Veny
HINDI pa gano'n kaganda ang pakiramdam ko kaya hinay kong si Micko na ang mag-asikaso ng lahat ng kakai namin. Nagtataka ba kayo? Ako rin eh. Haha. Joke. Hmmm Paalis kasi kami sa mga oras na to. Magpi-picnic kami
Tagaytay. Medyo malayu-layo pero ayos lang naman sa 'kin. Hindi naman ako maarte. Isa pa, hindi naman ako nangingimi na si Micko ang makakasama ko sa lugar na 'yon.
"Are you sure you're not asking for any help?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya. Abala siya sa pagtulong sa kasambahay namin na si aling Dory sa paggawa ng macaroni salad. It was his favorite dish kaya naman sigurado akong siya ang nag-insist na lutuin 'yan.
"Umupo ka nga du'n!" sita ni Micko. Saglit niya lang akong tinapunan ng tingin bago muling ibinalik ang paningin sa hinihiwa. "Magpahinga ka. Dahil mamaya, sigurado akong mahihirapan ka na namang makatulog sa biyahe. Ang kulit-kulit mo pa naman, Tiny Feet."
Nakanguso akong bumalik sa sala. Kahit kelan talaga. Hindi niya naialis sa sarili ang pagtawag sa 'kin ng "Tiny Feet". Although nasasagwaan ako, hindi ko na siya kinokontra dahil baka pulutin lang ako sa kangkungan Ay ewan. "Yan ang hirap sa mga topakin eh"
Ngayon ko lang din naisip: Sana pala matagal ko nang nakilala si Micko. Di sana, lagi nang may mag-aalala para sa 'kin. Lagi nang may magsasabi sa'kin kung ano ba dapat ang gawin. May magpapaalala kung anu-ano ang mga bagay na kailangan ko pang tapusin.
Di sana, matagal na kong may Prince Charming. Charing! Hindi ko na naman napigilan ang sarili kong mag ilusyon. Unti-unti na namang may malaking screen na nagpa flash sa utak ko.
Nakaupo daw ako sa dalampasigan at pinapanood na lumubog ang araw. Nasa tabi ko naman ang future Prince Charming ko si Micko. Nakaakbay siya sa 'kin at masaya naming pinapanood 'yung sunset.
Bigla niya 'kong nilingon. "You know, you're even beautiful than that sunset. For me, you're the most beautiful lady I have ever known." Bigla niyang kinintalan ng halik ang noo ko.
Napalingon ako sa kanya. When our eyes met, pakiramdam ko ay bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa sistema ko. His eyes were dazzling. "T-Thank you..."
He smiled at me. Pagkatapos no'n, unti-unting lumapit ang mukha niya. Unti-unting pumikit ang mga mata naming dalawa. Palapit na nang palapit ang labi niya sa mga labi ko. One.. Two... Three... The world narrowed when our lips met...
"Jenica? Hoy! Jenica!" Toinks. >
Bigla akong nagising sa pag-ilusyon ko. Napamulagat ako nang makita ko sa harap ko ang lalaking pinapantasya ko-si Micko the bully. Nakatitig siya sa 'kin na para bang gumawa ako ng isang karumal-dumal na krimen. Oh Sana naman hindi niya naiisip na siya ang iniilusyon k <NAKAKAHIYAAAAA! "What are you doing?" nakangisi niyang tanong
matapos i-annalyze nang mabuti 'yung hitsura ko Napalunok ako nang mapatitig ako sa mga mata niya Grabe. Para yata akong kakainin ng sofa na kinauupuan ko Ang guwapo niya!
"W-Wala!" singhal ko sabay tayo.
Lumakad ako palapit sa Mama ko na sa kakanood ng paborito niyang TV show. Hobby niya 'yun kapag wala siyang taping. Baka hindi niyo alam, TV Host ang mama ko. Hindi lang siya masyadong nadi-distinguish kapag wala na siya sa limelight because her aura in front of camera was very different with her natural attitude. Hindi rin siya nagsusuot nang super pretty dresses at hindi siya nagme make-up kapag nasa bahay lang.
"Oh, anak. Anong oras na ah. Hindi pa ba kayo aalis ni Micko?" inosenteng tanong ni Mama na halatang walang kaalam-alam sa mga pinaggagawa sa 'kin ni Micko.
"Aalis na po kami, Tita," singit naman ni Micko na nasa likod ko na pala. May lahi yata siyang multo. Kung hindi lang siguro ako sanay sa mga gano'ng move ni Micko, sigurado akong magugulantang ako nang bongga. Mabuti na lang talaga at alam ko na ang saltik ng utak ni Micko the Bully
Pero, kahit ganyan si Micko, malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kundi siguro dahil sa kanya, malamang pa sa alamang, ay wala na akong maipagmamalaki ngayon. Ang mas masama pa, baka pinaglalamayan na "ko ngayon.
I owe it all to him.
BINABASA MO ANG
Kiss Me, Handsome Bully 1 (PUBLISHED under Lifebooks)
Fiksi PenggemarSimple lang akong babae. Gusto ko ng simpleng buhay, simpleng mundo. Pero nang pumasok ako sa St. catherine Acedemy, nagbago ang lahat. Nagulo ang buhay ko, tumambling ang mundo ko. Naniniwala ako sa Prince Charming. Sabi ko sa sarili ko, kailangang...