Veny
HINDI ako makapaniwala sa nakita ng mga mata ko sa hinagap eh hindi ko naisip na makikita ko si Micke gano ng anyo. Hindi ko lubos-maisip kung paano ko iyon nagawa, o kung paano nangyari ang bagay na yon.
I just saw how Micko gave out a wide, real, and sweet smile na kahit kelan ay hindi ko pa nakitang ginawa niya. Si Michael Angelo Rivera. Ang pinaka-bipolar, masungit, a pinuno ng mga bully sa St. Catherine. Nakangiti siya ngayo sa harap ko.
Bago ko makalimutan, nandito nga pala kami ngayon sa Enchanted Kingdom. Nakaupo kami ngayon sa stone tables na kaharap ng carousel. Busy kami ngayon sa pagkain ng Pizza Hut na binili niya. Siya ang nagyaya ah! Hindi kami masyadong nagtagal sa office ng mommy niya dahil nababagot na siya. Alam niyo naman ang mga bully. -_____-
Pero, in all fairness naman, super bait ng mommy niya. Nakakaloka. Ang saya nga niya kausapin eh. Kung hindi lang siya ipinakilala ni Micko, malabong maisip ko na mag-nanay sila. Ang layo-layo kasi ng ugali nila sa isa't isa. >____<
"Huy! Bakit nakatulala ka na d'yan?" nakangiti pa ring tanong ni Micko. Ibang-iba ang aura niya ngayon. Para siyang nasaniban ng espiritu ni Michael V. Lagi siyang nakangiti.
"H-Ha?" parang ewang tanong ko. Lalo akong napamaang nang makita ko siyang tumawa. That was the best laugh I've ever heard from Micko. Walang halong kalokohan at kaplastikan ang tawang 'yon. Pakiramdam ko nga, anghel ang narinig kong tumawa at hindi ang bully na kinaaasaran ko.
"Ewan ko sa yo," sabi ko bago ko ibinaling sa iba ang paningin ko. Ayokong makita niya kuung paano ako na amuse sa tawa at ngiti niya. Nakakaloka. > <Hindi ko alam kung bakit pero parang ang saya-saya ko nu'ng makita ko 'yung soft side niya.
Pagkatapos naming kumain, hindi na kami sumakay sa mga rides. Hilung-hilo na nga 'ko kanina eh. Buti na lang hindi ako mabilis masuka. Si Micko naman kasi, yakad pa nang yakad kung saan-saan.
Nagulat ako nang bigla niyang ginagap 'yung kamay ko. Hindi ko na nagawa pang bawiin 'yon sa kamay niya. "Tara, du'n tayo."
Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko pero pakiramdam ko, may spark na nag-i-ignite sa puso ko. Ewan ko ba. Ang corny pakinggan. >
Nagpunta kami sa Tom's World. Malapit lang rin yon sa carousel. Pagpasok namin sa loob, bumili si micko ng napakaraming token. Then, nagpunta kami sa harap ng isang virtual game. "Yung may dalawahang player tapos babarilin niyo 'yung mga zombies? "Yun. Haha. Ang saya ngang laruin eh. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong napatili. Nakakainis kasi. Ang daya ng mga zombies hindi nauubos. :D Nang magkasawaan na kami sa nilalaro namin, lumabas na kami ng Tom's World at sinimulan na naman naming maghatakan papuntang Rio Grande Rapids. Ayoko Nakakatakot eh. Tinitignan ko pa lang, kasi eh. parang humihiwalay na 'yung kaluluwa ko sa katawan ko.
Sampung minuto yata kami naghatakan. In the end, siya pa rin ang nasunod. Nangangatog ang tuhod na sumunod ako sa kanya papunta sa entrance. Bahala na. Sana lang maganda pa rin ako kapag kinuha na 'ko ni Lord. Hehe. Joke.
Nang makasakay na kami at malapit nang magsimula ang pag-andar namin, napapikit ako. "Heavenly Father, please wag Mo pa po akong kukunin ha. Marami pa po akong pangarap," naibulong ko.
I heard him smirked. Bagay na lalo kong kinainisan. Itong lalaking 'to! Hindi man lang naisip na baka atakihin na 'ko sa puso anytime.
Nang umandar na kami at makarating sa pinakatuktok, nag-aagaw ang tuwa at kaba ko nang marinig ko ang nakakatuwang sigaw galing kay Micko. At nang bumagsak na ang sinasakyan namin mula sa tuktok ng loop, pakiramdam ko....
Bumagsak na rin yata 'yung puso ko sa lalaking kasama ko.
BINABASA MO ANG
Kiss Me, Handsome Bully 1 (PUBLISHED under Lifebooks)
أدب الهواةSimple lang akong babae. Gusto ko ng simpleng buhay, simpleng mundo. Pero nang pumasok ako sa St. catherine Acedemy, nagbago ang lahat. Nagulo ang buhay ko, tumambling ang mundo ko. Naniniwala ako sa Prince Charming. Sabi ko sa sarili ko, kailangang...