it to be part of the kids' childhood memories.



“Why are we here?” tanong agad ni Psyche nang pumila kami sa drive thru.


“Anong gusto mo?” Hindi ko pinansin ang tanong n'ya. Obvious naman na nandito kami para bumili ng pagkain.


“I-ikaw bahala- sigurado ka ba?”


Napalingon ako sa kan'ya dahil para talagang nag-aalangan s'ya.


Nagagalit ba sa kan'ya si Nial kapag fastfood ang pinaguusapan? Nag aaway ba sila?


Gago talaga ang taong yun ah!


“Sigurado ako pero kung ayaw mo-


“The kids love fries!” aniya. Pinigilan n'ya pa ako sa plano kong magmaneho na paalis. Dahil kung ayaw n'ya, I won't force her.


Napangiti ako at kinuha ang pagkakataon para hawakan ang kamay n'ya na pumigil sa kamay kong nasa manibela. I smiled at her. Akala mo naman talaga aalis kami dito na walang nabibili, eh.


And so I ordered a lot of foods for us. Muntik na akong hindi tumigil sa pag order kung hindi lang pinisil ni Psyche ang kamay kong ka-holding hands ang kamay n'ya.


Gusto kong mangisay sa kilig men!



“Ang dami mong inorder.” Nasa likod ang atensyon ni Psyche at mangha sa dami ng pagkaing na order ko.


Kahit ako nagulantang sa dami.


I decided nalang to give it to other people. Umagree naman si Psyche and she volunteer na s'ya na ang mag abot ng mga pagkain sa mga taong pagbibigyan namin.


We give away 70% of the foods I bought. Nagtira lang kami ng pagkain na sakto sa amin, including the kids.


And speaking of the kids, biglang nag alala si Psyche.


“Gabing gabi na. Uuwi pa naman ng alas otso iyong pinagbantay ko sa mga bata,”


She's worried about the kids and so do I. Sa tono ng boses n'ya, alalang-alala na s'ya. Kaya napagalitan ko tuloy ang sarili dahil ako ang dahilan kung bakit late kaming makakauwi. Kung sana dumiretso nalang kami.


But I got a problem.


This is the reason why I made a delay- I mean, sinadya ko talagang magtagal muna kami at huwag na munang umuwi dahil may isa akong problema.


And I can't directly tell her. I don't know how- since I am just acting as Nial.


Paano ko ba 'to sasabihin . . .


How should I tell her that I don't know their house address?
Paano ko itatanong na hindi n'ya malalamang ako si Nova.


Na nagpapanggap ako.

Baby DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon