Kabanata 6

5.4K 183 1
                                    

Kinabukasan nagising ako bago pa man tumunog ang alarm ng cellphone ko. Alas singko pa lang ng umaga. Nasanay na akong gumising ng ganitong oras.


Bumangon at dumiretso ako sa bathroom para sana maligo at ayusin ang sarili. This is my daily routine ngunit napagtanto kong wala ako sa condo ko.


I stayed here in my brother's house. Like what Psyche wanted.


Dito ako sa guest room natulog. She told me na ayos lang daw na doon ako sa kwarto ng kapatid ko but I refused- ayokong tumabi sa kan'ya. She's still my brother's girlfriend. I respect that.


I sighed only seeing a toothpaste and a disposable toothbrush inside the guess room's bathroom. Wala nang iba.


Sabon? Shampoo? Towel? Shaver? Wala.


Hindi ba ni minsan nagka guess ang mga tao sa bahay na'to? Pero maganda ang bahay nila. The design from salas and other part of the house including this room has a good interior design. Sa mga gamit lang talaga sila dito sa guess room nag kulang.


Napilitan tuloy akong lumabas ng kuwarto na tanging pag t-toothbrush lang ang nagawa. Ni hindi ako nakapag hilamos dahil wala namang sabon at towel. Bumawi nalang ako sa pag ayos ng buhok ko.


I should look comfortable in the kids' eyes. I should convince them I am their dad since Psyche told me they need Nial.


At dahil alas singko pa lang ng umaga, ako pa lang ang tanging tao na palakad lakad dito sa labas. The kids and Psyche are still sleeping for sure. Since I'm the first one to wake up, ako na ang magluluto ng breakfast.


The usual breakfast. Egg, hotdogs, ham, and toast bread- yan ang mga hindi ko niluto.


“Daddy?”


Muntik nang tumigil ang puso ko sa pagtibok nang marinig ang tawag na 'yon. Nagulat ako roon.


Nilingon ko ang tumawag. I don't know what to call him since hindi ko alam ang pangalan ng mga anak ni Nial. Tinago n'ya ang mga ito sa amin nila mama at papa.


At kahit alam ko man ang pangalan ng mga bata, I don't know who is who. They're identical.


“Daddy, what's that?” namumungay ang mga matang tanong ng bata, halatang kagigising lang. Pinapanuod n'ya akong nakaharap sa stove.


Napadasal na lang ako na sana hindi ito umiyak kapag kinausap ko gaya noong kagabi na tumakbo pa nga palayo sa akin.


Binitawan ko ang sandok na gamit ko sa paghalo ng kaning sinangag. Saka ako lumapit sa bata at kinarga s'ya so he could see clearly what I was cooking.


Karga ko s'ya nang bumaling akong muli sa niluluto ko.


He suddenly sniff while I'm mixing the rice.


“This is called sinangag, kiddo,” pagkausap ko sa kan'ya na patuloy sa pag amoy sa niluluto ko. “How does it smell?”


“Good..” he pouted. “Can I have some po?” he cutely asked.


Gosh! Looking at this kid is just like looking at my younger self. Kamukhang kamukha n'ya ako- kami ng kapatid ko, although may ibang part sa kan'ya na hindi hawig sa amin. They probably got it from their mother- Psyche.


I put him back on his feet at in-off ko na ang stove dahil ready na ang kaning sinangag. I didn't put anything in it- just garlic and a pinch of salt.


“Come here-


Naputol ko ang sasabihin dahil nakasunod na pala ang bata sa akin. God! When will I know their names? Bata ako nang bata.


Inilapag ko ang sinangag sa mesa saka hinarap ang bata at tinulungan s'yang pumwesto ng upo.


I checked the time. Quarter to seven na. Hindi pa gising ang dalawa- Psyche and the other kid- so I guess mauuna kami nitong isa na kumain.


Pinagsandok ko ng sinangag ang bata and then I place the plate of fried rice in front of him and he looked amaze. Nakangisi tuloy akong nagsandok na rin ng pagkain para sa akin.


“Daddy? Your arm..” Natigilan ako sa pagsandok.


Nilingon ko ito at nakitang nag isa ang kilay n'ya. He is looking intently at me. Animoy may nakita s'yang hindi ko nakikita.


Tiningnan ko ang braso ko. Nothing's wrong with it naman. What's wrong with this kid?


“What about my arm, kiddo?”


He curve his lips. “When did you lose your tats?”




Baby DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon