Veny
NAGUGUTOM NA 'ko!
Anak ng tokwa. Ang hirap naman pumila sa canteen na to. Ang dami kasing estudyanteng nabili ng lunch nila Kung alam ko lang na aabutin muna 'ko ng Christmas bago makakain, dapat nagbaon na lang ako. Tsk.
Haaays. Lingon-lingon muna ko sa paligid. Wala namang magandang view. Ang boring tuloy. Parang gusto kong umuwi. Kaya lang, sigurado naman akong hindi ako papayagan. Mahigpit na ipinagbabawal sa mga estudyante na umuwi kapag lunch break lalo na kung malayo ang bahay nila.
Ang ganda sa St. Catherine. May maganda silang security, magagandang buildings. Matitinong mga subject teachers. Almost perfect na ang school na 'to-maliban na lang sa canteen na walang kasingbagal. >__________<
"Veny!"
Napalingon ako sa right side ko kung sa'n galing 'yung boses. Nakita ko ang limang babaing nakapila rin s mas maiksing lane. Namumukhaan ko sila. Mga kaklase ko yata sila eh. Mukha naman silang mababait kahit pa halata mo sa mukha nilang kikay sila.
Ngumiti lang ako. Kesa naman hindi ko sila kiboin. Hindi ako pinalaking bastos ni Mama. May good manners and right conduct kaya ako!
"Bakit d'yan ka nakapila? Dito ang pila ng Section A." sabi nu'ng isa sa kanila. Naka-all out smile ito na lalong nakakadagdag sa ganda ni girl. At in fairness, wala akong ma-sense na kamalditahan sa kanya.
"Dito ka na pumila," nakangiti ring sabi nu'ng isa pa. "Yung maganda ring girl na may kulay ang buhok.
Napilitan akong umalis du'n sa pila ko at nakipila ako sa kanila sa 'express lane'. Susubukan ko lang. Section A na rin naman ako ng St. Catherine eh.
"Bakit nakahiwalay ang Section A sa pila?" tanong
ko nang makatabi ko na ang limang chicks na di hamak namang mas magaganda talaga sa 'kin.
"Special treatment," natatawang sagot nu'ng medyo chubby pero magandang girl.
Ang galing. Meron pala nu'n sa St. Catherine? Anu ano pa kayang special treatment ang meron sa school na 'to para sa Star section? Nakaka-excite tuloy. (^ _________^)
Saglit lang 'yung time na na-consume namin. Express lane nga. Nakabili na ka'gad kami ng lunch. Niyaya nila akong sumabay sa kanila. Naglakad kami hanggang sa mga tables ng canteen. Sobrang lawak ng canteen ng St. Catherine. Halatang maraming estudyante ang nag-aaral dito.
Nagulat ako nang umupo kami sa table na may nakalagay na: "Table #4 for Section A." May twelve chairs 'yun na halatang pang-maramihan. Astig! Pati sa seats hindi kami mangangamote! Love ko na dito! (^_____^)V
Pagkalapag ko ng pagkain, imbis na malantakan ko na 'yung lunch ko, hindi ko pa rin nagawa dahil kinulit ako nang kinulit nu'ng lima. Nakakatuwa nga sila eh. Biruin mo,
hindi ko sila kilala pero sila kilala na nila ako.
"Magpapakilala muna kami," enrgetic na sabi nu'ng isang babaing layered-cut 'yung hair. Maganda rin s'ya Magaganda sila. Teka... Ilang beses ko na bang nasabi 'yung salitang 'maganda"? Ako lang dapat 'yon eh. Haha. Chos.
At nakilala ko nga sila. 'Yung girl na medyo maliit 'yung boses, s'ya si Camille. 'Yung girl naman na may kulay red 'yung buhok, Shan ang pangalan. Si Kurtli naman 'yung maganda pero hanggang balikat lang ang buhok. Si Nica naman 'yung medyo chubby pero ubod ng ganda. Si Leonie 'yung medyo astig 'yung boses pero kasingganda ng mga
heroine sa mga movie na napapanood ko. Ang gaganda nila. Ang babait pa. (T T) Sana makasundo ko sila. "Bakit mo nga pala naisipang mag-transfer sa St. Catherine?" tanong ni Leonie.
BINABASA MO ANG
Kiss Me, Handsome Bully 1 (PUBLISHED under Lifebooks)
FanfictionSimple lang akong babae. Gusto ko ng simpleng buhay, simpleng mundo. Pero nang pumasok ako sa St. catherine Acedemy, nagbago ang lahat. Nagulo ang buhay ko, tumambling ang mundo ko. Naniniwala ako sa Prince Charming. Sabi ko sa sarili ko, kailangang...