Kabanata 5

5.3K 175 3
                                    

Pinanuod ko si Psyche na pinapatulog ang mga bata. Hindi ako nagka chance na kausapin ang dalawa dahil ayaw nilang lumapit sa akin.


Kung anong rason? Hindi ko alam.


“They're asleep. Can we talk?” Nasa harap ko na si Psyche.


I looked at her then to the kids bago ako tumango.





Malalim at mabigat na bumuntong hininga si Psyche. That's the 5th time she sighed like that after we arrived here sa garden.


Nakaupo kaming dalawa sa upuan na nandito. Madilim na kaya hindi ko makita nang maayos ang paligid but enough for me to see na nakaupo kami sa maliliit na upuan.


Ilang minuto na ang lumipas simula nang dumating kami rito pero hindi parin nagsasalita itong kasama ko. Didn't she say we're gonna talk?


“Psyche-


“Nova, pasensya na.” Inunahan n'ya ako.


I was caught off guard hearing her say my name. Like my real name.


“Y-you know?” Titig na titig ako sa kan'ya, tinitimbang ang reaksyon n'ya dahil baka namali lang s'ya ng sinabing pangalan.


Bumuntong hininga s'ya. “Malayo ka pa lang kanina, papalapit pa lang ako sayo, alam ko nang hindi ikaw si Nial,” aniya, hindi makatingin sa akin.


Nag isa ang kilay ko realizing na ako pala ang niloloko n'ya kanina. Sarili ko pala ang ginago ko.


Tatayo sana ako para makahinga ng maayos nang biglang hawakan ni Psyche ang braso ko.


Tiningnan ko ang mukha n'ya. Nakaharap na s'ya sa akin at dahil sa sinag ng buwan, nahagilap ko nang maayos ang mukha n'ya.


“Nova..” She seem like she's about to beg for something.


Dahan dahan kong tinanggal ang hawak n'ya sa braso ko. Tuluyan na akong tumayo at ako naman ang huminga nang malalim.


“You knew all this time but you acted like you don't. Hinayaan mong magmukha akong tanga acting as if I am Nial. Why, Psyche? Bakit?” I can't help but to sound offended. “Siguro kanina mo pa ako pinagtatawanan for what I did.”


Umiling s'ya at tumayo na rin.


“Mali ka, I didn't. I'm actually thankful na nandito ka. Kasi hindi ko na alam ang gagawin ko..” Yumuko siya at bigla s'yang humikbi na nagdulot ng kirot sa puso ko.


“Bakit ka umiiyak?” I managed to ask.


“I'm not,” sagot n'ya at pinunasan ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga palad.


I grab her hands that caused her to look at me. Binitiwan ko s'ya agad at ako na ang nagpunas ng luha n'ya.


Hindi ko kayang makitang umiiyak 'to. Offended man ako pero hindi ako galit. I still care.


“Tell me, why did you drag me here? Magpaliwanag ka at nang maka-alis ako na walang maraming iniisip..” sabi ko sa kan'ya pagkatapos kong tuyuin ang pisngi n'ya.


She pursed her lips, not answering me.


“Psyche, gusto kong malinawan. Are you gonna explain or you want me to leave with full of unanswered questions in my mind?”


Umiling siya at hinawakan ang kamay ko. “Nova, kahit ngayon lang. Saka na ako magpapaliwanag.”


“Anong kahit ngayon lang?” Naguguluhan na ako sa kan'ya.


Binasa n'ya ang kaniyang labi bago ako sinagot.


“Kahit ngayon lang, please, please continue to act as Nial. I need your help. The kids need him.”


Umawang ang labi ko.


“I need you, Nova.”



Baby DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon