Veny
SATURDAY morning. Hays. Nakakaantok. Ano'ng oras na ba? Kakagising ko pa lang ch. Grabe. Napuyat kasi ako sa paggawa ng term paper ko sa Filipino. Ewan ko ba sa teacher namin! Ang hirap-hirap magpa-project. At take note, sinabi niya lang 'yung project kung kelan malapit na ang ng first grading. Anak ng siomai talaga 'yan si Sir Mancenido oh!
Sa wakas, naisipan ko ring tumayo. Hay, Parang ang bigat-bigat ng katawan ko. Mas mahirap pala mag-aral ng high school dito. Wew.
Lumabas ako ng kuwarto. Hindi na 'ko nag-ayos kahit na nakapanglalaking jersey ako at maikling short. Sanay naman si Richmond na may magandang dyosa na pakalat-kalat sa harap niya tuwing umaga. Hindi na rin ako nagsuklay. Wala namang magtityagang titigan ako para lang
sabihing: "Ang gulo naman ng buhok mo." Bumaba ako ng hagdan. Hayyyyyyyyyssssss.....
-_____--________-
o_______o
O______O
WAHHHHHHHHHHHH!!
Napakapit ako sa railings ng hagdan nang makita ko si Micko na nakaupo sa sala. Nakikipag-usap siya sa mama ko. Nang makita niya 'ko, he smiled. "Good morning," sweet na bati niya sa 'kin. 'Di pa siya nakuntento, kinindatan pa 'ko!
"Anong ginagawa mo rito?!" histerikal kong tanong. Nanlalaki talaga yung mga mata ko. Parang hindi kasi ako sanay makakita ng guwapong nilalang maliban sa kapatid ko tuwing umaga. Chos. >
"Jelaine Veronica!" saway sa 'kin ni Mama, "Wag ka ngang ganyan. Pasalamat ka nga at dinadalaw ka ng manliligaw mo. Hindi mo man lang siya pinapakilala sa 'kin. Kung hindi pa siya pumunta, hindi ko pa malalaman na may ganito pala kaguwapong manliligaw 'yung anak ko."
I glared at him. Nakangisi naman si Micko na parang wala lang. Nakakinis 'tong lalaking 'to! I hate him! I hate him! Nakakahiya. Ano na lang iisipin ng mama ko? That I'm diverting my attention to some rats like him?
"K-Kumain ka na ba?" alanganing tanong ko. Oy. Hindi ako concerned ah. Sapilitan 'to. Ayoko lang mapagalitan ni Mama.
Mas lumapad 'yung ngiti niya. Ngiti ng tagumpay! Alam niya sigurong hindi ako makakapalag as long as nasa tabi namin si mama.
"Hindi pa eh. Pero dahil nakita kita, okay lang kahit isang buwan pa kong magutom," banat ni Micko.
Yuuuuuuuuuuuuuuuuuuuck! Gusto ko masala
Pesteng nilalang 'to!
"May date daw kayo ngayon. Umakyat ka na man and maligo ka na. Isang oras na kaya siyang naghihintay dito. Pagbaba mo, sabay-sabay na tayong kakain," utos ni mam Kahit labag sa kalooban ko, I nodded.
After thirty minutes....
Pababa na ko ng hagdan. Anak ng tokwa talaga Nakakaasar! Kung hindi lang talaga ako tumitiklop kay Mama, talagang sasapakin ko 'yang lalaking yan eh! Nakakainis!
Pagdating ko sa dining area, nakaupo na siya. Paikot yung table namin kaya napapagitnaan siya ni Mama and ni Richmond. In fairness ah. Close na close sila.
"Oh, anak. Halika na dito," tawag sa 'kin ni Mama nang mapansin niya 'ko. Pinilit kong ngumiti bago ako umupo sa upuan na kaharap niya. Hay, bad trip. Gusto ko talaga siyang sapakin. Lalo akong naaasar kapag nakikita ko siyang nakangisi and parang inaasar pa 'ko. Grrr. Sa'n ba galing 'tong lalaking to? Taga-bundok yata eh!
Teka... May poging chinito ba sa bundok?
Grr. Ay wala nevermind! Basta ang lakas talaga ng loob niya. Di ako maka-recover. Pa'no niya kaya nakuha yung loob nina Mama and Richmond? Naku. Ang hirap hirap kayang paamuhin ng kapatid ko. Kung ga'no ako kamaldita, doble ang ugali no'n. I simply glared at him once more. Pero mabilis ko ring binawi yon dahil baka makita ako ni Mama. Isang araw lang to, Veny. Magtiyaga ka muna. >
Ipinagsandok niya 'ko ng pagkain. Gusto kong
tanggihan lahat ng galing sa kanya, kaso baka sipain ako ni Mama. Hay nako. Bakit ba may mga naliligaw na masasamang elemento sa mundong ibabaw? "Oh, kumain na kayo nang kumain," sabad ni mama.
"May date pa kayo 'di ba?"
Sapilitan akong napatango. Ano pa nga ba'ng magagawa ko? Hindi ko naman puwedeng tanggihan 'yung damuhong 'to dahil sigurado akong masasabunutan ako ng Mama ko.
Sa gilid naman ng mga mata ko, nase-sense ko nang nakangisi na naman ang damuho kong classmate. > Hmmm. Nakakainit ng ulo. Parang gusto kong itapal sa mukha niya 'yung plato sa harapan ko. Kakaasar!
BINABASA MO ANG
Kiss Me, Handsome Bully 1 (PUBLISHED under Lifebooks)
Fiksi PenggemarSimple lang akong babae. Gusto ko ng simpleng buhay, simpleng mundo. Pero nang pumasok ako sa St. catherine Acedemy, nagbago ang lahat. Nagulo ang buhay ko, tumambling ang mundo ko. Naniniwala ako sa Prince Charming. Sabi ko sa sarili ko, kailangang...