Kabanata 11

3.9K 129 23
                                    

Tulala akong nakaupo sa aking kama. Umuwi na ako sa unit ko. Like what I said to Nial, hindi na ako kailangan sa bahay nila dahil naroon naman na s'ya. Hindi rin umubra sa akin ang panunudyo n'ya na baka kailangan pa raw ako ni Psyche.


I hardly believe that. Nasabi na sa akin ni Psyche noong nakaraang gabi pa lang na kailangan n'ya ako para magpanggap na daddy ng mga bata. That's all she told me. Kaya hindi ako mag iisip ng kung ano ano pang rason.


I won't assume.


Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa aking kama at dinampot ang cellphone kong naroon. Saka ako lumabas ng kuwarto. Nagugutom ako.


Kakatapos ko nga rin lang palang maligo. Naka boxer short lang ako ngayon. Tutal ay ako lang naman ang nakatira dito sa condo ko. I'm also comfortable with only wearing boxers.. pero mas komportable sana kung walang suot. Refreshing.


But I respect any ghost in my unit kung meron man. Ayokong ibalandra sa kanila ang kahabaan ko. Baka mahimatay pa sila or worst- baka ma double dead.


Dumiretso ako sa kusina pagkababa ko mula sa aking kwarto. Inilapag ko muna ang cellphone ko sa island counter saka ako lumapit sa ref to see goods I can cook.


Pinanliitan ko ng aking mga mata ang nag iisang itlog sa loob ng refrigerator. Seriously? Sa laki ng fridge, itlog lang ang laman?


Buti pa 'tong itlog ko; dalawa, tas may sausage pang kasama.


Napailing-iling na lamang ako.


Nakalimutan ko pa lang mag grocery. Ngayong araw kasi sana 'yon kaso nga lang ay kinidnap ako ng ex ko noong nakaraang gabi para pansamantalang magpaka tatay.


Naisip ko tuloy ang mga bata. Natutulog na kaya sila ngayon? Nagalit kaya sila sa akin? Will they hate me for fooling them?


Napahawak ako sa aking dibdib nang tumunog ang cellphone ko sa kalagitnaan ng malalim kong pag-iisip. Umalingawngaw ang ringtone ko sa buong kusina. Hindi ko ito inaasahan kaya nagulat ako sa tunog.


Suminghap ako saka nilakad ang pagitan namin ng aking cellphone. I picked it up so does the call.


"Bakit?" Himas himas ang dibdib na nagsalita ako. Mabilis parin ang tibok ng puso ko dahil sa gulat.


Nagiging nerbyoso na ba ako? Huwag naman sana.


"Nasaan ka?" tanong ng kapatid ko mula sa kabilang linya. S'ya ang tumawag.


Inilibot ko ang tingin ko kung nasaan ako. "Andito sa kusina.."


"Kusina ng?"


"Kusina ng condo ko malamang. Bakit?"


"Gague!" mura n'ya. "E 'di sana sinabi mo na lang na nasa condo ka," reklamo n'ya.


Natawa na lamang ako nang napagtanto ko ang sinagot ko sa kan'ya. Bakit ba parang wala ako sa sarili ngayon?


"Anyways, Nova, nasa condo ka lang ba palagi? Hindi ka busy?" he asked.


Tumango ako sa tanong n'ya kahit hindi n'ya iyon makikita. "Hmm.. bakit?"


Hindi ako busy dahil nasa Tennessee ang trabaho ko at andito ako sa Pilipinas para mag bakasyon.


Tumikhim ang kapatid ko sa kabilang linya. "Aalis kasi ako ngayon. Pwede ka ba ulit pumunta rito sa bahay?"


Nanliit ang mga mata ko. Para saan pa? The kids already know about what I did.


Kung aakto na naman akong si Nial, huwag na lang. Ayoko nang lokohin ang mga anak n'ya. Tsaka paniguradong hindi ko na mapapaniwala ang mga 'yon.


"Narinig mo ba ako, Nova?"


Bumalik ako sa pakikinig sa kapatid ko. Tumikhim ako at sumagot. "I did. Pero magpapanggap na naman ba ako?"


"Nope. The kids already know. Kaya magpapaka-tito ka na. Pero ayos lang naman kung ayaw mo nang bumalik dito. Sasabihan ko na lang si Psyche na iba na lang ang isama bukas."


Agad kumunot ang noo ko.


"Isama? Para saan? Bakit kailangan n'ya ng kasama? Anong meron bukas?" animo'y praning na sunod-sunod ang pagtatanong ko.


Natagalan bago sumagot si Nial.


"Family day kasi bukas," he sighed.


I heard him whispered some profanities.


"Gusto kong ako ang umattend pero kailangan ako sa trabaho," he started. "Gustohin ko mang samahan ang mga bata, pero baka kung ano lang ang mangyari. Dude, I need to leave now. Hindi ka ba pwede ngayon? Gusto ko kasing may kasama si Psyche. Atleast sa ganoong paraan, may tatayong mama at papa sa mga anak ko bukas."


Tahimik akong napabuntong hininga. Lito pa rin ako sa kung bakit hindi s'ya makaka-attend. Ngunit ramdam ko rin ang paghihirap sa boses n'ya. He wanted to go but he can't.


Ano ba kasing meron dito sa kapatid ko? I can't fcking wait to know what his work is all about. But at this point I have to respect his decision kung ayaw n'ya pang sabihin. Siguraduhin n'ya lang talaga na hindi s'ya sindikato.


Bumuntong hininga ako.


"Magiging okay ka ba sa trabaho mo?"


I heard Nial chuckled. "Dude, I've been working here for years. Ayos lang ako. Ikaw ba? Game ka ulit maging daddy? I mean, magpaka-tito?"


Napailing ako but ofcourse I agree with him. Because to be honest, na miss ko agad ang mga bata.


"Fine. I'll be there within 50 minutes," sabi ko.


I heard Nial laughed.


"Ngayon ka agad pupunta? Miss mo na agad si Psy-


"Ayoko na pa lang tumuloy," sabi ko dahil nanunudyo na naman ang unggoy.


Lalo n'ya lang akong pinagtawanan. "Alright alright. I'll stop teasing you. And you can come here anytime." Tumikhim s'ya at sumeryoso bigla. "Thank you for this, Nova. Malaking tulong ang pag uwi mo ng pilipinas. Maraming salamat. Babawi ako sa susunod," aniya.


I just nodded at ibababa na sana ang tawag ngunit dinugtungan n'ya pa ang mga sinasabi.


"Babawi ako sa anak n'yo ni Psyche soon.." aniya at muling tumawa nang tumawa. Baliw!





Baby DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon