Veny
PAUWI NA 'ko ngayon from school. Wala akong energy. Wala akong gana. Medyo late na kaming umuwi dahil kumain pa kami sa restaurant nina Camille. C-in-elebrate kasi namin yung birthday ni Kurtli.
Ang bigat ng pakiramdam ko. Naaasar ako na naiiyak na ewan. For the first time, hindi man lang ako kinausap ni Micko. Dati, kapag napasok siya, dadaan muna siya sa armchair ko para tanungin kung gumawa ba 'ko ng assignment o kung nag-review na ba 'ko, But now, ni hindi niya man lang ako matignan. Kapag nagre-recite ako, nakasanayan ka ng makarinig ng feedback galing sa kanya sa kalagitn pagsasalita ko. Pero kanina, wala siyang kibo. Hindi rin siya lumalapit sa 'kin. Hindi rin siya sumabay sa min lunch break. Tapos hindi rin siya nagyayang isabay nu'ng uwian na. Naninibago ako.
Alam ko na. Sawa na siguro siyang pag-trip-an aks O'di kaya, nakahanap na siya ng ibang subject para sa mga kalokohan niya.
'Di ko maiwasang maiyak. Pakiramdam ko, itinapon ako ni Micko. Pero ano ba'ng ine-expect ko? Wala naman siyang obligasyon sa 'kin eh. Ni hindi naman siya nanliliga Kaya niya lang naman ako ipinakilala bilang girlfriend niya sa harap ng mommy niya eh dahil kinukulit na siya nito para ipakilala sa anak ng business partner nito.
Nakatulala ako habang naglalakad. Medyo malayo pa ko sa village namin. Hindi na ko sumakay. Baka bigla akong makita ni Micko and then sabihin niyang naglalakad lang ako kapag alam kong sasabay siya. Mahirap na. Ayokong gano's ang isipin niya.
"Miss, bakit mag-isa ka?"
Kinabahan ako. Nakatingin sa 'kin 'yung dalawang tambay na nag-iinuman sa harap ng isang maliit na sari-sari store. Tumingin ako sa paligid. Wala nang ibang tao. Oh no Masama na to. Wala akong mahihingian ng tulong kung sakali man.
Binilisan ko yung mga hakbang ko. Mahirap na Ayokong mawala ang puri ko. Bata pa 'ko 'no!
Kinabahan ako nang maramdaman ko 'yung paghawak sa braso ko ng mga lalaking tinatakbuhan ko. Hinablot nila ako at kinaladkad. Panay 'yung sigaw ko pero parang walang nakakarinig sa 'kin. "Please... Please wag po!" pagmamakaawa ko sa mga tambay. Hinihila na nila 'ko. Kung hindi ako nagkakamali, du'n nila 'ko dadalhin sa maliit na bukirin sa 'di kalayuan. "Wag ka nang pumalag!" singhal sa 'kin nu'ng isa sa kanila. Nakakatakot siya. Namumula 'yung mga mata niya and ang baho ng natural scent ng katawan niya. Pawis na pawis siya.
Umaagos na ang luha mula sa mga mata ko. Hindi! Hindi ko kaya 'to. Hindi ako makalaban sa kanila. Pakiramdam ko, kinakaladkad na lang nila 'ko na parang pusa.
Lord, sana po 'wag Niyo 'kong pabayaan. Hindi ko po alam ang gagawin ko. Hindi na 'ko makalaban.
Sinubukan ko ulit magpumiglas. Pero nabalewala yon nang bigla akong pagbuhatan ng kamay ng isa sa kanila.
Nahilo ako. Umiikot na ang paningin ko.
Bigla na lang nawala 'yung isang lalaking humihila sa kin, Parang may humatak sa kanya mula sa likuran. Kahit nahihilo ako, nararamdaman kong may nagsusuntukan na sa likuran ko.
Pinilit kong lingunin kung sino ang anghel na tumulong sa 'kin. Malabong-malabo na ang vision ko pero naaaninag ko pa ang lalaki. Naka-uniform siya. Parang uniform ng St. Catherine. Hindi ko na alam ang nangyayari. Hilung-hilo na talaga 'ko.
Maya-maya pa, naramdaman ko na rin na nawala na "yung isa pang nakahawak sa 'kin. Mukhang hinila rin siya ng anghel na namistulang knight in shining armor ko. Gusto ko pa sanang makilala siya. Kaya lang, bigla na lang akong nag-black out at bumagsak sa lupa.
BINABASA MO ANG
Kiss Me, Handsome Bully 1 (PUBLISHED under Lifebooks)
FanfictionSimple lang akong babae. Gusto ko ng simpleng buhay, simpleng mundo. Pero nang pumasok ako sa St. catherine Acedemy, nagbago ang lahat. Nagulo ang buhay ko, tumambling ang mundo ko. Naniniwala ako sa Prince Charming. Sabi ko sa sarili ko, kailangang...