Veny
PARANG mahahati ang ulo ko sa sobrang sakit nang mga oras na 'yon. Malamig sa paligid. Medyo giniginaw ako. Hindi ko maidilat ang mga mata ko. Ano ba'ng nangyari? Nananaginip pa ba 'ko?
Naghintay ako ng ilang minuto. Nang sinubukan kong idilat ang mga mata ko, naaninag ko ang ilang mga pamilyar na bulto na tila nag-aabang sa paggising ko. Wooh! Sleeping Beauty yata ang peg ko. Haha,^ ^V Galing no? Parang hindi masama ang pakiramdam ko.
"Babeeeeeeeee"
Biglang lumiwanag ang vision ko sa sobrang gulat.
Nakita ko sina Shan, Nica, Leonie, Kurtli and Camille na nakatayo at nakatitig sa 'kin. Hindi maipinta ang mga mukha. Halatang worried sila sa 'kin.
"Okay ka na ba?"
"Kamusta na ang pakiramdam mo?"
"Magpahinga ka na lang muna ah!" "Kami na'ng bahala sa mga notes mo sa school.
Magpa-excuse ka muna tomorrow." Tumangu-tango lang ako sa lahat ng sinasabi nila.
Hindi ko pa nga matandaan kung ano ang nangyari eh nasa tabi ko lang pala
"Anak," ani mama na "Naipadampot na namin ang mga nagtangka sa 'yo. Thanks to Micko. Hindi ka niya pinabayaan. Dinala ka pa rin niya dito kahit sugatan na 'yung braso niya."
Bigla kong na-realize kung bakit ako nakahiga ngayon. Biglang nag-flashback sa memory ko ang mga nangyari kanina. Awtomatikong hinagilap ng mga mata ko si Micko ang knight in shining armor ko.
I silently gasped when I saw Micko at the edge of my bed. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin. Pero hindi ako nag alala sa paraan ng pagtingin niya kundi sa nakita kong benda sa kaliwang braso niya. Sa nakikita ko, medyo tumatagos pa roon ang dugo na galing mismo sa kanya.
Pinilit kong bumangon. Todo-alalay naman sila sa'kin. "M-Micko..." He smirked. Grabe tong lalaking 'to. Sugatan na't lahat, nagagawa pang ipangalandakan sa harap ko kung gaano siya kaguwapo. Sana pala hindi na "ko nag-effort pang tumayo.
"Don't worry. Masama akong damo. Mababaw lang ang pagkakasaksak nu'ng baliw na lalaki sa braso ko. Magpasalamat ka na lang at nakita kita nang mga panahon. na 'yon. Pasaway kang babae ka. You are very prone to danger. Hindi ko akalain na hindi ka pala puwedeng hayaang umuwi nang mag-isa," kalmadong sabi ni Micko. Hindi pa rin mawala-wala 'yung pagkakatitig niya sa 'kin.
Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig rin sa kanya. Hindi ko akalain na si Micko pa ang tutulong sa 'kin. Parang kanina lang sa school, hindi niya 'ko kinikibo. Pakiramdam ko, galit siya sa 'kin. Pero kahit na gano'n, nagawa niya kong ipagtanggol. At nagawa niyang isugal ang sarili niyang buhay para sa 'kin.
"T-Thank you," sabi ko. "Anong gusto mong kabayaran?" Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at itinanong ko 'yon.
He widened his smile. "I just want to have another date with you."
BINABASA MO ANG
Kiss Me, Handsome Bully 1 (PUBLISHED under Lifebooks)
FanfictionSimple lang akong babae. Gusto ko ng simpleng buhay, simpleng mundo. Pero nang pumasok ako sa St. catherine Acedemy, nagbago ang lahat. Nagulo ang buhay ko, tumambling ang mundo ko. Naniniwala ako sa Prince Charming. Sabi ko sa sarili ko, kailangang...