CHAPTER 25

9 3 0
                                    

Veny

"GIRLS, put your right hand at your partner's shoulder, then your left hand at his right hand. Mas lumapit pa kayo nang kaunti."

Parang gusto kong lapitan si Ma'am Merry at magmakaawang itigil na ang kalokohang iyon. Nagpa practice kami ngayon para sa practicum namin sa P.E. Okay lang naman sana sa 'kin eh. Kaso, si Micko the Bully ang < partner ko. >

"Boys, put your left hand on your partner's waist," pagpapatuloy ni Ma'am na hindi ko alam kung pinagti-trip an kaming lahat.

"Ang lamig naman ng kamay mo," puna ni Micko. Walang halong pang-aasar ang sinabi niyang iyon. Parang mas na-feel ko pang concerned siya sa 'kin.

"O-Oo nga eh..." parang ewan na sagot ko. "Sure ka bang okay ka lang?"

Bakit? 'Pag hindi ba ako okay at hinimatay ako dito, sasaluhin mo ba 'ko? 'Yan sana ang gusto kong sabihin pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Oo. Hmm. Hindi lang ako sanay."

Waaaaaaaaaaaah. Nahihilo na yata ako. Ano ba 'to? "Kapit ka lang sa 'kin," makahulugang sabi ni Micko bago niya hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

Oh, Lord, Ano bang pakiramdam to.

Kiss Me, Handsome Bully 1 (PUBLISHED under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon