CHAPTER 23

9 3 0
                                    

Veny

NANDITO kami ngayon sa Rizal Park. Pagabi na pero marami pa ring tao. Dito ako niyaya ni Micko kaya hindi na ko tumanggi. Minsan na lang akong maggala eh. "Tsaka sabi naman ni Micko, may nagbabantay na sa bahay sa mga oras na 'to.

Tapos na naming kainin lahat ng pinamili niya. Hehe. Mali. Ako lang pala ang kumain nang kumain. Nanlulumo nga sa 'kin si Micko the Bully eh. Hindi niya siguro ma imagine kung saan ko nilalagay ang mga kinakain ko.

Nakahiga kami ngayon sa damuhan na sinapinan namin ng table cloth na binili rin namin sa mall. Hindi ko alam kung bakit pero ang saya-saya ko. Ang alam ko, dapat ay naiinis ako sa kanya. Hindi naman kasi talaga kami close. But always having him by my side made me feel so comfortable.

"Bubuwit."

Ibinaling ko sa kanya ang paningin ko. Medyo nailang pa nga ako eh. Medyo malapit na kasi 'yung mukha niya sa mukha ko. Siguro, kung makikita kami ng mga classmates namin, sasabihin nilang "kami" na.

"Oh, bakit?" clueless kong tanong. "Ano'ng nararamdaman mo kapag kasama mo 'ko?"

Naumid ang dila ko sa tanong niyang 'yon. Hindi ko ini-expect na magtatanong siya ng gano'n sa 'kin. "H-Ha?"

He grinned. "Sabi ko, ano'ng nararamdaman mo kapag kasama mo 'ko." "M-Masaya," halos utal-utal ko nang sagot. Nakakaasar naman. Bakit parang hirap na hirap akong sagutin ng napakasimpleng tanong na 'yon?

"Ako din eh," sabi naman ni Micko.

Hindi ko maialis ang pagkakatitig sa kanya habang siya naman eh nakatitig sa kalangitan. Ano na naman kayang pumasok sa isip ng kumag na 'to? Habang tumatagal, hindi na nakikita si Micko bilang isang mayabang, arogante at buwisit na nilalang. I found out his soft side. At hindi ko maiwasang matuwa sa mga nalalaman ko sa kanya.

"Pero wag mo isiping mabait talaga 'ko ha defensive niyang sabi na hindi pa rin tumitingin sa 'kin. " am the campus bully at wala nang makakapagpabago sa image ko. Masama ang ugali ko. Mahilig akong manggulo sa buhay ng iba. Hindi ako palakaibigan at maraming galit sa 'kin."

"Pero hindi nila nakikita ang soft side mo," kontra ko naman sa mga panlalait niya sa sarili niya. He chuckled. "Wala akong gano'n."

"Meron."

Napabaling siya sa 'kin. Medyo nanghina ako when our eyes met. "Why are you saying that?" I smiled. "Because I can feel it. Malakas kaya ang pakiramdam ko!"

Nakita kong umiling-iling na lang si Micko. It was the first time na hindi man lang siya nagkaroon ng violent reaction sa mga sinabi ko. It was also the first time that he let me win in an argument.

"Oo na," he replied.

Kiss Me, Handsome Bully 1 (PUBLISHED under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon