Micko
I CAN'T help but to smile when I turned my back on her Grabe ang babaeng 'yon. I can't imagine na kaya niyang tiisin ang ugali ko. It was the very first time that someone dare to answer me back. Kahit sino sa mga kaibigan ko ay walang nagtatangkang gumawa no'n. Siya lang.
I asked her a while ago kung saan ang bahay niya. And nu'ng ituro niya 'yon, hindi ko mapigilang matawa Mukhang resthouse ni Hello Kitty ang bahay nila. Kung pa'no niya nakumbinsi ang parents niya na gano'n ang maging style ng bahay nila, aba ewan ko.
Pumasok ako ng bahay. As usual, 'yung mga maids na naman ang naabutan ko. Alam ko namang hindi ko maaabutan ro'n si Mommy. She's a very BUSY no one should interrupt her. Parehong-pareho sila ni Daddy Hays. Kelan kaya babalik ang tatay ko from Europe? person that
May business kasi kaming inaalagaan and they need to work hard for it. My father needs to travel around Europe for business trips habang ang napakagaling ko namang ina eh busy rin sa mga event ng CosmeO. Yup. 'Yan ang name ng brand ng company namin. We are handling beauty products since then. Ang galing nga eh. Pamana pa ng lolo ni daddy 'yon and hindi man lang siya nakaranas ng major disaster gaya ng pagkalugi. Well, sadyang magagaling lang siguro ang mga San Miguel pagdating sa pag-aalaga ng company.
"You look like some other stranger, Kuya." Napalingon ako sa kapatid kong si Irish na nakaupo sa swing ng front garden. Second year high school pa lang siya ngayon sa Vel Maris Academy. Siya lang, maliban kay Mommy, ang babaing kinakausap ko nang medyo matinu tino. Ewan ko ba. Normal na yata sa 'kin ang maging cold sa kahit sinong babae-lalo na du'n sa mga walang ibang inisip kundi kalandian.
Kumunot agad ang noo ko. Sign 'yon na hindi ko ma gets ang gusto niyang ipahiwatig. I'm not a slow person, but I'm not also a fortune teller. Naglakad ako palapit sa kanya. "What are you talking about?" tanong ko nang makaupo ako sa bakanteng swing sa tabi ng kapatid ko.
"Ngayon ko lang ulit nakita na ngumiti ka," sabi ni Irish na ikinagulat ko. Ano namang tingin sa 'kin ng babaeng 'to? Robot na walang pakiramdam?
Ginulo ko ang buhok niya then tumayo na ulit ako. "Ngumingiti ako. You're just blind, pretty little sister," sabi ko bago naglakad palayo.
Dumiretso na 'ko sa kuwarto ko. Nakakapagod.
Damn! Grabe talaga ang mga teacher sa St. Catherine. Parang gusto ko silang ipatanggal lahat kay Tita. Kung paano ko magagawa yon, simple lang. Tita ko lang naman ang may ari ng school na 'yon.
Kung bakit ba naman kasi ako naglakad eh. Kahit ba malapit lang 'yon, ayoko pa ring napapagod ako. I' the prince in our family. Kaya lang, nakokonsensya ako kapag nakikita ko ang bubuwit kong kaklase na si Jenica na naglalakad nang mag-isa.
Pero wala akong gusto sa kanya ah! Concerned lang talaga ako kaya ako sumasabay sa kanya. Isa pa, wala naman na siyang magagawa dahil ako ang masusunod. Hehehe. >:D Pagkahigang-pagkahiga ko sa kama ko, dinukot ko kaagad ang cellphone na nasa bulsa ng pants ko. Ite-text ko si Tiny Feet. Ako ang nagsabi kay Mr. Faustino na siya ang partner ko sa upcoming report namin kaya wala na siyang magagawa. Alam kong madali ko lang siyang mauutusan kaya hindi ko na kailangang mag-effort.
Natatawa naman ako sa babaeng 'to. She's tough but at the same time, cool lady. Lalo tuloy akong naging interesado sa kanya. I want to know her more. What's with you, Jelaine Veronica Apricot?
BINABASA MO ANG
Kiss Me, Handsome Bully 1 (PUBLISHED under Lifebooks)
FanfictionSimple lang akong babae. Gusto ko ng simpleng buhay, simpleng mundo. Pero nang pumasok ako sa St. catherine Acedemy, nagbago ang lahat. Nagulo ang buhay ko, tumambling ang mundo ko. Naniniwala ako sa Prince Charming. Sabi ko sa sarili ko, kailangang...