Kabanata 10

6.5K 170 23
                                    

author's noted: hello pinalitan ko po kasi nagiging heavy na naman ang kwento. parang gague talaga, nakakalimutan ko minsan na light lang dapat 'to. hehehe. pasensya na pooooo.



ᴖᴥᴖ


Naiwan na may pagtataka ang mga tao sa skwelahan ng kambal. Nial excused the twins from attending today's class at pumayag naman ang teacher ng mga bata kaya ngayon ay nakauwi na kami.


The boys we're obviously surprised seeing their dad arrived at school. Dahil buong akala nila na ako ang tatay nila. They we're confused but I hear no questions from them.


Hindi ko rin sila nakausap since Nial send them to their room the moment we arrived home. I just hope they're not mad at me from making them believe that I'm their dad.


Pagkababa ni Nial mula sa kwarto ng mga bata ay diretso ang tingin n'ya sa akin. Hindi s'ya nag salita, nilampasan n'ya lang ako at sumulyap na para bang sinasabi nyang sa labas tayo mag usap.


Sumunod agad ako sa kan'ya nang dumiretso siya sa paglalakad palabas ng bahay. Nang nasa malawak na hardin na kami ng kanilang bahay ay tumigil si Nial sa paglalakad. Tumigil naman ako sa likuran n'ya.


Pinanood ko s'yang kumuha ng kung ano sa kanyang bulsa. Isang kaha ng yosi ang inilabas niya at kumuha s'ya ng isang stick roon. Lumingon s'ya sa akin.


Umiling ako sa inalok n'yang yosi. “I still don't smoke. Tsaka may anak ka, dude, you're still smoking?”


Hindi s'ya sumagot, imbes ay binalik n'ya sa akin ang pagtatanong.


“Anong ginagawa mo rito, Nova?” seryoso n'yang tanong.


Huminga akong malalim. “Psyche asked me.”


Tumango tango s'ya at nawala bigla ang pagiging seryoso. “She asked you to act as me? Bakit kaya?” parang nagtataka s'ya sa ginawa ni Psyche.


“Maybe because the kids needed you?”


Tumawa si Nial. “Umuuwi naman ako araw-araw kahit hindi ako nagtatagal, umuuwi ako. And the kids are fine even without always having me around..”


“Really?” Taimtim ko s'yang tinitigan. He nodded and so I figured out na wala s'yang alam na namimiss s'ya ng mga anak n'ya. “They're fine even not always having you around? Tsk, I hardly believe that. Kasi nang nakita nila ako kaninang umaga, masayang masaya sila. Priv even told me he thought umalis ulit ang dad nila and he is happy to see his dad right after he woke up. The kids needed your presence, Nial.”


Hindi s'ya nag salita.


Umiling-iling ako. “Mga bata pa sila but they know what they needed. They need you, your support. Atleast bond longer with them.”


“I can't,” mabilis nyang sagot.


Kumunot ang noo ko. “Dude, mga anak mo-


Pinutol n'ya ang mga sasabihin ko. “Mapapahamak ko sila kapag lage nila akong kasama. Kapag lage akong andito sa bahay. I want them safe here. At yon ay kapag wala ako rito, safe sila.”


At first naguluhan ako sa sinabi niyang 'yon ngunit napagtanto ko rin agad at napagtagpi tagpi ang lahat. I remember the death threats I received almost everyday sa unit ko.


“Nial, anong trabaho mo?” tanong ko agad sa kanya. “Don't you ever lie to me. I often receive death threats dahil napagkakamalan akong ikaw, kaya sabihin mo sa akin, dude. Sindikato ka ba?”


Napalingon siya sa akin. Nakakunot ang noo. “Gague! I'm not.”


Nakahinga ako ng maluwag. But still, I'm still worried. What's with the  threats?


“Mahabang storya, dude. Tsaka hindi ko pwedeng sabihin sa iyo but I'm assuring you, the threats will stop once natapos ko na ang trabaho ko.”


Kriminal ba 'tong kapatid ko?


“Anyways, aalis ka ba?” tanong ni Nial.


I nodded. “Andito ka naman na. Hindi na ko kailangan dito.”


“I can't say hindi ka na kailangan dito,” he smirked at me.


Kumunot ang noo ko sa kan'ya.


Natatawa s'yang naglakad palapit sa akin at umakbay. “Psyche might need you..” may panunudyo sa tono n'ya.


Nanliit ang mga mata ko. Siguro sa kan'ya ko nalang itanong. “You two are not dating?”


Umiling siya at natatawa pa rin. “Of course not. We're bestfriends. Kasi simula nang dumating sa akin ang mga anak ko, kasama ko s'yang inalagaan ang mga ito.”


“Ilang buwan na ang mga anak mo sa'yo? Who's their mother?”


Umiling si Nial. “Hindi, buwan. Taon na. Limang taon- mag aanim na pala. Simula nang ipinangak si Priv at Pres, nasa akin na sila. And their mom?” Umiling ulit sya. “I can't tell you who. Hinahanap ko pa hanggang ngayon ang babaeng 'yon kaya hindi ko na muna sasabihin kung sino.”


Tumango tango ako. So, hindi nga talaga si Psyche? Confirmed?


“Hindi Psyche kaya huwag mong isipin na tinuhog ko ang ex mo. At huwag kang mag selos na anim na taon na kaming magkasama sa iisang bahay, walang namamagitan sa amin. Promise!” ani pa ni Nial.


Pero mapipigilan ko ba ang selos ko? Talagang pinagmumukha n'ya sa akin na magkasama sila sa mga taon mag isa ako sa ibang bansa.


Bumitaw si Nial sa pag akbay n'ya sa akin and then he looked at me. “Ikaw ba may plano kay Psyche?”


“Plano?” kunot ang noong tanong ko.


He nodded. “Plano, dude. Do you have plan on taking her back? Kasi baka may maitulong ako.”


Napangiwi ako sa mga sinasabi n'ya. Inaamin ko namang may gusto pa rin ako kay Psyche pero hindi ko iniisip na babalik sya sa akin. Hindi maganda ang naging break up namin kaya hindi ni minsan sumagi sa isip kong may chance pa ako sa kanya.


“Dude, sobrang lalim ng iniisip mo.” Umakbay muli si Nial sa akin kaya napasabay ako sa paglalakad n'ya nang mag simula s'yang mag lakad.


“Wala akong plano..” bulalas ko.


Narinig ko ang pag tawa ni Nial. “Wala pa sa ngayon, o wala talaga?”


“Wala-


“Paano kung si Psyche may planong balikan ka? Dude, pag isipan mong mabuti.”




Baby DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon